Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kumperensya ng tagumpay sa Hilagang-Silangang Luson

 Read this article in English

Bakahin ang konserbatismo at surenderismo. Mapangahas na kamtin ang malalaking pagsulong. Ito ang itinakdang mga tungkulin ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Hilagang Silangang Luzon (HSL) nang idaos ang ikalawang panrehiyong kumperensya ng Partido rito noong 1999.

Nitong kalagitnaan ng 2004, sa ikatlong kumperensya ng rehiyon, buong galak na idineklara ng Komite ng Partido sa HSL ang matagumpay na pagtupad sa itinakdang mga tungkulin noong 1999. Ang kumperensyang dinaluhan ng 36 na delegado at tatlong tagamasid ay nailunsad sa isang bagong kinokonsolidang baryo sa rehiyon sa kabila ng mahigpit na paggalugad ng kaaway.

Inihalal din ng kumperensya ang bagong pamunuan ng rehiyon. Larawan ng pinagsanib na mayamang karanasan ng mga datihang kadre at marubdob na kasiglahan ng mga bago ang kahahalal na pamunuan. Itinakda rin ang mas malalaki pang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan sa HSL sa susunod na tatlong taon. Layunin ng bagong Tatlong Taong Programa na �pabilisin pa ang pagpapalaki ng kakayahan para makatugon sa pambansang panawagan na itaas ang antas ng digma.�

Makabuluhan ang mga naipong tagumpay na tinutuntungan ng gayong layunin. Kahit may lumbay sa dibdib ang mga delegado dahil sa pag-alay ng buhay ng ilang namumunong kadre at kasapi, masigabong palakpakan ang narinig sa bulwagan ng kumperensya sa pagbaybay ng Ulat Pampulitika sa mga tagumpay na natamo. Mga tagumpay ito na hindi madaling nakamit dahil dumaan muna ang organisasyon ng Partido sa rehiyon sa maiigting na tunggalian ng linya sa loob ng mga komite habang hinaharap naman ng maliit pang pwersang rebolusyonaryo ang malaki at malakas na tropa ng kaaway. Ngunit sa gabay ng pambansang pamunuan ng Partido, sa katapatan sa adhikain ng mga kadre at kasapi, sa taimtim na pagnanais na umabante ang rebolusyon at dahil napakapaborable ng kalagayan para sa militanteng pagkilos ng mamamayan laban sa pang-aapi at pagsasamantala, nabaka ang konserbatismo at mga pag-aalangan. Matatag na pinamunuan ng mga komite ng Partido ang mga laban ng masa at ang mga yunit ng hukbo sa gawaing militar.

Ayon sa Ulat Pampulitika, natriple ang buong kasapian ng Partido sa HSL sa nakaraang limang taon. Higit sa doble ang idinami ng mga lokal na sangay at napatatag ang pamumuno ng Partido mula antas rehiyon hanggang seksyon.

Taong 2003 nang ang lahat ng mga komiteng larangan ay mamuno at magtagumpay sa paglaban sa malawakang pangangamkam ng lupa at

Paborable at napakahusay ng kalagayan sa rehiyon para higit at lahatangpanig na sumulong ang rebolusyonaryong kilusan at makamit ang mga layuning itinakda ng katatapos na kumperensya
sa pagpapababa ng interes sa pautang. Aabot sa 50% ang ibinaba ng umiiral na interes sa pautang. Naitaas ang presyo ng mga produkto at naalis ang malaking bahagi ng pandaraya sa pamilihan sa 350 baryo sa 12 bayan. Nabenepisyuhan ang humigit-kumulang 366,800 katao o 55,000 pamilya. Kumilos ang 10,000 magsasaka sa 200 baryo.

Taong 2004 naman nang pagsabayin ang pakikibakang elektoral at rebolusyong agraryo para pagsilbihin ito sa isa�t isa, at patalsikin ang despotikong gubernador ng isang prubinsya sa halalan. Nagkamit din ng mga positibong resulta ang kampanyang antimalarya sa hanay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at masa.

Damang-dama ng mamamayan sa rehiyon ang tamis ng gayong mga tagumpay sa harap ng malalang kahirapang dinaranas nila lalupa�t biktima rin sila ng pang-aapi ng mga warlord at pandarahas ng militar. Sa pagtatagumpay ng mga pakikibakang masang pinamunuan ng Partido, higit pang kinilala ng malawak na mamamayan ang pampulitikang impluwensya ng armadong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

Nagsimula nang lumawak kapwa ang konsolidado at pinagpapalawakang mga baryo. Pansamantalang lumiit ang bilang ng mga ito nang magtipon ang dating hiwa-hiwalay na mga iskwad upang itayo ang platun bilang saligang pormasyon. Di lamang muling lumawak ang mga lugar na kinikilusan, narekober din ang mahahalagang bayan, kabilang yaong dating ikinakategoryang �matigas�. Napatunayang walang lugar na matigas kapag ang interes ng masa ang isinusulong, imbes na idaan ito sa �recovery by fire,� na siyang ginamit noong kalagitnaan ng dekada 1980.

Nadoble ang laki ng baseng masa, natriple ang bilang ng mga grupong pang-organisa, organisadong masa, organisadong kababaihan at kabataan. Apat na beses ang inilaki ng bilang ng mga organisadong magsasaka at 12 beses ang inilaki ng bilang ng mga aktibista. Lumaki nang 35 beses ang bilang ng mga komiteng pang-organisa, at mula sa wala ay naitayo ang ilampung ganap na samahang masa.

Higit sa doble ang inilaki ng BHB sa rehiyon. Bago ang panahong tinasa, walang nailunsad na taktikal na opensiba (TO) sa loob ng apat na taon. Sa ngayon, lahat ng mga larangang gerilya ay nakapaglunsad na ng mga TO.

Sa lunsod at kabayanan, mga militanteng pwersa ang siyang nagdadala ng laban ng mga kilusang magsasaka at kabataan sa rehiyon. Dahil sa kampanya laban sa malawakang pangangamkam ng lupa, nagkamit ang mga magsasaka ng isang antas ng tagumpay sa anim na malalaking tipak na sumasaklaw sa 36,579 ektarya ng lupa. Ang progresibong samahang estudyante naman ang siyang namumuno sa konseho sa pinakamalaking unibersidad sa rehiyon, at patuloy itong lumalawak.

Paborable at napakahusay ng kabuuang kalagayan sa rehiyon para higit at lahatang-panig na sumulong ang rebolusyonaryong kilusan at makamit ang mga layuning itinakda ng katatapos na kumperensya. Para makamit ang mga ito, kailangang anihin ang mga tagumpay sa rebolusyong agraryo at pakikibakang elektoral at itaas pang lalo ang antas ng pakikibaka ng mamamayan at hukbong bayan. Sa hanay mismo ng Partido, dapat ipursigi pa ang pagpapahusay sa gawaing edukasyon at organisasyon. Kailangan pang pabilisin, pasinsinin at pataasin ang antas ng gawaing masa. Sa larangang militar, kailangan ding puspusin ang pagpawi sa konserbatismo at paghusayin ang pagbubuo ng hukbong bayan at ang estilo ng paggampan sa gawaing militar.

Sa patuloy na pagpupunyagi ng mga rebolusyonaryong pwersa sa HSL, sa susunod na kumperensya ay aalingawngaw muli ang masigabong palakpakan ng mga delegado bilang pagsalubong sa mga tagumpay na tiyak na makakamit.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Setyembre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Yayanigin ng mamamayan ang rehimeng US-Arroyo

Itaas ang antas ng pakikibaka para sa makabuluhang dagdag na sahod
3,000 dagdag na sweldo, iginigiit ng mga manggagawang pangkalusugan
Rebolusyonaryong patakaran sa enerhiya
Singil sa kuryente itataas na naman
Sa gitna ng matinding pagkakabaon sa utang
Malalang katiwalian at kabulukan sa Napocor

Walang kahihiyang pagpapakasasa
Kumperensya ng tagumpay sa Hilagang-Silangang Luson
BHB, umaani ng tagumpay sa Samar
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.