Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Lumulubhang pang-aapi at panunupil sa kabataan estudyante

 Read this article in English

Pabigat nang pabigat ang pasaning walang patid na ipinapataw ng rehimeng USEstrada sa kabataan at mga estudyante at sa kanilang mga magulang. Itinataguyod ng rehimen ang komersyalisadong sistema ng edukasyon at walang pangingimi nitong nilalapastangan ang mga demokratikong karapatan ng mga estudyante.

Paparami ang bilang ng kabataang hindi nakapag-aaral. Animnapung porsyento (60%) ng mga batang pumapasok sa elementarya ay napipilitang tumigil sa ikalawang baitang dahil sa mahal na presyo ng edukasyon. Mas marami ang di na nakatutuntong sa hayskul o sa kolehiyo dahil sa mga bayarin. Dahil dito, mahigit na sa 5.7 milyon ang mga batang nagbabanat ng buto sa halip na nasa mga paaralan.

Walang patid na pagtaas ng matrikula. Sa unang buwan pa lamang ngayong pasukan, 315 nang pribadong kolehiyo at unibersidad ang magtataas ng matrikula at iba pang bayarin nang 10%-50%. Bukod pa rito ang mga nauna nang nagsipagtaas ng matrikula sa mga unang buwan ng taon tulad ng 35 eskwelahan sa Kanlurang Kabisayaan na nagtaas nang 7-33% noong Pebrero. Noong 1999, umabot sa 394 na pribadong kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng matrikula, ilan sa mga ito nang hanggang 70%. Mahigit naman sa 200 ang mga eskwelahang nagtaas ng matrikula noong 1998.

Lahat ng ito'y pawang pinahintulutan, katunaya'y ineengganyo ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) at ng Commission on Higher Education (CHEd).

Mas malala, pati ang mga pampublikong unibersidad at kolehiyo ay nakatakdang magtaas ng kanilang mga matrikula. Kabilang dito ang ilan sa Mindanao na nagbabalak magtaas tungong P40 kada yunit ngayong pasukan kahit nagtaas ang mga ito nang hindi kukulangin sa 50% noong nakaraang taon.

Pagkaltas sa dati nang mababang badyet. Halos P10 bilyon ang ibinawas ng rehimen sa badyet ngayon sa edukasyon kung ikukumpara sa nakaraang taon. Ang pagbawas na ito ay ginawa sa harap ng paparaming bilang ng mga estudyante at ng papahigpit na pangangailangan para sa mga dagdag na guro, silid-aralan, libro at iba pa. Ayon mismo sa DECS, kulang ng 44,423 guro at 25,000 silid-aralan ngayong taon.

Binawasan ng P155 milyon ang dating P4.2 bilyong badyet ng Unibersidad ng Pilipinas. Binawasan din ng P2 milyon ang badyet ng Davao Oriental State College na dating P37 milyon. Malaki rin ang kinaltas maging sa badyet ng mga pampublikong paaralang pang-elementarya. Kaakibat nito, inalis na rin ang badyet para sa mga programang pautang sa mga estudyante.

Tungo sa ultimong layuning lubusang talikdan ang tungkuling tustusan ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad, inoobliga ng gubyerno ang mga ito na magpalitaw ng sariling pondo sa pamamagitan ng negosyo at iba pang paraan.

Pagsupil sa pamamahayag at iba pang demokratikong karapatan sa kampus. Patuloy na niyuyurakan ang karapatan ng mga estudyante sa pamamahayag pati ang mga saligang karapatan sa pagoorganisa sa sarili at sa sama-samang pagkilos. Ginagamit ang Campus Journalism Act of 1991 upang busalan ang mga pang-estudyanteng pahayagan na kritikal sa administrasyon ng eskwelahan o sa gubyerno. Maraming mga kaso sa bansa ng harasment laban sa mga publikasyon at mga estudyante na bumabatikos sa mga di makatarungang patakaran at sa pagtabo ng mga eskwelahan ng limpak-limpak na kita. Di lamang iilan sa kanila ang pinatalsik o kinasuhan ng mga may-ari ng eskwelahan.

Pinagbabawalan din ng rehimen at ng administrasyon ng mga eskwelahan ang mga estudyante na maglunsad ng mga kilos-protesta. Sa University of the East-Recto at University of San Jose-Recoletos sa Lunsod ng Cebu, may mga estudyanteng pinatalsik ng administrasyon dahil sa paglahok sa mga kilos-protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Noon namang Enero 27, inaresto ang apat na estudyanteng lumahok sa rali sa harap ng Malakanyang upang igiit ang dagdag na badyet sa edukasyon. Marahas na binuwag ng pulis ang raling iyon na ikinasugat ng mahigit 100 estudyante.

Sa harap ng tumitinding pang-aapi at panunupil sa mga kabataan-estudyante, ibayong lumilinaw sa kanila ang pangangailangang tumindig, mag-organisa at kumilos upang ipagtanggol ang kanilang mga demokratikong interes.

Kayat isang mabuting bagay na sa taong kasalukuyan ay sumisigla ang mga pagkilos sa hanay ng mga kabataan at estudyante. Bukod sa aktibo nilang nilalabanan ang mga patakarang lalong nang-aapi sa kanilang hanay, mahigpit silang nakikipagkaisa sa mamamayang Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at tumitinding pasismo ng rehimeng USEstrada at para sa karagdagang sahod ng mga manggagawa.

Tiwala tayong sa malapit na hinaharap ay puupuong libong kabataan at estudyante ang patuloy na magmamartsa sa lansangan at iba pang mga larangan upang ipaglaban ang kanilang demokratikong interes at makiisa sa pagsigaw ng mga panawagan para sa rebolusyonaryong pagbabago.

 


Previous articleBack to topNext article

06 Mayo 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang digmang anti-Moro ng rehimeng US-Estrada!

Bangis ng digmang anti-Moro
Paglulustay ng rekurso sa digmang anti-Moro
Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas
Panayam kay Ka Roger

Todo-todong pagsasakatuparan ng mga imperyalistang dikta sa ekonomya
Gula-gulanit na lambat pangkaligtasan
Sa kilusang manggagawa
Umiigting na mga pakikibakang masa

Lumulubhang pang-aapi at panunupil sa kabataan estudyante
Mensahe ni Ka Roger para kay Jenina Buan
Kautusan para sa pagpapalaya sa bihag ng digma, pinawalambisa ng NDFP
Patuloy na istagnasyon ng ekonomya ng Japan
Balita
Mga pakikibakang masa sa Timog Katagalugan, sumusulong

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.