Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kalagayan ng mga magbubukid at manggagawang bukid sa mga tubuhan ng Batangas

 Read this article in English

Isa sa pangunahing produktong agrikultural ng Batangas ang asukal. Produkto ito ng 26 sa 32 bayan at syudad ng prubinsya. Noong 2000, ang mga bayan ng Tuy, Calaca, Nasugbu, Balayan at Lemery ang may pinakamalalawak na tubuhan.

Matatagpuan sa Batangas ang Central Azucarera de Don Pedro o CADP at ang Batangas Sugar Central Inc. (BSCI), dalawang malalaking gilingan ng tubo at pabrika ng asukal. Ang CADP ay pumapangatlo sa Victorias Milling Corporation sa Negros Occidental at BUSCO ng Bukidnon sa usapin ng kabuuang produksyon ng asukal sa buong bansa. Ang pinagsamang produksyon ng CADP at BSCI ay katumbas ng 53% ng buong produksyon ng asukal sa buong Luzon.

Katulad ng kalagayan sa iba pang mayor na mga tubuhan sa Pilipinas, ang mga tubuhan sa Batangas ay kinokontrol ng iilang pamilya lamang. Batay sa talaan ng reaksyunaryong gubyerno, 16 na pamilya at korporasyon ang nagmamay-ari sa mahigit 26,000 ektaryang tubuhan dito. Tinatayang mahigit 63,000 manggagawang bukid ang ineempleyo ng mga tubuhang ito para sa kani-kanilang operasyon. Ang mga regular na manggagawang bukid ay yaong matatagpuan sa malalawak na plantasyon ng tubo at tumatanggap ng regular na buwanang sahod. Ang mga pana-panahong manggagawang bukid ay matatagpuan sa mga lupaing nakapailalim sa mga sistemang asyenda, mga nakasanlang lupa at kung saan man sila kinakailangan.

Di hamak na mas makitid ang saklaw ng maliliit na magtutubo. Mahigit lamang 10,000 ektarya ang pag-aari ng mahigit 9,000 maliliit na magtutubo (isa o isa't kalahating ektarya lamang ang pag-aari ng bawat isa). Mas laganap kumpara rito ang sistemang kasam� at buwisan na sumasaklaw sa mahigit 18,000 ektarya. Bumibilang ng mahigit 15,000 ang mga kasam�. Sa mga lupaing ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatanim ng anumang produkto liban sa tubo.

Di makatarungang sistema ng partihan, mataas na gastos sa produksyon. Habang tumitindi ang krisis na dinaranas ng ekonomya ng bansa, at ng industriya ng asukal sa partikular, lalo ring tumitindi ang kahirapan at pagsasamantalang pyudal at malapyudal na dinaranas nila.

Ang karaniwang partihan ay 50-50 sa gastos sa ilang bahagi ng produksyon at kita mula sa kabuuang nabentang tonelada ng tubo. Hindi isinasama sa kwenta ang halaga ng paggawa na binabalikat ng mga magsasaka.

Sa sistemang 50-50, laging agrabyado ang kasam�. Ang gastos sa pagbubungkal ng lupa o paghahanda ng lupa, ay solong isinasabalikat ng kasam�. Maging sa gastos sa pag-aararo, paggagamas at pag-aalaga ay walang parte ang panginoong maylupa. Karaniwang naghahati lamang ang panginoong maylupa at kasam� sa gastos sa abono at pag-ani.

Ang kawalan ng lupa at di makatarungang partihan ay lalong pinalalala ng mataas na gastos sa produksyon tulad ng sa abono. Isang malaking salik sa pagtaas ng gastos sa produksyon ng mga magtutubo ang kawalan ng subsidyo ng gubyerno. Halimbawa, nang tanggalin ng gubyerno ang subsidyo nito sa abono, dumoble ang presyo nito.

Umaabot sa mahigit 58% ng kabuuang kita kada ektarya ang napupunta sa gastos sa produksyon. Ibabawas pa sa maiiwan ang bahagi ng panginoong maylupa.

Sa mga bahaging naipamahagi na ang lupa sa mga manggagawang bukid at mga kasam� sa ilalim ng huwad na CARL, epektibong nagamit ang usura bilang kasangkapan ng malalaking panginoong maylupa para muling mapasakanila ang lupa.
Higit pang tumaas ang gastos sa produksyon ng magsasaka sa panahon ng liberalisasyon ng agrikultura ng bansa dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng halaga ng mga abono at pestisidyo.

Mataas na interes sa pautang at ang rekonsentrasyon ng lupa. Dahil sa gipit na kalagayan, napipilitang umutang ang mga kasam� sa mga panginoong maylupa, usurero, komersyante at bangko sa kabila ng mataas na interes. Napupwersa silang isanla o iaryendo ang kanilang lupa.

May dalawang klase ng aryendo. Sa unang klase, ang tubuhan ay pangangasiwaan ng usurero sa loob ng napagkasunduang panahon. Halimbawa, sa inutang na `20,000 ng magsasaka, tatlong gilingan nitong ipauubaya sa usurero ang kanyang tubuhan at lahat ng kita mula rito. Sa ikalawang klase naman ng aryendo, hindi ibabalik sa magsasaka ang kanyang lupa hangga't di nito naisasauli sa usurero ang inutang na halaga.

Laganap ang sistemang ito sa mga tubuhang saklaw ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) ng reaksyunaryong estado sa Nasugbu, Batangas na bahagi ng malawak na lupain ng pamilyang Roxas.

Sa mga bahaging naipamahagi na ang lupa sa mga manggagawang bukid at mga kasam� sa ilalim ng huwad na CARL, epektibong nagamit ang usura bilang kasangkapan ng malalaking panginoong maylupa para muling mapasakanila ang lupa.

Isang halimbawa nito ang kaso ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Banilad, bahagi ng mga lupain ng pamilyang Roxas, na napagkalooban ng lupain sa ilalim ng CARL. Dahil sa pagkakautang, 70% ng mga naipamahagi nang lupain ay naibalik muli sa kontrol ng pamilyang Roxas. Mahigit kalahati nito ay nasa anyo ng mga ipinambayad na CLOA ng mga kasam�, at ang iba pa ay nasa ilalim ng sistemang aryendo.

Mababang sahod at iba pang pagsasamantala at pang-aalipin sa mga manggagawang bukid sa tubuhan. Napakababa ng sahod ng mga manggagawang bukid sa mga tubuhan. Walang natatanggap na anumang benepisyo ang mga regular na manggagawang bukid sa mga asyenda. Ito'y kahit regular na kinakaltasan ang kanilang sahod ng `98 bawat araw para diumano sa mga benepisyo at bonus.

Ang tagaalaga ng mga lupang nakaaryendo ay sinasahuran ng `100 bawat araw. Ang upa sa pag-aararo ay `250-`260 bawat araw at sa pagtataad ay `0.30 bawat taad (pananim na tubo) o `300 sa isang libo o laksa.

Sa mga pumapailalim sa sistemang kapatas (kilala rin bilang sistemang kabo), yaong mga bumibilang ng 10 tao pataas bawat kupon o pangkat ay sumisingil sa panginoong maylupa ng `130-140 bawat tonelada. Subalit ang ipinapasa lamang ng kapatas sa kanyang kupon ay `120-`135 bawat tonelada. Kaya sa bawat tonelada ng kupon, kumikita ang kapatas ng `5.00 hanggang `10.00.

Ang malalaking kapatas naman ay nagpapasahod sa mga dayo mula sa ibang prubinsya ng `60-`100 bawat tonelada, samantalang ang kanyang singil o kontrata sa may lupa ay `140 bawat tonelada. Sa ganitong kalagayan, kumikita ng `60 hanggang `80 bawat tonelada ang kapatas.

Bukod sa sobrang kababaan ng kanilang sahod, karaniwang umaabot ng dalawang linggo bago ito matanggap ng mga dayong manggagawang bukid. May mga pagkakataong umaabot nang ilang buwan bago magkakwentahan at malaman ang halaga ng kikitain ng dayo.

Sa ganitong kalagayan, ang mga dayo ay bumabale sa puno ng kupon o sa kapatas upang matugunan ang pangangailan sa bawat araw. Kung sila ay lokal o dayo na nasa pamumuno ng kapatas, kadalasan ay nadadaya pa sila sa kwentahan. Lumalabas pa kung minsan na may utang o labis ang kanilang nabale.

Mas malala pa ang nararanasang pambubusabos ng kababaihan at kabataang manggagawang bukid. Ang kababaihan ang karaniwang gumagampan ng pananaad kung saan binabayaran sila ng `120 bawat 1,000 taad. Sa paggagamas at paghahalabas o pagputol ng tubo, `120-150 ang karaniwang sahod sa kanila at `100 naman kung may pakain. Ang kabataan na karaniwang nasa Grade 5 hanggang Grade 6 o edad 10 hanggang 12 ay binabayaran nang pakyawan ng `200 bawat parselang kanilang nililinis (lawo). Karaniwan, ang bayad sa paglilinis ay `120 lamang bawat araw, na paghahatian pa ng mga bata.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Enero 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pamunuan ang nabubuong nagkakaisang prenteng anti-Arroyo!

Mga buladas ni Arroyo
Col. Sebastian, pusakal na pasista at war criminal, pinarusahan ng BHB
Rebolusyonaryong pagsulong sa Quezon
Pulang pagdiriwang
Kalagayan ng mga magbubukid at manggagawang bukid sa mga tubuhan ng Batangas
US Armed Forces, nakaunipormeng halimaw
Pasistang kontratista
Paghahanap ng WMD sa Iraq, itinigil na ng US
Karamihan sa mga Amerikano, tutol sa gerang agresyon sa Iraq
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Ilang tampok na taktikal na opensiba sa Mindanao

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.