![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa dalawang magkahiwalay na pahayag, pinabulaanan ng BHB sa Ilocos-Cordillera ang mga kasinungalingan at saywar ng AFP sa rehiyon. Dahil walang maipakitang mga tagumpay at upang pagtakpan ang ginagawang paglabag sa karapatang-tao, naglulubid na ng buhangin ang militar. Ayon sa Jennifer "Maria" Cari�o Command-BHB Benguet (JCC), ibinibintang ng AFP sa BHB ang pagnanakaw ng P20 milyon halaga ng mga barang ginto at pagpatay sa limang minero kasama ang isang inhinyero sa Lepanto, Mankayan noong Setyembre 20. "Hindi gawi ng BHB na gumawa ng mga kriminal na aktibidad para magkaroon ng pondo. Hindi ito nagnanakaw at nangungurakot kumpara sa AFP at lalong hindi ito nagtatanim ng marijuana para tustusan ang rebolusyon," ani Ka Sey-ang Rayos, tagapagsalita ng JCC. Mariin ding kinundena ng JCC ang pagpatay sa isang inosenteng sibilyan sa Tabbac, Bulalacao, Mankayan at mga paglabag ng 54th IB at PNP sa karapatang-tao ng mga taga-Mankayan matapos ang nakawan. Pinabulaanan naman ng Leonardo Pacsi Command-BHB Mt. Province(LPC) ang ipinangangalandakan ng AFP na 11 Pulang mandirigmang napatay, dalawang malalaking kampong naagaw at mahahalagang dokumentong nasamsam sa operasyong inilunsad ng AFP sa prubinsya noong Hulyo 19-Setyembre 2. Ayon kay Ka Magno Udyaw, tagapagsalita ng LPC, isang kasama lamang ang namatay sa labanan. Matagal na ring abandonado ang mga sinasabing kampo at walang mga dokumentong natagpuan ang mga sundalo. Kinundena ng LPC ang pagpatay ng AFP kay Etfew Chadyaas, isang magsasakang taga-Belwang, Sadanga na nakasalubong lang nila sa daan at ipinarada bilang kasapi ng BHB. Labis na pagpapahirap sa mamamayan ang ibinunga ng mahigit isang buwang operasyong militar. Ayon sa LPC, nabulabog ang mga hayop na pansaka, nasira ang mga pinagkukunan ng tubig at matagal na pinagbawalang mag-ani ang mga magsasaka kaya nangabulok ang kanilang mga produkto. Nilapastangan din ng AFP ang ritwal ng tengaw na isinasagawa noon ng masa sa Bontoc. Ninakawan pa ng mga sundalo ang mga imbakan ng palay ng mga magsasaka sa Mainit at kinatay ang isang kalabaw para kainin. Muling nanawagan ang LPC sa mga sundalo at CAFGU na huwag nang magpagamit bilang instrumento ng dahas laban sa kapwa nila api sa mga operasyong militar. Mas mabuting tularan nila ang halimbawa ng mga katropa nila sa 502nd Bde na nag-AWOL noong Agosto sa gitna ng isang operasyon. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|