![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Masugid na tagasunod ng diktang pribatisasyon ng International Monetary Fund at World Bank ang kasalukuyan at mga nagdaang rehimen. Mula pa nang bumwelo ang pribatisasyon noong panahon ng rehimeng US-Aquino at Ramos hanggang sa pagpapatupad nito ng mga rehimeng US-Estrada at Macapagal-Arroyo, patuloy na inilulugmok ng pribatisasyon sa labis na kahirapan ang mamamayang Pilipino. Palagiang ipinagmamayabang ng magkakasunod na rehimen na makakatulong sa mamamayan ang pribatisasyon. Dahil umano sa kumpetisyon, bababa ang presyo ng mga bilihin at bayarin kasabay ng mas magandang mga pasilidad at serbisyo. Subalit sa katunayan, layunin lamang ng pribatisasyon na bawasan o alisin ng mga gubyerno ang gastusin para sa mga serbisyong panlipunan. Ito ay upang maiwasan ang depisit sa badyet at mailaan ang pondo ng bayan para sa pagbababayad ng utang. Ipinasa ng rehimeng US-Ramos ang Water Crisis Act noong 1995 dahil umano sa kawalang-kakayahan ng MWSS na magbigay ng magandang serbisyo sa buong Kamaynilaan. Ang MWSS ang pinakamalaking kumpanya sa tubig na isinapribado sa buong mundo. Nabili ang MWSS ng dalawang kumpanya: ang Maynilad Water Services, Inc. na sumaklaw sa kanlurang bahagi ng Kamaynilaan at ilang kalapitbayan; at ang Manila Water Company, Inc. (MWCI) na sumaklaw naman sa silangang bahagi. Ang Maynilad ay 59% pag-aari ng Benpres Holdings Corporation ng pamilya Lopez, 40% ng Suez Lyonnaise des Eaux, isang multinasyunal na kumpanyang Pranses (ngayon ay Ondeo Philippines Inc.) at 1% ng Metrobank. Ang Manila Water, sa kabilang banda, ay pag-aari ng pamilyang Ayala (40%). Pinakamalalaking kasosyo nito sa kumpanya ang Bechtel Overseas Corp., isang kumpanyang US at United Utilities PLC ng United Kingdom. Sa simula, nag-alok ang Maynilad na ibaba ang singil sa tubig tungo sa P4.97 kada metro kubiko habang ipinagmayabang naman ng Manila Water na kaya nitong ibaba ang sariling singil sa P2.32/metro kubiko. Dalawampu�t limang taon ang kontrata ng dalawang kumpanya sa gubyerno. Matindi ang naging protesta ng mga manggagawa nang isinapribado ang MWSS. Agad-agad, 57% ng halos 10,000 manggagawa o 5,489 ang sinipa sa kanikanilang mga trabaho. Ang natitirang 4,331 ay ipinailalim sa "probation period" habang unti-unti na rin silang tinanggal dahil sa iba�t ibang kadahilanan, kabilang ang pwersahang pagreretiro. Matapos ang ilang buwan, 1% lamang ng kabuuang lakas paggawa ng MWSS ang pinanatili bilang mga regular na manggagawa. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|