Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

 Read this article in English

Inihahanda ang paglulunsad ng Ika-6 na International Conference of Marxist- Leninist Parties and Organizations (Pandaigdigang Kumperensya ng mga Marxista-Leninistang Partido at Organisasyon o ICMLPO). Kaugnay nito, inilabas ng Partido Komunista ng Pilipinas ang kontribusyon nito sa mga isasagawang talakayan hinggil sa pandaigdigang krisis ng kapitalismo at mga tungkulin ng pandaigdigang kilusang proletaryo.

Ang kalagayan ng pandaigdigang kilusang komunista Muling sumisibol sa kasalukuyan ang pandaigdigang proletaryong rebolusyon matapos na tuluyang nalantad at bumagsak ang modernong rebisyunismo at habang patuloy na dumadausdos sa di pa napapantayang krisis ang sistemang kapitalista sa buong mundo. Matapos ito ng mahabang panahon ng mga pag-atras at pagkagapi ng pandaigdigang kilusang komunista, laluna nang nangibabaw ang modernong rebisyunismo sa Tsina pagpanaw ni Tagapangulong Mao Zedong noong 1976.

Sa mismong mga sentro ng kapitalismo, laluna sa Europa, pumuputok ang mga dambuhala at ispontanyong protesta ng mga manggagawa na lumalaban sa papatinding pagsasamantala sa kanila. Sa mga malakolonya naman ay sumusulong ang mga pakikibakang masa at sandatahang paglaban upang ipagtanggol ang interes ng mga inaapi at tutulan ang nagpapatuloy na dominasyon ng imperyalismo at paghaharing reaksyunaryo.

Higit sa lahat, muling inoorganisa ang mga partido komunista sa batayan ng Marxismo-Leninismo at pagbaka sa rebisyunismo upang epektibong mapamunuan ang pagkilos ng masang anakpawis tungo sa muling pagdaluyong ng proletaryong rebolusyon. Gayunpaman, dahil sa mahabang panahong pangingibabaw ng modernong rebisyunismo, ang mga partido komunista ay napinsala at ang iba­y tuluyang nawasak. Maraming mga usapin sa ideolohiya, pulitika at organisasyon ang kailangan pang himayin upang lubusang maitaguyod ang Marxismo-Leninismo, magkaisa ang mga rebolusyonaryong proletaryado sa buong mundo at mapaunlad ang kakayahang buong-tatag na mapamunuan at maisulong ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan.

Ang katangian ng ICMLPO

Gumagampan ang ICMLPO ng mahalagang papel sa proseso ng muling pagtitipon ng mga partido komunista. Aktibong lumalahok dito ang PKP alinsunod sa proletaryong internasyunalistang tungkulin nitong tumulong sa pagpapanday ng pagkakaisa ng uring manggagawa sa buong daigdig.

Ang ICMLPO ay isang porum para sa pagtatalakay ng mga usapin sa ideolohiya at pulitika na kinakaharap ng mga Marxista-Leninista sa buong mundo. Isa ito sa mga larangan ng interaksyon at pagtutulungan ng mga Marxista-Leninista para sa sosyalismo at laban sa walang puknat na opensiba sa ideolohiya ng imperyalismo.

Itinataguyod ng mga lumalahok sa mga kumperensya ng ICMLPO ang Marxismo-Leninismo at Kaisipang Mao Zedong. Saligang rekisito rin ng paglahok dito ang paglaban sa modernong rebisyunismo, ang positibong aktitud sa mga teorya at kontribusyon ni Stalin at Mao Zedong at ang pagtanggap sa mga alituntunin ng bawat kumperensya ng ICMLPO.

Sa mga kumperensya ng ICMLPO ay mahigpit na ipinatutupad ang mga alituntunin upang mapanatili ang integridad, pagsasarili, pagkakapantay-pantay at paggagalangan ng mga partido at organisasyong lumalahok dito. Antas-antas na inaabot ang konsensus at pagkakasundo sa pamamagitan ng prinsipyadong debate at kooperasyon ng mga partido at organisasyon.

Itinataguyod ang prinsipyo ng walang panghihimasok sa kani-kanyang mga usaping internal. Walang anumang kalahok ang magsasagawa ng mga pampublikong pagatake sa ibang kalahok na partido o organisasyon. Bawat isang kalahok ay may karapatan na pumirma o hindi sa mga resolusyong tinalakay at pinagkaisahan. Inilinaw mula noong Ika-3 Kumperensya ng ICMLPO na ito­y hindi isang pandaigdigang sentro sa ideolohiya o pulitika at hindi makapagpapataw ng mga kaisahan sa anumang partido o grupo.

Ang gawain ng ICMLPO ay pinangangasiwaan ng Joint Coordinating Group (JCG) na inihahalal sa katapusan ng bawat kumperensya. Bawat isang kumperensya ay natatangi sa iba pa at bukas sa partisipasyon ng sinumang tatalima sa mga saligang alituntunin ng ICMLPO.

Ang mga nakaraang tagumpay ng ICMLPO

Bilang isang porum, nakaipon na ang ICMLPO ng mga tagumpay sa pagtataguyod ng Marxismo-Leninismo at paglaban sa rebisyunismo. Isa ito sa mga unang pandaigdigang kumperensyang naglantad sa panunumbalik ng kapitalismo sa dating Unyong Sobyet at pumuna sa rehimeng Gorbachev bilang sosyal-imperyalista. Katulong din ito sa paglulunsad ng makasaysayang International Seminar on Mao Zedong Thought noong Disyembre 1993 sa Germany na naglabas ng Pangkalahatang Deklarasyon Hinggil sa Kaisipang Mao Zedong. Mula sa 11 kalahok sa Ika-4 na Kumperensya noong 1993, 20 partido at organisasyon mula sa apat na kontinente ang dumalo sa Ika-5 Kumperensya noong Oktubre 1996. Tanda ito ng tumataas na prestihiyo ng ICMLPO.

Sinalamin ng iba­t ibang resolusyon ang pag-unlad ng mga talakayan hinggil sa mga usapin sa ideolohiya, pulitika at praktika. Saklaw nito ang mga pangyayari sa ekonomya at pulitika at sa teorya at praktika ng tunggaliang makauri. Naging matingkad sa mga debate ang katangiang proletaryo, demokratiko, buhay, bukas at masaklaw. Isinagawa ang mga ito sa prinsipyadong paraan at naging obhetibo ang mga talakayan sa pagsisikap na magkaisa at mapaunlad ang porum na alinsunod sa diwa ng Marxismo-Leninismo at Kaisipang Mao Zedong. Pinagkaisahan ng Ika-5 Kumperensya ang mga sumusunod na resolusyon:

  1. Ang mga pampulitika at pangekonomyang pangyayari sa mundo bilang batayang sirkunstansya sa pagtatakda ng rebolusyonaryong gawain. Tinukoy ang pagtalim ng pangkalahatang krisis ng kapitalismo na siyang kalagayang sinasamantala ng mga Marxista- Leninista upang itayo ang mga partido at itaas ang antas ng pakikibakang anti-imperyalista at sosyalista laban sa lahat ng komon na kaaway ng proletaryado at mamamayan sa buong daigdig.

  2. Mga tungkulin at hinaharap ng kilusang Marxista-Leninista at ng uring manggagawa. Tinukoy dito ang tungkuling palaganapin ang pagkakaisa ng mga Marxista-Leninistang partido habang pinalalapad ang pagkakaisang antiimperyalista. Ipinanawagan ng resolusyon na ito sa bawat partido na ilapat ang Marxismo-Leninismo sa kongkretong kalagayan ng kani-kanilang bansa at isulong ang mga pambansang rebolusyonaryong kilusan.

  3. Pag-unlad ng kilusang Marxista- Leninista at kilusan ng uring manggagawa laban sa rebisyunismo. Isinaad sa resolusyon na ito na kung hindi pangingibabawan ang impluwensya ng rebisyunismo sa kilusan ng uring manggagawa, hindi maaaring maganap ni sumulong muli ang pakikibaka para sa sosyalismo ni matamo ang tagumpay ng proletaryong rebolusyon.

  4. Hinggil sa pagpapatuloy ng Internasyunal na Kumperensya. Tinukoy ng Ika-5 Kumperensya ang papataas na antas ng konsensus at pagkakapatiran sa hanay ng mga kalahok sa ICMLPO at pinagpasyahang ibayo pa itong paunlarin sa pamamagitan ng paglulunsad ng Ika-6 na Kumperensya. Kaakibat nito�y hinirang ang bagong JCG upang paghandaan ito.

Pinagtibay din ang espesyal na resolusyong gumugunita sa ika-25 taong anibersaryo ng pagpaslang ng mga pasistang reaksyunaryo kay Kasamang Charu Majumdar, rebolusyonaryong lider-martir ng India na pinuno ng armadong pakikibaka ng mga magsasakang Naxalbari. Kaugnay ng mga tagumpay ng Ika-5 Kumperensya, lihim na idinaos noong Abril 1998 sa Pilipinas ang First Asia-Pacific Conference of Marxist-Leninist Parties and Organizations. Itinaguyod nito ang mga prinsipyo ng mga nakaraang kumperensya ng ICMLPO. Naglabas ito ng komunike na nanawagang paigtingin ang pagsisikap na buuin ang mga pwersang rebolusyonaryo at pakilusin ang mamamayan ng Asya-Pasipiko laban sa imperyalismo sa harap ng tumitinding krisis ng sistemang kapitalista.

Ang PKP at ang ICMLPO

Patuloy na aktibong lalahok at mag-aambag ang PKP sa ikauunlad at ikatatagumpay ng mga kumperensya ng ICMLPO. Naniniwala ang Partido na marami pang maiaambag ang ICMLPO sa pagpapatibay ng paninindigan at pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga partido at organisasyon sa balangkas ng Marxismo-Leninismo at Kaisipang Mao Zedong. Tungo ito sa pagsusulong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka ng uring manggagawa at mamamayan sa lahat ng panig ng daigdig. Bukod sa ICMLPO, lumalahok at nag-aambag din ang PKP sa iba pang mga internasyunal na seminar o kumperensya at nagbubuo ng mga pagkakaisang multilateral at bilateral sa mga kapanalig nitong partido o organisasyon.

Ang pakikipagkaisa sa batayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang pinakamataas na antas na inaabot ng PKP. Kaalinsabay nito, ang PKP ay aktibong nag-aambag sa pagbubuo ng malapad na pagkakaisang anti-imperyalista na kinabibilangan, di lamang ng mga proletaryong partido, kundi pati ng iba pang mga uri at malawak na mamamayang inaapi ng imperyalismo. Kinakailangan ang ganitong mga antas ng pagkakaisa upang matatag na maisulong ang pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya, demokrasya at sosyalismo.

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan
Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.