![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral Para sa lahat ng organo ng Partido at kumand ng Bagong Hukbong Bayan: Ipinapabatid ang sumusunod para makagabay sa mga kinauukulan:
Ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ang Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas ay gumagalang sa nabanggit na batas at nagsasaalang-alang sa sumusunod: sa katotohanang ang BHB ay nag-susulong ng isang digmang bayan; sa brutalidad ng kanyang kaaway na nagpapatupad ng mga akto ng agresyon laban sa mamamayan sa kanyang teritoryo; at lahat ng tao, anuman ang edad ay may likas na karapatan sa pagtatanggol sa sarili. Buu-buong komunidad ay responsable sa kanilang internal na seguridad at maaaring magpatupad ng pagtatanggol sa sarili laban sa nananalakay sa kanila. Alinsunod sa umiiral na internasyunal na batas na makatao at ng mga karapatang-tao, pinagtibay noong 1988 ng Kawanihang Pampulitika ng Komite Sentral ng PKP ang patakarang nagbabawal sa pagrerekluta ng mga batang wala pang edad 18 bilang mga regular na kaanib o armadong mandirigma ng mga yunit pangkombat ng BHB. Patuloy nating itinataguyod ang nasabing patakaran at muling inuulit ito ngayon sa harap ng pinatinding kampanyang psywar ng reaksyunaryong gubyerno. Dagdag pa, inaamyendahan namin ang Punto 1 ng Ikatlong Alituntunin ng Saligang Mga Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan na nagsasaad ng ganito: Punto 1. Sinumang mahusay ang pangangatawan, anuman ang gulang, kasarian, lipi, nasyunalidad o relihiyon, may kakayahang lumaban at handang lumahok sa matagalang sandatahang pakikibaka laban sa reaksyunaryong kapangyarihang estado ay maaaring maging kasapi ng isang panlabang pangkat ng Bagong Hukbong Bayan. Ang inamyendahang Punto 1 ng Ikatlong Alituntunin ay nagsasaad ng ganito magmula ngayon: Punto 1. Sinumang di bababa sa edad 18, may mahusay na pangangatawan at pag-iisip, anuman ang kasarian, lipi, nasyunalidad o relihiyon, may kakayahang lumaban at handang lumahok sa armadong pakikibaka laban sa reaksyunaryong kapangyarihang estado, ay maaaring maging kombatant o kasapi ng isang panlabang yunit ng BHB. Sinumang hindi bababa ang edad sa 15 ay maaaring tanggapin bilang mga treyni o aprentis ng BHB at maaaring italaga sa pagtatanggol sa sarili, milisya o iba pang di pangkombat na mga yunit at gawain. Sa mga kaso ng pananalakay o pagpasok ng kaaway sa teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan, lahat ng higit sa edad 15 ay maaaring mobilisahin para sa pagtatanggol sa sarili, sa kundisyong bibigyan ng prayoridad sa distribusyon ng armas para sa pagtatanggol sa sarili ang pinakamatanda sa hanay ng mga wala pang edad 18 pero lampas na sa edad 15. Ang naturang amyenda ay kagyat na magkakabisa. Ang BHB ay mahigpit na tumatalima sa mga prinsipyo at mga instrumento ng internasyunal na makataong batas at ng mga karapatang-tao. Dapat nating ilantad ang malisyosong kampanyang propaganda ng kaaway na ang BHB ay sistematikong nagrerekluta ng mga bata na wala pang edad 15 para maging mga kombatant. Dapat kundenahin ang praktis ng kaaway sa pagpatay ng mga batang wala pang edad 15 at pagkatapos ay palalabasing sila ay mga armadong mandirigma ng BHB o di kaya ay ang pagkidnap, pagtortyur, pananakot at pamumwersa sa kanila na umaming sila ay mga kombatant ng BHB at pagbibilanggo sa kanila nang walang taning at pagtrato sa kanila sa malupit at mapanghamak na paraan. Hinahamon namin ang GRP na panindigan ang kanyang sariling pirma sa Komprehensibong Kasunduan ng GRP-NDFP sa Paggalang sa mga Karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas at sumang-ayon sa pagpapatupad ng GRP-NDFP Joint Monitoring Committee kung saan maihahapag ang mga reklamo, o tumungo nang diretso sa nararapat na internasyunal na korte ng batas at magsampa ng reklamo laban sa anumang sinasabing paglabag sa Geneva Conventions at sa Protocol I at II. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|