Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Patraydor na pag-aresto kay Vicente Ladlad, kinundena ng PKP

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang patraydor na pag-aresto ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) kay Vicente Ladlad, isa sa mga pinuno ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Karapatan at Samahan ng mga Ex-Detainee Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda) at consultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan.

Ang pag-aresto ng militar kay Ladlad ay patunay ng walang pakundangang paglabag ng rehimeng Estrada sa mga pinirmahang kasunduan at pakikipaglaban nito nang walang mga tuntunin. Labag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na pinirmahan kapwa ng NDF at GRP ang pagdakip kay Ladlad. Nanggagalaiti ang rehimeng Estrada sa sunud-sunod na matatagumpay na taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan, subalit isang lider ng ligal na demokratikong kilusan naman ang tinarget nito.

Si Ladlad ay marahas na dinukot ng mga elemento ng ISAFP sa Lunsod ng Quezon noong Hunyo 21. Dinakip siya ng ISAFP nang wala man lamang mandamyento de aresto pagkagaling niya sa isang pulong ng Bayan. Apat na araw siyang ibinartolina ng militar, tinortyur at pinagkaitan ng karapatang makipagkita kaninuman. Gaya ng ginagawa nito sa iba pang dinadakip na lider at kasapi ng progresibong kilusan, sinampahan ng militar si Ladlad ng mga gawa-gawang kasong kriminal batay sa mga ebidensyang pawang itinanim. Tinamnan siya ng baril at mga dokumento at biglang binuhay ang isang lumang kasong kriminal laban sa kanya na ibinasura na ng husgado noon pang 1991.

Sa kabila ng paglagak ni Ladlad ng piyansa noong Hunyo 25 para sa kasong iligal na pag-iingat ng baril, hindi iginalang ng ISAFP ang kautusan ng korte. Mayroon pa umanong ibang kasong dapat siyang harapin. Napilitan ang militar na pakawalan si Ladlad nitong Hunyo 30 dahil sa malawak na pagbatikos ng mamamayan sa kanyang pagkaaresto at nang mapatunayan ng kanyang mga abugado sa hukuman na iligal ang patuloy na paghawak ng militar sa kanya.

Nagbanta si Estrada, Kalihim sa Depensa Orlando Mercado at mga upisyal militar na isa-isa nilang aarestuhin ang mga consultant ng NDF ngayong natigil na ang usapang pangkapayapaan. Ginagamit ng reaksyunaryong rehimen ang terminasyon ng usapan hindi lamang upang makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar sa kanayunan kundi upang marahas din na sikilin ang mga ligal na demokratikong pwersa sa kalunsuran.

Ang lahat ng ito ay patunay na pasismo ang kakambal ng sagadsaring reaksyunaryo, papet, antimasa at bulok-sakaibuturang mga patakaran ng rehimeng Estrada. Dahil dito, walang ibang mapagpipilian ang sambayanan kundi ang patatagin ang kanilang hanay laban sa pagsasamantala, pang-aapi, pandarahas, panunupil at pagtatraydor ng rehimeng US-Estrada. Paiigtingin ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang pakikipaglaban hanggang sa ganap na tagumpay.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Mayo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Pagkaisahin ang mamamayan, labanan at gapiin ang pasistang kampanya ng rehimeng Estrada!

Desisyon na pormal na kilanlin ang de facto nang terminasyon ng gubyernong Estrada sa negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP
Taktikal na opensiba ng BHB laban sa panrehiyong kampo ng pulisya sa Bohol:
84 na armas, nasamsam ng BHB

Mga Pahayag
Patraydor na pag-aresto kay Vicente Ladlad, kinundena ng PKP
Isa pang taong krisis at paghihirap...
Paghuhubad sa lumalagong estadistika ng gubyerno

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Pagsusuri sa ekonomya: lagpas sa usapin ng estadistika

Isa pang taong krisis at paghihirap...
Ipaglaban ang kagalingang pang-ekonomya ng mamamayan!

Bangayang Lastimoso-Lacson:
Away ng mga sindikatong kriminal sa PNP

Ang maralitang-lunsod:
Lugmok sa kahirapan

Laban ng maralitang-lunsod, laban ng uring manggagawa
Kalayaan ng mamamayang Timores:
Patuloy ang laban sa East Timor

Sumusulong:
Sa Cagayan-Apayao

Sumusulong:
Sa Silangang Kabisayaan

Ubos kayang labanan ang VFA!
Pahayag hinggil sa Visiting Forces Agreement
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.