Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Pulong ng WTO sa Cancun, bagsak

 Read this article in English

Intro: Sa harap ng papatinding krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista, lalong nagiging desperado ang mga imperyalistang bansa na pag-ibayuhin ang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan at mga bansa sa buong daigdig. Kasabay nito, lalong tumitindi ang paglaban ng proletaryo at mga mamamayan sa imperyalistang globalisasyon at sa pangwawasak nito sa kanilang buhay at kabuhayan.

Noong Setyembre 10-14, idinaos sa Cancun, Mexico ang ikalimang Ministerial Meet na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 149 na bansang kasapi ng World

Trade Organization. Katulad ng mga naunang pagpupulong sa Seattle, USA (1998) at Doha, Qatar (2001), walang ibinunga ang pagpupulong.

Umani ang pulong sa Cancun ng matitinding batikos at pagkundena mula sa mamamayang sawang-sawa na sa pambabraso ng mga imperyalistang bansa. Nang ideklarang bagsak na ang pulong, ipinagdiwang ito ng mga nagpuprotesta bilang tagumpay ng pandaigdigang kilusang anti-globalisasyon at palatandaan ng pagsidhi ng krisis at mga kontradiksyong kinasasadlakan ng imperyalismo.

Makaisang-panig na liberalisasyon. Sa pagpupulong, walang kahihiyang itinulak ng mga imperyalistang bansa ang ibayong pagpapababa ng mga taripa sa mga produktong agrikultural sa mga �umuunlad na bansa� habang mahigpit na pinuproteksyunan ang sariling mga ekonomya. Nagmatigas ang US at EU laban sa pagpapababa ng malalaking subsidyong nakalaan sa agrikultura na ginagamit nila upang mabigyang-bentahe sa kalakalan ang kanilang mga produkto.

Higit pa sa 10% ng gastos sa produksyon sa agrikultura ang sinusubsidyuhan ng mga gubyerno ng mga kapitalistang bansa. Isang matingkad na halimbawa ang Japan kung saan 700% ng gastos sa produksyon ang ibinibigay ng gubyerno sa mga may-ari ng mga sakahan at negosyo sa bigas. Ang European Union ay naglalaan ng $100 bilyon taun-taon para sa mga sakahang nagpoprodyus ng asukal, harina at gatas. Kung pagsasamahin, umabot sa $320 bilyon ang ibinigay ng US at Europe na subsidyo sa kani-kanilang sektor ng agrikultura.

Pangunahing nakikinabang sa mga subsidyong ito ang mga imperyalistang korporasyon sa agrikultura. Noong 2002 sa US, mahigit 65% ng mga subsidyo ay nilamon ng 10 pinakamalalaking plantasyon at korporasyon sa agrikultura.

Dulot nito, bumabagsak ang eksport ng mga atrasadong bansa sa halagang $40 bilyon taun-taon. Dagdag pa rito ang mahigit $24 bilyong taunang pagkalugi ng mga magsasaka dala ng pagkakawasak ng kanilang produksyon dulot ng mga importasyon mula sa mga imperyalistang bansa. Sa harap nito, may gana pa ang mga imperyalistang bansa na ipagpilitan ang lubusan nang pagpawi sa kakarampot at di signipikanteng subsidyo sa mga magsasaka sa mga atrasadong bansa.

Kung tatanggalin ang dambuhalang mga subsidyo ng mga kapitalistang bansa sa kani-kanilang sektor sa agrikultura, kikita ng dagdag na $120 bilyon ang mga magsasaka sa mga atrasadong bansa. Mas malaki ito nang tatlong beses kung ihahambing sa pampalubag-loob na taunang badyet na pang-ayuda ng mga kapitalistang bansa.

Liberalisasyon sa Pilipinas. Patuloy na idinidikta ng US at EU ang patakarang liberalisasyon sa agrikultura sa kabila ng naghuhumiyaw na katotohanang walang napapala rito ang mga atrasadong bansa kundi ang pagkawasak ng kanilang kabuhayan at pwersa sa produksyon.

Isang taon pa lamang matapos pumasok sa WTO ang Pilipinas, agad bumagsak ang kalakalan sa agrikultura at lumobo ang depisit nito tungong $5.2 bilyon mula sa naitalang $1.3 bilyong sarplas noong 1994. Sa halip na makalikha ng mga bagong trabaho, mahigit 719,000 ang agad na nawala. Nagtuluy-tuloy ito hanggang 2000 kung saan umabot sa dalawang milyon ang nawalan ng trabaho sa kanayunan. Nitong huling dalawang taon lamang, dumagdag sa talaan ang 1.3 milyong magsasaka, mangingisda at iba pang maralita sa kanayunan na nawalan ng trabaho dulot ng liberalisasyon sa agrikultura.

Pinapatay ng liberalisasyon ang lokal na produksyong agrikultural dulot ng walang rendang pagtatambak dito ng mga imperyalistang bansa ng kanilang mga sobrang produkto. Sa gayon, nauwi ang Pilipinas sa ibayong pag-aangkat habang patuloy pang bumabagsak ang eksport nito ng mga produktong agrikultural. Noong 1995, habang bumagsak ang presyo ng mais nang sangkatlo, lumaki ang importasyon nito nang 520%. Bumagsak ang mga presyo at produksyon ng palay habang lumaki ang importasyon ng bigas nang 540%. Mula 1995-2000, lumaki nang 300% ang mga inaangkat na gulay at iba pang produktong agrikultural.

Tulad ng inaasahan, isa ang Pilipinas sa mahigpit na tumalima sa mga dikta ng amo nitong imperyalismong US. Sa pangunahin, pakitang-tao lamang ang asta ng rehimeng Arroyo para sa �renegosasyon� ng ilang probisyon sa gawa nang mga kasunduan. Kunwa�y nagmamatigas ito laban sa pagbaba ng mga taripa at para sa pagpapababa sa ibinibigay na subsidyo ng mga imperyalistang bansa sa sektor ng agrikultura. Dala nito, nakisakay ang rehimeng Arroyo sa G20�isang alyansa ng 20 bansang mariing tumututol sa mga dikta ng US at EU. Sa kabilang banda, damang-dama rin ng rehimen ang pagbagsak ng kita nito dulot ng adelantado at dramatikong pagbagsak ng koleksyon ng taripa matapos hangal na nagboluntaryong magbaba ng taripa nang mas maaga kaysa ibang bansa. Isa ito sa mga dahilan ng paglaki ng depisit sa pambansang badyet at pagsahol ng krisis sa pangungutang ng bansa.

Sa kahuli-hulihan, mas sumasandig pa rin ang rehimen sa mga kunsesyon at mumong maaaring ipagkaloob ng mga among imperyalista. Patuloy ang pagpapatupad nito sa lahat ng dikta ng WTO sa kabila ng mga retorikang binitiwan nito sa Cancun. Pinatutunayan ito ng patuloy na pagtutulak sa mga pagbabago sa konstitusyon para lalong paluwagin ang pagpasok at dominasyon ng dayuhang monopolyong kapital at kalakal sa bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Palakasin ang kilusang protesta laban sa korapsyon at rehimeng US-Arroyo

Ang mga haharapin ni Macapagal-Arroyo bago ang eleksyong 2004
GMA: Desperadong kumakapit sa poder
Tumitindi ang panunupil sa pamamahayag
Tumitinding panunupil:
Humahabang listahan ng mga biktima

Paikut-ikot
Ka Amado V. Hernandez:
Komunista, lider manggagawa, makata, nobelista at peryodista

Sa Ibayong Dagat:
Pulong ng WTO sa Cancun, bagsak
Sa Ibayong Dagat:
Mga protesta laban sa adyenda sa Cancun, tagumpay

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Tampok na mga opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.