|
|
Iniimbestigahan ngayon ang daan-daang tropang British, kabilang ang mga upisyal at kumander na sangkot sa pananalakay sa Iraq matapos mabunyag ang mga insidente ng pang-aapi at panonortyur ng mga ito sa mga nadakip na sibilyan at sundalong Iraqi. Nitong Mayo, nakuha sa isang sundalo ang ilang litratong nagpapatunay ng kalupitan at pang-aapi ng isang grupo ng sundalong British sa kanilang nabihag sa digma. Sa isang litrato, ibinitin sa forklift truck na minamaneho ng isang sundalong British ang isang nakagapos at binusalang Iraqi. Makikita sa litrato ang isang "tawang-tawang sundalong British." Ang ibang litrato ay nagpakita ng ilang Iraqi na nakahubad at pinipilit na gumawa ng mga aktong sekswal sa mga sundalong British o di kaya'y sa isa't isa habang nanonood ang iba pang mga sundalo. Mayroon ding larawan ng dalawang hubad na Iraqing takot na takot na nakayuko. Bago ito, nabunyag ang kalupitan ni Col. Tim Collins, kumander ng isang batalyong nakaistasyon sa Basra, laban sa mga sibilyang Iraqi. Saksi hindi lamang ang kanyang tauhan, kundi pati ang mga tropang Amerikano na nakaistasyon din sa Basra sa nasabing panahon, sa pambubugbog ni Collins sa isang lider Iraqi, walang pakundangang pamamaril at pananakot sa iba pang sibilyan at pagpapaputok sa mga gulong ng mga sasakyan ng sibilyan.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|