Matrikula muling tumaas ngayong pasukan
Habang naglulunsad ng protesta ang mamamayan laban sa pagtaas sa presyo ng tubig, langis at kuryente, tinututulan naman ng mga estudyante ang pagtataas ng matrikula at pagpapataw ng iba�t ibang mga bayarin sa mga eskwelahan ngayong Hunyo.
Nag-anunsyo na ang CHEd na magtataas ng matrikula ang 357 pribadong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. May abereyds na 13% ang itinaas ng mga matrikula. Halos 28% ng 1,271 pribadong kolehiyo at unibersidad ang nagtaas ng matrikula nang mula 10-110%. Nasa Kamaynilaan ang 96 sa mga eskwelahan na nagtaas ng matrikula. Pinakamalaki ang itinaas ng J.P. Sioson General Hospital and Colleges sa Maynila (111%). Aabot naman nang 85% ang itinaas ng matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad sa Western Visayas.
Inianunsyo na rin ng DepEd mismo na 103 sa 981 pribadong preschool (paaralan ng paghahanda para sa elementarya) sa Kamaynilaan ang magtataas ng matrikula nang hanggang 30% sa darating na pagbubukas ng eskwela.
Ang tanging aksyon ng DepEd ay magtanong sa mga eskwelahan kung lalampas ba sa 5% ang sisingiling karagdagan sa matrikula at hingan ang mga ito ng ulat. Ito�y upang diumano�y alamin kung ang alokasyon ng itinaas ng matrikula ay ayon sa regulasyon:
- 70% para sa sweldo ng mga guro
- 20% para sa pagpapaunlad ng pasilidad at pagpapabuti ng serbisyo ng paaralan
- 10% para sa tubo
Wala sa pusisyon kapwa ang DepEd at CHEd na pigilan ang pagtaas ng singil sapagkat walang batas ang bansa na pumipigil dito. Ang iba�t ibang panukala sa Kongreso na nagtangkang ilimita sa isang takdang porsyento ang maaaring itaas ng matrikula ay hindi umuusad. Masahol pa, sa panukalang Tuition Fee Rationalization Act (TFRA) sa Kongreso ngayon, nais pahintulutan ang pagtataas nang hanggang 15% nang walang konsultasyon.
Mariin itong tinutuligsa ng mga militanteng grupo ng kabataan. Nitong Mayo 20, naglabas ng pahayag ang National Union of Students of the Philippines na nagbabasura sa naturang panukala. Anito, lalo lamang mapagkakaitan ng edukasyon ang kabataang Pilipino dahil sa TFRA. Kaugnay nito, mula noong Mayo ay pana-panahong naglulunsad ng mga pagkilos sa lansangan ang mga estudyante at kabataan sa pangunguna rin ng Anakbayan, League of Filipino Students at Students Christian Movement.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|