Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Mga aral at tagumpay sa pakikibakang agraryo sa Isabela

 Read this article in English

Apatnapu't limang mga lider at kasapi ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) mula sa limang bayan ng timog Isabela at prubinsya ng Quirino ang dumalo sa Kumperensyang

Magbubukid nitong Setyembre 22-24. Ang pulong na ito na ginanap sa Cagayan Valley ay inilunsad upang lagumin ang mga karanasan at magbuo ng mga resolusyon para sa pagsusulong ng mga pakikibaka ng masang magsasaka sa Isabela.

Kabilang sa mga nilagom ng kumperensya ang karanasan sa kampanyang magsasaka sa dalawang bayan sa Isabela noong Mayo, kung saan napababa ang interes sa pautang nang 40-50% at napawi ang maraming anyo ng pandarayang komersyante. Mahigit 101,000 magsasaka mula sa mahigit 100 baryo ang nakinabang sa mga tagumpay na ito.

Malawakang pagpapakilos at pag-oorganisa sa masa. Tinukoy ang mga salik sa likod ng mga tagumpay na ito. Pangunahin sa mga ito ang pagsusulong ng saklaw-bayang pakikibakang masa na bumasag sa konserbatismo sa paglulunsad ng mga pakikibakang agraryo at naging susi sa pagpapabilis ng pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.

Sa loob ng anim na buwang pakikibaka, mahigit 1,300 mamamayan ang naipaloob sa mahigit 100 grupo ng mga magsasaka, kababaihan, kabataan, pambansang minorya, bata at panggitnang pwersa. Nasimulan din sa timog Isabela ang pagbubuo ng balangay ng PKM, at higit pang naparami ang mga komiteng pang-organisa.

Ilandaang aktibista ang napalitaw at napakilos. Ilandaan pang mamamayan ang nabigyan ng rebolusyonaryong edukasyon sa panahon at pagkatapos ng kampanya. Mahigit 2,300 magsasaka mula sa 45 baryo ang napakilos sa mga kumprontasyon. Noon lamang muling naganap sa lugar ang gayong kalaking mobilisasyon.

Antipyudal na linya sa uri. Pangunahing sumandig ang kampanya sa lakas ng mga batayang saray ng uring magsasaka sa pagbubwelo, pagtutuluy-tuloy at pagtatagumpay. Muling pinatunayan na sila ang pinakamapagkakatiwalaang sandigan ng kilusang masa sa kanayunan. Sa batayang ito, pinakilos din ang buu-buong mga baryo, kapwa ang mga nasa batayang saray at panggitnang magsasaka (kabilang ang mga upisyal ng mga tradisyunal na organisasyon at Barangay Council), laluna sa kampanyang anti-usura. Napasuporta o nanyutralisa ang mga mayamang magsasaka (kabilang ang mga guarantor at iba pang ekstensyon ng sistema ng komersyanteng usura).

Makabuluhang bilang ng mga panggitnang pwersa ang naugnayan at tumulong sa kilusang magsasaka. Naugnayan at sumuporta ang mga propesyunal sa mga baryo at sentrong bayan, mga lokal na burukrata, taong simbahan at kawani ng gubyerno at nagbigay sila ng suportang pampulitika, pinansyal at teknikal. Nakatulong din sila sa pagsalag sa pananalakay ng militar sa kilusang magsasaka, pagpapanalo ng mga kahilingan sa kumprontasyon at pagtiyak na hindi tatalikuran ng mga target ng kampanya ang mga naabot na kasunduan.

Kahandaan sa propaganda at pagpapakilos. Mahusay na napaghandaan ang lahat ng pangangailangan sa tuluy-tuloy na paglulunsad ng ahitasyon at propaganda at pagpapakilos sa masa. Umabot sa masaklaw na hanay ng masa ang iba't ibang porma ng propagandang inilabas, tulad ng mga polyeto, istrimer, flyer, pahayag sa midya at pagsasalita sa istasyon ng radyo. Tiniyak ang pagpapakilos ng libu-libo upang maipamalas ang lakas ng kilusang magsasaka. Inihanda ang mga sasakyan, pagkain, at ang plano sakaling pigilin ng AFP at PNP ang aksyong protesta.

Binuo at pinataas ang antas ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa bilang gulugod at motor ng kampanya, habang binuo rin ang mga ligal na organisasyon bilang tagapagkoordina ng masaklaw na kampanya.

Mapanlikhang naabot at namobilisa ang masa kapwa sa paraang hayag at lihim.

Rekrutment sa Partido at BHB. Higit sa lahat, tiniyak na ang pagsulong at pananagumpay ng kampanya ay nagsisilbi sa higit pang paglaki at paglakas ng Bagong Hukbong Bayan, Partido at Pulang kapangyarihan ng mamamayan.

Katumbas ng regular na platun ang narekluta sa BHB sa panahon at pagkatapos ng kampanya. Marami-raming kabataan sa baryo ang naengganyong sumanib sa hukbo batay sa nakita nilang dedikasyon ng BHB sa paggabay sa mga pakikibakang magsasaka. Makabuluhang bilang din ng mga nag-integrasyon mula sa lunsod ang nakumbinsing magpultaym, pangunahin dahil sa namalas nilang mahigpit na relasyon ng BHB at masa, laluna sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Signipikante ang paglaki ng kasapian ng Partido sa lokalidad, gayundin ang pagdami ng mga kasapi ng milisyang bayan.

Minsan pang napatunayan na ang rebolusyong agraryo ang susing kawing at sinulid na tumatahi sa mga gawain sa kanayunan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Hepeng imperyalista at terorista, itinakwil ng sambayanang Pilipino

Nagliliyab na mga protesta, sumalubong kay Bush
Bilateral na kasunduan, niluluto nina Bush at GMA
Mga Ulat Koresponsal:
Mga aral at tagumpay sa pakikibakang agraryo sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal:
Bigo ang �Orgullo� Brigade sa Bicol

Mga Ulat Koresponsal:
Pagtutol ng mamamayan sa SOT sa Cordillera

Mga Ulat Koresponsal:
Ang kwento sa likod ng reyd sa Oras, Eastern Samar

Usapang pangkapayapaan ng NDF at GRP, muling bubuksan
Dalawang bagong aklat ni Ka Joema, inilunsad
Tangkang ekstorsyon ng Malakanyang, ibinunyag ng Fraport
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Mga Tampok na Opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.