Balita
REBOLUSYONARYONG KILUSAN SUMUSULONG SA SILANGANG KABISAYAAN
Patuloy na umaani ng tagumpay ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa Silangang Kabisayaan bunga ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto.
Ayon sa Larab, ang rebolusyonaryong pahayagang masa sa rehiyon, ang pinakamahalagang tagumpay na nakamit ay ang paglulunsad ng kampanyang edukasyon na nakapagkonsolida sa buong kasapian ng Partido sa ideolohiya, pulitika at organisasyon.
Batay sa pagtatasa ng Partido sa rehiyon nitong huling bahagi ng 1998, dumami nang 26% ang kasapian ng Partido sa Silangang Kabisayaan mula noong Hulyo 1996. Apatnapu�t walong porsyento naman ang idinami ng bilang ng organisadong masa sa panahon ding ito.
Ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay nakapagtala ng 111% pagdami. Mula Hulyo 1996 hanggang sa huling kwarto ng 1998, nakapaglunsad ang BHB ng 38 aksyong militar at nakakumpiska ng 33 iba�t ibang kalibreng armas at maraming bala. Tatlumpo ang kaswalti sa kaaway, kabilang na ang dalawang kapitan at isang tinyente.
Samantala, tinambangan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang isang yunit ng PNP sa Brgy. Laygayon, Pinabacdao, Samar noong Disyembre 2. Ayon sa Larab, isang pulis ang napatay samantalang isa pa ang nakatakas. Nakumpiska sa naturang ambus ang isang pistola.
ASYENDA NG BURUKRATA NIREYD NG B.H.B.-BATANGAS
Matagumpay ang reyd na walang putok na isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa asyenda ni Jejomar Binay, pinuno ng Metro Manila Development Authority at dating alkalde ng lunsod ng Makati. Walong iba�t ibang klaseng armas ang nasamsam.
Umaga ng Pebrero 13 nang mapasok ng BHB ang 60- ektaryang piggery at breeding farm ng mga sasabunging manok ni Binay sa Bgy. Maligaya, Rosario, Batangas. Napagkamalan ng mga gwardya na mga tropa ng militar ang BHB kaya�t nakapasok sa asyenda ang mga Pulang mandirigma. Kinumpiska nila ang dalawang M16, dalawang shotgun, apat na pistola, isang teleskopyo, isang cellphone at isang handheld radio.
MATATAGUMPAY NA OPERASYONG ISPARO INILUNSAD SA CAMARINES SUR
Apat na matatagumpay na operasyong isparo ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Camarines Sur noong Nobyembre at Disyembre 1998 laban sa mga kaaway ng mamamayan.
Ayon sa Silyab, rebolusyonaryong pahayagan sa Bikol, pinarusahan ng BHB si Kpl. Rodel R. Rondario ng 42nd Infantry Battalion noong Nobyembre 14 sa Bgy. Baya, Ragay, Camarines Sur. Kinumpiska kay Rondario ang isang M203. Ang 42nd IB na kinabibilangan ni Rondario ay sangkot sa mga krimen gaya ng panggagahasa at pagnakaw ng ariarian ng mga taga-Ragay.
Noong Nobyembre 1 at Disyembre 4, ginawaran din ng parusang kamatayan sina Jaime Pimentel sa Bgy. Calagbangan at Armando Alicaway sa Bgy. Villazar, kapwa sa bayan ng Sipocot. Nakuha kay Alicaway ang isang .45, pitong bala at isang magasin. Kapwa masasamang elemento sina Pimentel at Alicaway. Isang impormer namang nagngangalang Roberto Solis ang pinarusahan ng BHB noong Nobyembre 2 sa Bgy. Balaogan, Bula, Camarines Sur.
Samantala, patuloy na kinukundena ng mamamayan ng naturang prubinsya ang walang-habas na pandarahas ng mga tropa ng reaksyunaryong hukbong sandatahan, partikular ang 1st IB at 42nd IB. Gayundin, kinukundena nila ang masasamang elemento sa mga pamayanan ng Camarines Sur na patuloy sa paggawa ng krimen.
SEMINAR HINGGIL KAY MAO AT DIGMANG BAYAN IDINAOS
Inilunsad ng mga Marxista-Leninista-Maoistang partido ang Internasyunal na Seminar hinggil kay Mao at sa Digmang Bayan noong Disyembre 1998. Ito ay bilang pagdiriwang sa ika-105 kaarawan ni Kasamang Mao Zedong.
Lumahok ang 27 partido at organisasyon sa internasyunal na seminar. Anim dito ay mga Maoistang partidong nagsusulong ng digmang bayan at 21 ay mga partido at organisasyong sumusuporta sa digmang bayan Tinalakay sa seminar ang mga turo ni Kasamang Mao Zedong hinggil sa digmang bayan at itinaguyod ang kahalagahan at pangangailangan nito sa pagsulong ng mga pambansang kilusang mapagpalaya, ng malawak na kilusang anti-imperyalista at ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.
Bunga ng seminar, napataas ang antas ng pagkakaisa sa hanay ng mga delegado kaugnay ng pag-unawa sa krisis ng pandaigdigang kapitalistang sistema at sa kabuluhan ni Mao at ng digmang bayan. Gayundin, sa kabila ng ilang mga magkakaibang pananaw, ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang kahandaang patuloy na magsagawa ng mga talakayan sa pulitika at ideolohiya at sabayang isabalikat ang mga praktikal na tungkulin tungo sa higit na pagkakaisa.
Inilabas ng seminar ang Pangkalahatang Deklarasyon hinggil kay Mao at sa Digmang Bayan. Naglabas din ang seminar ng mga resolusyon hinggil sa mahahalagang usapin.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|