Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga ilusyon ng kaunlaran

 Read this article in English

Sa unang tingin, tila may katotohanan ang �paglago ng ekonomya� na ipinagmamayabang ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Namumulaklak ang mga estadistika � lumago raw nang 3.8% ang GDP (kabuuang produkto sa loob ng bansa) at nang 4.9% ang GNP (kabuuang produkto ng mamamayan sa loob at labas ng bansa), at nagtala ng kagulat-gulat na 4.1% na paglago ang sektor ng agrikultura. Hindi lamang ito. May kulang-kulang na P2 bilyong sarplas ang balance of payments (BOP o balanse ng salaping pumasok at lumabas), hindi lumalayo sa P50 ang palitan ng piso sa dolyar at relatibong �istable� ang takbo ng stock market. Istable rin daw ang presyo ng bilihin, katulad ng galunggong na �nabili� ni Macapagal-Arroyo sa presyong P60 bawat kilo.

Binubuhay na lamang ang ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga swero galing sa labas ng bansa� utang, remitans ng mga migranteng manggagawa at dayuhang puhunan.

Ngunit, katulad ng �mababang� presyo ng galunggong � na madaling pinabulaanan ng mga mamamalengke sa buong Metro Manila � walang saysay ang mga estadistika sa harap ng kahirapang dinaranas ng mamamayan. Malayo sa ipinagmamayabang ni Macapagal-Arroyo, artipisyal, temporaryo at may halong ilusyon ang sinasabing paglago ng ekonomya.

Sa katunayan, binubuhay na lamang ang ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga swero galing sa labas ng bansa � utang, remitans ng mga migranteng manggagawa at dayuhang puhunan.

DI LUMALAGO ANG EKONOMYA

Ayon mismo sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nananatiling pangunahing salik sa pagtaas ng pambansang kita ang mga remitans ng mga OCW. Katunayan, halos 15% ng kabuuang kita ng bansa (GNP) ang nagmumula rito. Mula Enero hanggang Abril, umabot sa $2.83 bilyon ang kabuuang remitans � mahigit 61% mas malaki kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sinasalamin ng papalaking bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa labas ng bansa ang malaking kawalan ng mga oportunidad sa bansa para makakuha ng mahusay na trabaho. Umaabot na ang bilang nila sa humigit-kumulang walong milyon (mahigit 22% ng kabuuang pwersa sa paggawa sa bansa). Sa loob ng unang apat na buwan ng taon, tumaas pa nang 4.4% ang bilang ng mga Pilipinong nangibang-bayan para magtrabaho.

Mistulang lumaki ang dayuhang kapital na pumasok sa bansa. Doble kumpara sa nakaraang taon ang naitalang $1.5 bilyong dayuhang direktang pamumuhunan. Subalit ang bulto nito ay ang kabayaran ng Kirin Brewery sa binili nitong mga bagong sapi sa San Miguel Corporation. Ang iba pa ay mga pautang ng mga monopolyo sa kanilang mga subsidyaryo sa bansa. Kung hindi isasama ang mga ito sa kwenta, makikitang bumagsak pa nga nang 50% ang bagong puhunang pumasok sa bansa.

Matapos sumadsad sa loob ng mahigit isang taon, bahagyang tumaas nang 2.7% nitong Mayo ang kita ng bansa mula sa eksport. Gayundin, nagtala ng 3% na pagtaas ang import sa unang kwarto ng taon � matapos tuluy-tuloy na magtala ng pagbagsak mula Enero 2001 hanggang Enero 2002. Nasa $475 milyon muli ang depisit sa balance of trade (BOT o balanse ng kalakalan) nitong Mayo, mula sa sandaling pagiging positibo nito ($18 milyon) noong Abril.

Mahalagang banggitin na halos 40% ng dagdag na inangkat na kalakal ay mga kagamitang pangtelekomunikasyon, elektronik at pang-upisina. Ang bulto nito ay mga cellphone at iba pang gamit para sa telekomunikasyon (20% ng kabuuang inimport) � para lamang sa paparaming nagte-text at tumatawag sa mga cellphone.

Sa kabilang banda, matumal pa rin ang produksyon. Isang pangunahing palatandaan nito ang pagbagsak nang mahigit 20% ng inimport na langis dahil sa lumiit na pangangailangan ng mga industriya para rito.

Halos nakabahura ang mga industriyang pang-eksport, laluna ang produksyon ng mga pyesang elektronik (bumagsak nang 2.4%). Magpahanggang ngayon ay hindi pa nangyayari ang inaasahang pagbawi ng ekonomya ng US, ang pangunahing pamilihan para sa mga produktong elektronik. Mas masahol ang pagbagsak ng produksyon ng mga kasuotan (18.2%), nang bawasan ng US nang sangkapat ang inaangkat nitong mga kasuotan mula sa Pilipinas. Ang tanging produktong patuloy na kumikita hanggang kamakailan ay ang delatang tuna. Ngunit tiyak na babagsak din ito laluna ngayong inaprubahan na ng kongreso ng US ang batas sa pag-aangkat ng sariwang tuna mula sa Latin Amerika nang walang taripa. Ang mga delatang tuna mula sa Pilipinas ay pinapatawan ng 6-12% taripa.

Tahasang kasinungalingan ang kalakhan sa umano�y pagkalinga sa mahihirap at paglutas sa kahirapan na ipinagmamayabang ni Macapagal-Arroyo.

Sa unang dalawang buwan ng taon, umabot sa 820 pabrika ang nagsara at nagtanggal ng mga manggagawa. Mas mataas ito nang 65% kumpara sa nakaraang taon. Mahigit 20,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho (dagdag na 79% sa nakaraang taon). Noong Enero, umabot sa 355 ang mga manggagawang nawawalan ng trabaho araw-araw.

Taliwas sa pangako ni Macapagal-Arroyo na lilikha ng isang milyong trabaho, tumaas pa ang tantos ng disempleyo (13.4% nitong Abril) batay sa konserbatibong upisyal na estadistika ng gubyerno. Mula 3.94 milyon noong umpisa ng taon, umabot nang 4.87 milyon ang mga walang trabaho sa pagtatapos ng unang kwarto. Tanging ang sektor ng serbisyo ang nagtala ng 1.3% paglaki ng empleyo � ngunit karamihan sa mga trabaho rito ay mga kontraktwal at kaswal. Bukod pa sa mga walang trabaho, may halos anim na milyong manggagawang Pilipino na walang sapat na trabaho (underemployed).

NAGHIHINGALONG AGRIKULTURA

Kung hihimay-himayin, ang ipinagmamayabang na P240 milyong pondo na umano�y ibinuhos ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa agrikultura ay binubuo ng regular na mga badyet ng mga ahensya rito at mga pondo mula sa Land Bank, Agrarian Reform Fund at Department of Agriculture. Labas sa mga ito, walang ipinasok ang rehimen na bagong pondo para sa naghihingalong sektor.

Kahit ang ipinagmamayabang nitong 800,000 nalikhang trabaho ay malaking kasinungalingan. Ayon sa National Statistics Office, 110,000 lamang ang nalikhang bagong trabaho sa sektor. Ang bulto pa ng umano�y nagkaroon ng trabaho ay mga manggagawang bukid at mangingisdang pawang pana-panahon lamang nakakakuha ng trabaho. Isinama rin sa estadistika ang mga nabigyan ng tig-90 araw (tatlong buwan) na trabaho ng iba�t ibang ahensya ng gubyerno sa ilalim ng Emergency Employment Program at pagkatapos ay wala na uling trabaho. Walang makabuluhang epekto ang programang ito sa katayuan ng milyun-milyong walang trabaho sa kanayunan.

Nananatiling dapa ang produksyon ng palay at mais. Para sa unang anim na buwan ng taon, 0.7% lamang ang inilaki ng produksyon ng palay at bahagya pang bumagsak ang produksyon ng mais.

Taliwas sa programa umano para sa sariling kasapatan sa bigas, pinagibayo ng rehimen ang pagangkat ng bigas. Noong Mayo, lagpas-lagpas na sa target na 390,000 metriko tonelada ang 890,000 metriko toneladang inangkat ng bansa. Ayon sa Department of Agriculture, nakatakdang mag-angkat ng 250,000 mt pang bigas sa ikatlong kwarto ng taong ito. Noong nakaraang taon, 780,000 mt ang bigas na inangkat ng gubyerno.

PAPALAKING UTANG

Lumobo nang hanggang P120 bilyon ang depisit sa badyet nitong Hulyo � halos doble ng itinakda para sa anim na buwan. Sa katunayan, 91% na ito ng itinakdang target para sa buong taon. Tinatayang aabot sa P158 bilyon hanggang P163 bilyon ang depisit sa badyet para sa buong 2002. Upang kontrolin ito, ang pondong inilalaan sa mga serbisyong panlipunan ang binabalak bawasan ng rehimen ng hanggang P83 bilyon.

Ayon mismo sa gubyerno, ang paglobo ng depisit ay resulta ng matumal na pangungulekta ng buwis dulot ng mababang kita ng mga korporasyon, laluna ng sektor ng manupaktura, at pagbaba ng taripa sa mga inaangkat na produkto � alinsunod sa mga patakaran ng World Trade Organization.

Mula Enero-Mayo, umabot sa P331 bilyon ang kabuuang gastos ng gubyerno, mas mataas nang 15% kumpara noong nakaraang taon. Umabot naman nang P150.7 bilyon ang inutang nito sa parehong panahon.

Hindi maitatago ang paglobo ng utang panlabas ng bansa. Nasa $53.4 bilyon (P2.67 trilyon) na ito ngayon�mas malaki nang $1 bilyon kumpara noong nakaraang taon. Pangatlong pinakamalaki na ito sa buong Asia. Pinakamataas din sa buong Asia ang interes (13.1%) na binabayaran ng Pilipinas.

DI NALULUTAS ANG KAHIRAPAN

Tahasang kasinungalingan ang kalakhan sa umano�y pagkalinga sa mahihirap at paglutas sa kahirapan na ipinagmamayabang ni Macapagal-Arroyo.

Walang makabuluhang ibinunga ang pangako ni Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA

Patuloy na tumatanggi si Macapagal-Arroyo na dagdagan ang sahod at sweldo ng mga manggagawa at empleyado sa gubyerno. Nananatiling nakapako sa P234 na abereyds ang arawang minimum � di hamak na kulang sa P438 abereyds na arawang pangangailangan ng isang pamilya.

Ang ipinamahagi ni Macapagal-Arroyo na mga lupa sa ilalim ng repormang agraryo ay pinakamababa sa nakaraang limang taon. Mas maliit sa ipinangakong 100,000 ektarya ang bilang ng ipinamahagi niyang pribadong lupain � 65,941 ektarya lamang, pinakamababa sa nakaraang 10 taon. Sa kalakhan, punung-puno pa ng mga anomalya ang �pamamahagi� ng mga ito at karamihan sa mga ito�y ginamit lamang ng mga panginoong maylupa para maging daluyan ng pagpapamana ng mga lupain sa mga kamag-anak at ang marami sa iba pa�y patuloy pa ring inaari ng mga panginoong maylupa sa pamamagitan ng mga prente. Hindi ginalaw ni Macapagal-Arroyo ang malalawak na lupain ng kanyang asawa sa Negros.

Nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at ang singil sa mga batayang serbisyo. Hanggang ngayon ay isinasabalikat ng mga konsyumer ang pagbabayad sa maanomalya at di makatarungang PPA (purchased power adjustment) na umaabot sa mahigit kalahati ng kabuuang bayarin sa kuryente. Higit sa mga nakaraang rehimen, ang rehimeng Macapagal- Arroyo ang nagligalisa sa pangungulekta nito sa pamamagitan ng Electric Power Industry Reform Act. Mataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin, laluna pagkatapos wasakin ng magkakasunod na bagyo ang mga sakahan at palaisdaan.

Walang makabuluhang ibinunga ang pangako ni Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA noong nakaraang taon na ibaba sa kalahati ang presyo ng mga gamot para mapakinabangan ng nakararaming mamamayan. Gagawin umano ito sa pamamagitan ng importasyon ng mga murang gamot. Ngunit ni hindi umabot sa isang porsyento ng kabuuang kinokonsumo sa bansa ang inangkat na murang gamot. Patuloy na nananaig ang mga dayuhang monopolyo sa negosyo sa gamot sa bansa.Walang nagawa ang rehimen sa harap ng epektibong panghaharang ng mga dayuhang monopolyo sa pagbebenta ng mga botika ng murang gamot.

 


Previous articleBack to topNext article

31 Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


"Malakas at matatag na republika" ni Macapagal-Arroyo: Pagsusulong ng pasismo at neokolonyalismo
37,000�biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Mga ilusyon ng kaunlaran
Sa labas ng Kongreso:
Ang totoong kalagayan ng bansa

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.