Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pakikialam ng US sa Kyrgyzstan

 Read this article in English

Nitong huling linggo ng Marso, niyanig ng isang malawak na pag-aalsa ang Kyrgyzstan na nagpabagsak sa gubyerno ni Askar Akayev at naglagay kay Kurmanbek Bakiyev bilang bagong presidente ng bansa.

Ang pag-aalsa ng mamamayan ay inudyok ng malawakang galit sa korapsyon ng gubyernong Akayev. Ngunit katulad ng mga pag-aalsa sa mga bansang dating kabilang sa Soviet Union nitong mga nagdaang taon, litaw na litaw ang kamay ng imperyalismong US sa pagpapalit ng gubyerno sa Kyrgyzstan.

Ang pakikialam ng US sa Kyrgyzstan ay katulad ng ginawang pakikialam nito sa "Rose Revolution" noong 2003 sa Georgia at "Orange Revolution" noong 2004 sa Ukraine�pawang mga bansang dating nakapaloob sa nabuwag na USSR. Inilantad ni Akayev na siya ay pinatalsik ng "Ikatlong Pwersang" kinabibilangan ng mga nagpopondo sa sindikato ng iligal na droga na nakabase sa hangganan ng Kyrgyzstan at iba pang bansa sa Central Asia.

Kyrgyzstan

Ang Kyrgyzstan ay matatagpuan sa timog ng rehiyong Central Asia. Dati itong bahagi ng Soviet Union. Kabisera nito ang lunsod ng Bishkek.

Matatandaang ginamit din ang terminong "Ikatlong Pwersa" sa lihim na operasyon ng US sa pagpapabagsak ng rehimen sa South Africa, sa Iran noong 2001, sa Georgia at Ukraine. "Ikatlong pwersa" rin ang ginamit na pangalan ng grupo ng mga maka-Kanang mersenaryong death squad sa Latin America na pumaslang sa libu-libong kalaban ng mga papet ng US.

Gaya rin ng pakikialam nito sa iba pang bahagi ng mundo, sinakyan ng US ang popular na galit ng mamamayan ng Kyrgyzstan sa korapsyon ng gubyernong Akayev at nag-udyok na palitan na ito. Layunin ng US na mailuklok ang isang gubyernong magiging mas mahigpit na tagasuporta ng mga patakaran ng US.

Sa Kyrgyzstan, kapuna-puna ang papel ng Freedom House na pinamumunuan ng dating CIA director na si James Woolsey. Mayor na isponsor din ito ng "Orange Revolution" sa Ukraine. Bago mapalitan ang rehimen sa Kyrgyzstan, ang Freedom House ay nag-iimprenta ng 60 magasin at dyaryo ng oposisyon. Pinopondohan din nito ang mga TV at radyo ng oposisyon. Umabot sa $13.3 milyon ang halagang ibinuhos ng US noong 2004 sa mga NGO tulad ng Coalition for Democracy and Civil Society, National Democratic Institute at International Republican Institute na aktibong lumahok sa pagpapabagsak sa rehimen ni Akayev.

Estratehiko ang pusisyon ng Kyrgyzstan kaya importante para sa imperyalismong US na isang papet na rehimen ang nakatayo rito. May base militar ang US malapit sa hangganan nito sa China, at mula rito inilunsad ng US ang mga atake sa Afghanistan noong 2001. Dahil sa kahalagahan nito sa US, ang Kyrgyzstan ang binibigyan ng pinakamalaking ayuda ng US sa Central Asia. Aabot na sa $746 milyon ang naibigay na ayuda rito ng US mula noong 1992, at noong 2004 lamang ay $31 milyon ang ibinuhos dito sa ilalim ng "Freedom Support Act" kung saan pinopondohan ng US ang mga grupo at institusyon na nagtataguyod umano ng demokrasya.

Malaki rin ang reserbang langis at mineral ng bansa gaya ng ginto at tanso bukod sa malalawak na taniman ng poppy na pinagmumulan ng drogang opyo. Ang paggawa ng opyo ay malaking negosyo sa Central Asia. Malaki rin ang populasyon ng Kyrgyzstan na pundamentalistang Muslim na sa ilang panahon ay nagbigay ng suporta sa Taliban at al Qaeda. Sa kabila ng pagbatikos sa mga ito sa publiko, hindi nangingimi ang US na lihim na gamitin at pondohan ang gayong mga grupo para isulong ang interes nito sa rehiyon.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Naghuhukay ng sariling libingan ang rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Lumalawak ang paglaban sa mga pasistang krimen ng rehimeng US-Arroyo

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Pagpaslang kay Esperat, iimbestigahan ng BHB

Mga karumal-dumal na detalye ng masaker sa Camp Bagong Diwa
Inosente ang karamihan
Paul Wolfowitz, alagad ng neo-konserbatismo sa World Bank
Pakikialam ng US sa Kyrgyzstan
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.