|
Bush: Hitler, banta sa kapayapaan
Laking galit ni US Pres. George W. Bush nang ihalintulad siya ni Justice Minister Herta Duebler-Gmelin ng Germany kay Adolf Hitler, ang kinamumuhiang lider ng pasistang Nazi. Ani Deubler-Gmelin, ang ginagawang pang-uupat ni Bush ng gera sa Iraq ay naglalayong "ilayo ... ang atensyon (ng publiko) sa mga suliraning pampulitika ng kanilang bansa. Ganito rin ang ginawa noon ni Hitler."
Bago ito, pinuna ni Prime Minister Jean Chretien ng alyado nitong Canada ang unilateralismo at arogansya ng US. Sa isang interbyu, iniugnay ni Chretien ang mga teroristang atake sa pandaigdigang kahirapan at pang-ekonomyang paghahari ng US sa mundo. Ang US din, aniya, ang dapat sisihin kaugnay ng mga teroristang atake noong Setyembre 11, 2001. Dagdag pa ni Chretien, "hindi dapat gamitin ng US ang kanyang lakas upang hamakin ang iba."
Kaugnay din nito, tinawag ni Nelson Mandela, dating pangulo ng South Africa at isang awardee ng Nobel Peace Prize, na isang banta sa kapayapaan ang US. Ayon kay Mandela, sinasabotahe ng US ang UN bilang tagalutas ng mga pandaigdigang alitan at gulo. Sinabi rin niyang ang pagmamatigas ng US laban sa Iraq ay pumapabor sa mga kumpanya ng langis at industriyang pandigma ng US.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Oktubre 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|