Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Kontrol sa langis ang tunay na pakay

 Read this article in English

Takam na takam ang gubyerno ni George W. Bush sa langis ng Sudan kaya nagkakandarapa ito sa kunwaring paglutas sa kaguluhang nagaganap ngayon sa bansang iyon.

Pinalalabas ng gubyernong Bush na layunin lamang nito na matapos ang kaguluhan sa Darfur, Sudan at mapawi ang mga paglabag sa karapatang-tao ng mga Darfurian. Isinasangkalan din ng US na ang Sudan ay pinamumugaran ng mga teroristang grupo. Subalit malinaw na ang totoong pakay ng US ay ang makontrol ang industriya ng langis sa Sudan. Walang pinagkaiba ang pakikialam na ito ng US sa naganap na pag-okupa sa Iraq nang dahil sa langis at sa Afghanistan kung saan may nakaplanong ilatag na oil pipeline na tatagos sa bansa.

Napakahalaga para sa US na makuha ang langis ng Sudan dahil kailangan nito ng alternatibong mapagkukunan ng langis. Sa Middle East, kung saan signipikanteng tagasuplay ng langis ng US ang Saudi Arabia at Kuwait, nananatiling mataas ang tensyong dulot ng patuloy na paglaban ng mga armadong militanteng Iraqi sa mga pwersa ng US sa Iraq. Sa Saudi Arabia, napapatigil ang operasyon ng mga kumpanya ng langis dahil sa pag-atake ng mga anti-US na grupo.

Inaangkat ng US ang 60% ng kabuuang kinokonsumong langis nito bawat taon.

Ayon sa mga kinatawan ng Sudanese Energy Ministry, mayroong napatunayang 700 milyong bariles ang Sudan at tinatayang mayroong kabuuang 300 milyong bariles na reserba ito. Nais ng US na maagaw at makontrol ang langis sa bansa na sa ngayon ay hawak ng mga kumpanyang Lundin Oil ng Sweden, Petronas ng Malaysia, China National Petroleum Company ng gubyerno ng China, OMV ng Austria, Qatari Gulf Petroleum Company, TotalFinaElf ng France, ONGC Videsh Ltd. ng India at Sudapet ng gubyerno ng Sudan.

Bukod sa planong pagkontrol sa langis ng Sudan, balak ng US kapag humupa na ang kaguluhan sa Iraq, na dugtungan ang oil pipeline mula Arabian Gulf, na idadaan sa daungan ng Yanbu sa Saudi Arabia tungong Arous sa Sudan na tatagos sa Darfur at tutuloy sa Chad at dadaloy patungong Atlantic Ocean.

Sa kabila ng pagkakaroon na ng kasunduan hinggil sa pagpapatigil sa kaguluhan sa Sudan sa pagitan ng gubyerno nito at ng United Nations na pinirmahan noong Abril 8, pinangunahan ng US ang paglalabas ng isang resolusyon na inaprubahan ng UN Security Council. Ayon sa kasunduan, iniuutos sa gubyerno ng Sudan ang pagdisarma sa grupong naghahasik ng kaguluhan sa Darfur at pagpapatigil sa pang-aatake nito sa loob ng 30 araw. Kung hindi ay haharap ang gubyerno sa mas mabigat na aksyon.

Hindi tinanggap ng Sudan ang resolusyon sa pagsasabing taliwas ito sa nauna nang pakikipagkasundo sa UN. Nagbabala ang US ng pang-ekonomyang embargo, na kung tutuusin ay lalong magpapahirap sa mga refugee sa Sudan.

Patuloy ang pagpapel ng US sa kaguluhan sa Darfur. Patuloy ito sa panggigipit sa gubyerno ng Sudan, hindi upang isalba ang milyun-milyong mamamayan sa Darfur at makamtan ang kapayaapan, kundi upang mapasakamay at madambong ang langis na inaasam.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Makatao ang pangangalaga ng BHB sa mga prisoner of war

Tagumpay ang maayos at ligtas na pagpapalaya sa mga bihag ng digma
Mahigit 100 kaso, isinampa sa JMC
Pamilya, iligal na ikinulong
Usapang pangkapayapaan, ipinagpaliban
Sistematikong pagsisinungaling ng AFP
Ang rebolusyonaryong peryodismo, ayon kay Manong Tony Zumel
Panunuhol at pambabraso sa WTO
Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Kontrol sa langis ang tunay na pakay
Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Ang matinding kaguluhan sa Darfur

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.