![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Matagumpay na napataas ng mga magsasaka ng Sentral Mindanao ang presyo ng saging mula P5-8 tungong P6-9 bawat kilo. Nagawa ito ng mga magsasaka sa Misamis Oriental noong nakaraang taon sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikipagkumprontasyon sa mga komersyante-usurero na nasa lugar. Mula sa iisang bayan lamang sa hilagang silangang Misamis Oriental, lumawak ang kampanya at sinaklaw nito ang limang bayan. Dahil sa kawastuan ng dinadalang panawagan, nakabig ng mga magsasaka ang suporta ng mga propesyunal, ng lokal na pamahalaan, ng kinatawan ng Department of Agriculture at maging ng hepe ng Philippine National Police. Nakabig rin nila ang ilang mga "buyer" at mga may-ari ng posteng imbakan ng saging sa mga baryo dulot ng kanilang sustenido at masaklaw na pangangampanya. Ginamit nila ang radyo at iba pang mas midya para maabot kahit ang mga lugar na hindi na saklaw ng kanilang organisasyon.
Tahasang tumanggi ang isa sa mga komersyante- usurero at ang iba naman ay hindi agad nagbigay ng katiyakang itataas nila ang presyo. Ngunit dahil determinado ang mga magsasaka, nagkaisa silang hindi magbebenta sa sinumang komersyante-usurerong hindi magtataas ng presyo. Dahil dito, sa kalaunan ay napwersa ang mga komersyante-usurero na itaas ang presyo. Umabot ng mahigit isang buwan ang pakikibaka para rito. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|