Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ulat koresponsal:
Laban sa matinding militarisasyon sa Quezon

 Read this article in English

Habang pinananatili ng rehimeng Arroyo ang Southern Tagalog bilang "pambansang prayoridad" sa usapin ng paglaban sa mga rebolusyonaryong pwersa, kasunod ng Mindoro ang prubinsya ng Quezon sa mga lalawigang pinupuruhan ngayon ng militarisasyon sa rehiyon. Matatag at epektibo naman itong nalalabanan ng mga rebolusyonaryong pwersa at baseng masa sa prubinsya.

Permanenteng nakadeploy sa prubinsya ang 201st Bde na may dalawang batalyon (74th at 76th) at 38 kumpanya ng CAFGU. Karamihan sa mga tauhan ng 74th at 76th IB ay mga dating tropa ng Scout Rangers na bihasa sa mga taktikang "counterinsurgency.� Pana-panahon, sumasanib sa mga operasyong militar sa prubinsya ang 59th IB na nakabase sa Laguna. Dagdag dito, tatlong kumpanya ng PNP Provincial Mobile Group (416th, 417th at 418th) ang regular na naglulunsad ng mga operasyon sa mga interyor na bahagi ng prubinsya.

Dinidiinan ng kaaway ang mga lugar dito na pinaghihinalaang base ng BHB at may madalas na presensya ng hukbong bayan. Nagdiriin din sila sa mga bahaging kapatagan at makapal ang populasyon, at mga sentrong bayan at kalunsuran kung saan malakas ang demokratikong kilusang masa.

Katulad sa iba pang bahagi ng bansa, ginagamit ng AFP dito ang taktika ng �pagdumog,� gamit ang malalaking pwersa. Kinatatangian ito pangunahin ng pagsasanib ng iba't ibang yunit ng AFP at PNP sa mga operasyon at paggamit ng iba't ibang paraan para sa mas mabilis na deployment ng mga tropa sa lugar ng labanan.

Kasabay ng malakihan at mabilisang mga operasyong militar, pinalakas ng AFP ang mga pwersang teritoryal. Itinatayo rin ang maraming kampo, malawakang nagrerekrut para sa CAFGU at naglalatag ng malawak na lambat-paniktik sa pamamagitan ng mga Barangay Intelligence Network sa layuning mahawakan at masubaybayan ang lugar.

Ang lahat ng ito ay matatag na hinaharap ng BHB at rebolusyonaryong mamamayan ng Quezon. Aktibo nilang nilalabanan ang papalaking operasyong militar sa mga larangang gerilya at ang kasabay na mga pang-aatake sa demokratikong kilusang masa.

Sa kabila ng lakas at dami ng militar sa prubinsya at ng mga inilulunsad nitong malalaking operasyon, hindi lamang napepreserba ng BHB ang sarili at ang baseng masa nito, nakapagdudulot pa ito ng matitinding bigwas sa kaaway.

Mula Mayo hanggang Hunyo ngayong taon, apat na malalaking operasyon ng militar ang binigo ng mga pwersa ng BHB. Ipinamalas sa magkakahiwalay na labanang ito ang kakayahang magtanggol at lumaban ng BHB. Napangibabawan ng relatibong maliliit na yunit gerilya ang mas malalaking pormasyong pandumog ng AFP. Habang dumarami ang pasistang tropa na pumapasok sa saklaw ng rebolusyonaryong kilusan, dumarami rin ang target ng mga taktikal na opensiba ng BHB.

Noong Hunyo 20, nakasagupa ng Maria Theresa De Leon Command (MTDLC) ang mga elemento ng 74th IB na nag-ooperasyon sa hangganan ng mga bayan ng Mulanay at San Francisco. Palipat ang mga Pulang mandirigma sa kasunod na baryo nang makita nila na nagpapahinga sa gilid ng sapa ang militar. Kagyat nilang pinaputukan ang mga tropa ng kaaway at napatay ang tatlo sa mga ito. Ang yunit militar na ito ay may mahabang listahan ng paglabag sa karapatang-tao sa Far South Quezon.

Bago ito, hinaras ng MTDLC ang mga nag-ooperasyong tropa ng 74th IB sa Barangay Taingon, San Francisco, Quezon. Apat na elemento ng AFP ang napatay. Hindi nakaganti ng putok ang pwersa ng AFP. Dulot ng matinding demoralisasyon, nagbalikan sa kanilang kampo ang iba pang nag-ooperasyong yunit ng 74th IB.

Noong Hunyo 16, napalaban ang isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB nang tambangan sila ng isang platun ng 74th IB sa Barangay Nanadiego, Mulanay. Umabot sa tatlong oras ang labanan ngunit naagaw ng mga Pulang mandirigma ang inisyatiba sa unang bugso pa lamang ng putukan. Agad na napaatras ang tropa ng AFP kung kaya't nakapag-asolt ang mga kasama at naitaboy sa iba't ibang direksyon ang mga pwersa ng militar.

Epektibo namang nahadlangan ng blocking force ng BHB ang reimporsment na lulan ng isang armored personnel carrier at dalawang siksbay. Pinasabugan ng BHB ng isang command-detonated land mine ang naunang trak sa kanilang komboy.

Nakasamsam ng isang M16 ang BHB. Labinlimang militar ang napatay at di mabilang ang sugatan. Sa iba't ibang lugar inilabas ng mga sundalo ang kanilang mga patay at sugatang kasamahan upang pagtakpan ang kanilang kahihiyan.

Pinalabas nila sa midya na isa lamang ang napatay at tatlo ang nasugatan sa militar.

Samantala, nasugatan ang Pulang mandirigma na si Renato Vergara o Ka Medel. Namatay siya habang iniaatras sa lugar ng labanan.

Noong Mayo 5, kinubkob ng 70-kataong komposit na yunit ng 59th IB, 74th IB at 76th IB ang isang malaking platun ng AMC na nakahimpil sa Barangay Anyaw, Catanauan. Nakapanlaban ang mga Pulang mandirigma at kagyat na nakaalis sa kordon ng kaaway. Gayunpaman, limang mandirigma ang namatay sa proseso ng pagtatanggol.

Apat ang kaagad na napatay sa panig ng AFP, kabilang ang isang Lt. Ferrer, ang kumander ng sumalakay na yunit. Ayon sa mga residente sa lugar, aabot sa 16 ang napatay na kaaway. Katulad ng ginawa sa Mulanay, lihim na inilabas ng militar ang mga bangkay at sugatan sa karatig-bayan ng Catanauan at ang iba ay isinakay sa helikopter upang di malaman ng taumbaryo at ng midya ang tunay na bilang ng mga kaswalti.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalala ang pagkakahiwalay ng rehimeng Arroyo sa mamamayan

Tagumpay ng mamamayan ang pagpapalaya kay Angelo dela Cruz
Pagbuwag sa rali, binatikos
Mga kaso laban kay Palparan, ipupursige
Lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas
Mga ulat koresponsal:
Matagumpay na depensa ng BHB sa Northern Samar: Apat, di nagapi ng apatnapu

Mga ulat koresponsal:
Laban sa matinding militarisasyon sa Quezon
Mga ulat koresponsal:
Muling sumisibol ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay

Maikling bidyo
Sa Ibayong Dagat:
Lumalakas ang pagtutol sa patakarang panlabas ng US: Sunud-sunod na dagok

Iligal ang security barrier ng Israel
Balita:
Abusadong mga tropa, pinalalayas sa Negros

Balita:
Pagbabayad-pinsala sa mga biktima ng batas militar, binalewala ng rehimeng Arroyo

Balita:
US, binatikos sa kumperensya ukol sa AIDS

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.