Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Naging presidente si Gloria Macapagal-Arroyo sa gitna ng malalim na pagkakabitak-bitak sa hanay ng militar at pulisya at grabeng pagkakandarapa ng iba�t ibang seksyon ng naghaharing uri na makinabang sa pagpapatalsik ng pangkating Estrada, mailuklok ang sarili sa poder at makabahagi sa mga benepisyo at pribilehiyong kaakibat nito. Sa katunayan, ang pag-iral ng iba�t ibang paksyon sa loob ng AFP at PNP ay salamin lamang ng matinding ribalan sa hanay ng naghaharing uri.
Mismong ang bagong hepe ng ISAFP na si Col. Victor Corpus ang naghayag na hindi lubusang tanggap ng maraming upisyal-militar si Macapagal-Arroyo bilang bagong pangulo, at na ito�y patuloy na pagmumulan ng banta sa istabilidad ng bagong gubyerno. Nasa likod ng gayong pagkadiskuntento ang disgusto ng mga elemento ng reaksyunaryong uri na hindi nakinabang sa bagong hatian ng kapangyarihan sa ilalim ng kasalukuyang rehimen.
Dominante ang paksyong Ramos-de Villa kung pagbabatayan ang komposisyon ng gabinete ni Macapagal-Arroyo. Sa direksyon at mando ng imperyalismong US, ang paksyong Ramos-de Villa ang nagmaniobra upang ilunsad ang palabas na pagtalikod kay Estrada ng mga punong upisyal ng militar at pulisya tulad nina Gen. Angelo Reyes at Lt. Gen. Jose Calimlim.
Sa kabila ng pagpapatalsik kay Estrada, humahawak pa rin ng malaking kapangyarihan si Eduardo "Danding" Cojuangco sa AFP sa pamamagitan nina Reyes at Calimlim na itinalaga ni Estrada sa utos ni Danding. Ngayong napatalsik na si Estrada, ginagamit ni Danding Cojuangco ang malalim na impluwensya niya sa militar at pulisya upang tiyaking hindi gagawa ng mga hakbangin ang gubyernong Macapagal- Arroyo na makasisira sa kanyang mga interes.
Sa kabilang banda, ang grupo ng dating heneral na si Fortunato Abat at ng kanyang manugang na si Col. Jaime Caringal ng PNP ay kaalyado nina Jose "Peping" Cojuangco. Nagmobilisa sila ng mga pwersa ng Scout Rangers at mga brigada ng AFP sa isang tangkang kudeta ilang araw bago pumutok ang pag-aalsang EDSA 2 nitong gabi ng Enero 16. Binalak nilang sakupin ang Camp Crame upang arestuhin o nyutralisahin ang mga pro-Estradang upisyal ng PNP sa pangunguna ni Dir. Gen. Panfilo Lacson at ni Col. Michael Ray Aquino.
Ang grupo nina Peping Cojuangco, na isa sa mga orihinal na nagorganisa ng malawak na nagkakaisang prenteng anti-Estrada, ay hindi
lubusang nabiyayaan sa bagong kalakaran.
Kabilang pa rin sa mga hindi nabiyayaan ay ang pangkatin ni Gob. Luis "Chavit" Singson, na nagbunyag ng mga katiwalian ni Estrada noong Oktubre, na siya namang nagsilbing mitsa sa mabilis na paglala ng krisis pampulitika ng rehimeng Estrada. Kagrupo ni Singson si Lt. Gen. Edgardo Espinosa, dating kumander ng Southcom at Philippine Marines at kasalukuyang pinuno ng Joint Command Staff and College ng AFP.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang di bababa sa siyam na mas menor na paksyon sa AFP at PNP na kumilos nang kanyakanya upang ibagsak si Estrada. Bawat isang paksyon ay may kinakatawang reaksyunaryong pulitikong nagnanais ibagsak ang pangkating Estrada upang maitaguyod ang kani-kanyang interes.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|