![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Siyam na elemento ng 52nd Reconnaisance Company ng Philippine Army ang nasawi sa opensiba ng Bagong Hukbong Bayan noong Mayo 4, alas-5 ng hapon sa Sityo Ugis, Agaman Sur, Baggao, Cagayan. Ang 10-kataong tim ng 52nd Recon Coy ay nagpapanggap na yunit ng BHB habang gumagalugad sa nasabing purok simula pa ng umaga. Bahagi ito ng operasyong militar ng pinagsanib na tropa ng 41st IB, 52nd Recon Coy at 117th PNP-Baggao na nagsimula noong Marso 28. Layunin ng operasyong ito na hadlangan ang patuloy na paglakas ng kilusang masa para maitaas ang presyo ng produkto ng magsasaka at maibaba ang interes ng pautang. Gayundin, nais nilang wasakin ang lumalawak at dumaraming pwersa ng rebolusyonaryong kilusan. Matapos mapinsalaan, lalong nagpakawala ng bangis ang mga sundalo ng Philippine Army at tinarget ang mga sibilyan. Sa mga sumunod na araw, nanalasa ang mga sundalo at biniktima ang mga sibilyan: (a) tinakot at ninakawan ang pamilyang De la Cruz: pilit na isinubo kay Herminio ang kanyon ng baril; tinakot at binugbog si Romeo; at si Analyn, buntis, pinaghinalaang kasapi ng BHB ay kinaladkad at ninakawan pa ng P3,000; (b) kinaladkad at ninakawan ng pitong manok si Pidong Dominsel; (k) tinakot at inakusahang sumusuporta sa BHB si Randy Battala, isang kagawad ng barangay (d) sinikmuraan ang tatlong kabataan ng Agaman Norte matapos mabigong sumunod sa utos ng mga sundalo na sunduin ang isang upisyal ng barangay. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|