|
Paghahanap ng WMD sa Iraq, itinigil na ng US
Itinigil na ng US ang halos dalawang taong bigong paghahanap ng weapons of mass destruction (WMD) sa Iraq. Bumalik na sa US ang mga myembro ng Iraq Survey Group (ISG), kabilang si Charles A. Duelfer, pinuno ng grupo. Ang Iraq Survey Group na binubuo ng 1,700 tauhan, ang itinalaga ng US noong Mayo 2003 upang maghanap ng WMD sa Iraq.
Ang pagtigil sa paghahanap ng mga WMD ay patunay ng kahungkagan ng dahilan ng US sa panggegera at pananakop nito sa Iraq. Pinatutunayan nito na ang datos paniktik diumano ng US na gumagawa at nag-iimbak ng nuclear, chemical at biological weapons si Saddam Hussein ay sangkalan lamang para dambungin ang yamang langis ng Iraq.
Sa kabila ng kabiguan nitong makakita ng anumang WMD sa Iraq, nagmamatigas pa rin si Bush na wasto ang pananakop ng US sa bansa.
Oktubre ng nakaraang taon nang maglabas ng report si Duelfer na nagsasabing walang WMD ang Iraq nang ilunsad ng US ang pambobomba sa bansa noong Marso 2003. Noon namang Enero 2004, nagbitiw ang unang pinuno ng ISG na si David Kay kasabay ng pagdedeklara na walang WMD sa Iraq.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Enero 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|