Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Lumalaganap, dumadalas

 Read this article in English

Lumalaganap at bumubwelo ang mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Mula Hunyo 16 hanggang unang linggo ng Hulyo, sunudsunod na mga pananambang, pananalakay at iba pang aksyong militar laban sa nahihiwalay at maliliit na tropa at detatsment ng Philippine Army, Philippine National Police at Citizens' Armed Forces Geographical Units (CAFGU) ang isinagawa ng mga Pulang mandirigma.

Pinakatampok dito ang pagsalakay sa kampo ng 52nd IB sa Eastern Samar noong Hunyo 28 at ang pananaig ng BHB sa nakasagupang mga tropa ng 60th IB nitong Hunyo 30 sa Compostela Valley sa timog Mindanao. Sa kabuuan, may naitalang 33 kaaway ang napatay habang 23 ang nasugatan. Nakasamsam ang BHB ng 39 armas at sarisaring kalibreng mga bala at iba pang gamit militar.

Compostela Valley. Isang M203, walong M16, tatlong M14 at isang teleskopyo ang nasamsam ng BHB mula sa nakasagupang isang platun ng 60th IB bandang 1:30 ng hapon nitong Hunyo 30 sa Baryo Pansabangan, New Bataan.

Sampung sundalo, kabilang ang kumander nilang si 2nd Lt. Peter James Angeles, at tatlong elemento ng CAFGU ang napatay habang lima pa ang nasugatan sa labanan. Ayon sa ulat ng Merardo Arce Command, nakaengkwentro ng 36-kataong yunit ng BHB ang naturang mga tropa. Habang nakikipagpalitan ng putok, nagmaniobra ang isang iskwad ng BHB upang agawin ang mas mataas na bahagi ng lugar ng labanan. Mabilis na nakapangibabaw ang mga Pulang mandirigma.

Agusan del Norte. Noong Hunyo 27, tinambangan ng BHB at napatay ang isang elemento ng CAFGU at tatlong myembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) sa Lawan-lawan, Las Nieves.

Eastern Samar. Mahusay na nagamit ng mga Pulang mandirigma ang elemento ng sorpresa, kamoplahe ng kadiliman at malakas na ulan upang matagumpay na gapiin ang patrol base ng "A" Company ng 52nd IB sa Barangay Cagpili, Oras noong Hunyo 26. Sinimulan ang reyd bandang 4:30 at tumagal nang dalawang oras ang labanan. Dahil sa layo ng lugar at kahirapan ng ruta patungo roon, hindi agad nakapagpadala ng reimporsment ang kaaway.

Nakasamsam ang BHB ng pitong M16, limang M14, isang grenade launcher, siyam na garan at dalawang karbin. Limang sundalo at 10 kasapi ng CAFGU ang napatay. Nadamay din ang asawa ng isang sundalo. Dalawa ang nasugatan. Bago umatras ang mga gerilya, sinunog nila ang detatsment.

Ang reyd na ito ay pangalawa na sa Eastern Samar sa loob lamang ng isang linggo. Noong Hunyo 22, sinalakay din ng BHB ang istasyon ng pulis sa sentrong bayan ng Quinapondan. Kasabay nito, hinalughog ng mga Pulang mandirigma ang mga bahay ng mga pulis kung saan nakakumpiska sila ng isang M16, isang .45 at isang .38. Nasugatan sa naturang reyd si Insp. Cayetano Gannaban, munisipal na hepe ng pulisya.

Abra. Isang sundalo ng Special Operations Team ng 17th IB ang napatay at isa ang nasugatan sa isang ambus ng Agustin Begnalen Command-BHB sa Sityo Tapayen, Barangay Alaoa, Tineg noong Hulyo 2. Papunta sila, kasama ang tatlo nilang giya, sa kanilang command post nang isinagawa ang pananambang.

Zambales. Isang sundalo ng 24th IB ang napatay at tatlo pa ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na sagupaan sa San Marcelino, Zambales. Napatay ang isang sundalo nang salakayin ng BHB ang detatsment ng 24th IB sa Barangay Adlao noong gabi ng Hunyo 16.

Nasugatan naman ang tatlong sundalo nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma sa Sityo Itanglew noong sumunod na araw. Ang naturang mga sundalo ay kabilang sa pwersang reimporsment na sumaklolo sa detatsment. Pinasabugan ng BHB ng landmine ang sinasakyan nilang V-150 armored personnel carrier. Naging martir sa labanan si Reggie "Ka Cesar" Espinosa, isang manggagawa mula San Simon, Pampanga na sumapi sa BHB noong 2001. Taliwas sa pahayag ng AFP na siyam ang nasawi sa BHB, ligtas na nakaatras ang ibang Pulang mandirigma.

Nitong Hulyo 5, sugatang dinala sa ospital ang limang tropa ng Regional Special Action Force at 315th Provincial Mobile Group ng Zambales PNP matapos makasagupa ang isang yunit ng BHB sa Barangay Maguisguis, Botolan.

Quezon. Anim na tropa ng 59th IB ang nasugatan nang tangkain nilang kubkubin ang pinagkakampuhan ng BHB sa Sityo Kinasakitan, Barangay Canaway, General Nakar nitong Hunyo 28. Pinasabugan sila ng claymore mine ng BHB. Sa mahigit isang oras na labanan, dalawang Pulang mandirigma ang magiting na nag-alay ng kanilang buhay.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hulyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bigwasan pa ang rehimeng Arroyo ng mga taktikal na opensiba

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Lumalaganap, dumadalas
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Walang pinsalang tinamo ang BHB sa engkwentro sa Pampanga at Zambales - Ka Roger

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na pagtatayo ng isang rebolusyonaryong unyon

Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay at mahahalagang aral mula sa welga sa Central Azucarera de Tarlac

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pihit sa laban ng mga manggagawa sa Lepanto Mining

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.