![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ang bagong alok na amnestiya ay mariing kinukundena ng mga rebolusyonaryo at demokratikong pwersa at ng malawak na masa ng sambayanan, ng oposisyon sa pulitika at maging ng marami sa mismong kampo ni Arroyo. Bunsod ng kanyang desperasyong kumapit sa poder at ipanalo ang darating na eleksyon, sinisikap ni Arroyo na makuha ang suporta ng mga Marcos at Estrada sa pamamagitan ng pag-alok sa kanila ng isang tahasang anti-mamamayang programang amnestiya. Sa proseso, nangangarap si Arroyo na mapagkakaisa niya ang buong reaksyunaryong naghaharing uri para sumuporta sa kanya, at nang sa gayon ay makabig sa linyang �pambansang pagkakaisa�. Ang ganitong pag-alok ng amnestiya sa mga Marcos at Estrada ay umaalinsunod sa patakaran ng lihim na pakikipagkutsabahan ni Arroyo sa mga oposisyong paksyon ng mga reaksyunaryong naghaharing uri. Mula�t sapul nang maupo si Arroyo sa poder, wala siyang tigil sa pagbibigay ng napakaraming kunsesyon sa mga kalaban niyang pangunahing oposisyong paksyon. Ikinokompromiso lamang ng mga kunsesyong ito ang interes ng mamamayan. Kabilang sa mga ito ang mga pag-aantala sa takbo ng mga kaso ni Estrada at ang pagbibigay sa kanya ng napakaraming espesyal na pribilehiyo sa bilangguan tulad ng pagpayag na magpagamot sa US. Nakipagkutsabahan si Arroyo na ibalik sa mga Marcos ang bahagi ng dinambong na yamang sekwestrado at nasa pag-iingat ng mga bangko. Lubhang sinasagkaan ng renegosasyon ang pagbibigay ng bayad-pinsala sa libu-libong biktima ng karahasang militar ng diktadurang Marcos. Kung matutuloy si Arroyo sa balak nitong pagbibigay ng amnestiya sa mga Marcos at Estrada, tuluyan nang ipagkakait ang hustisya sa sambayanang Pilipino na biniktima ng malulubhang krimeng panunupil at pandarambong ng mga rehimeng Marcos at Estrada. Mapagpasyang hinatulan na ng bayan ang mga Marcos at si Estrada sa kanilang mga pagkakasala. Tanging ang iba�t ibang reaksyunaryong rehimen mula 1986 ang patuloy na pumipigil sa ganap na pagsasakatuparan ng hustisya kapalit ng kanilang mga makasariling interes. Sa partikular, ang rehimeng Arroyo ay garapal na nagsisikap na samantalahin ang mga kaso nina Marcos at ni Estrada upang makipagtawaran lamang para sa mga kunsesyong pampulitika mula sa mga ito. Kaalinsabay, palaging niloloko rin lamang siya ng mga ito. Ang mag-asawang Arroyo mismo ay kinasuhan din ng mga organisasyon ng mamamayan, gayundin ng reaksyunaryong oposisyon ng malakihang katiwalian. Karapat-dapat silang hatulan tulad ng paghatol ng bayan sa mga Marcos at kay Estrada. Hindi kataka-takang ang isang dambuhalang mandarambong at sagad-sagarang oportunistang tulad ni Arroyo ay makaisip na magkaloob ng amnestiya sa iba pang dambuhalang mandarambong para sa kapwa nilang interes. Ibayong nawawalan ng pasensya ang mamamayan at nagdududang mapapatawan pa ng hustisya ang mga napatalsik at kasalukuyang naghaharing pangkatin. Dili iba�t mga walang-kahihiyang panloloko at mga bigong pakana ang lahat ng iba pang programang amnestiya ni Arroyo, kabilang yaong mga iniaalok sa mga gerilyang BHB at MILF. Sa pag-alok ng gayong amnestiya sa mga rebolusyonaryong pwersa ng NDF at MILF, inaasahan niyang malilinlang ang mamamayan, at kung maaari pati ang mga rebolusyonaryong pwersa, sa pamamagitan ng ganitong mumurahing gimik. Hindi ito pinapansin ng mga rebolusyonaryo at demokratikong pwersa. Ang pag-aalok ng gayong amnestiya ay isa lamang insulto sa kanila, kung tutuusin, dahil ipinagpapalagay nitong krimen ang pagrerebolusyon. Hindi mga mapanlinlang at patraydor na mga alok ng amnestiya ang dapat na tugon sa matagal nang sigaw ng sambayanan para sa hustisya at katarungan. Sa mumurahin at mapanlinlang na mga gimik ni Arroyo tulad ng amnesti, tahasang paghamak lamang ang nararapat na itugon ng mga rebolusyonaryo at demokratikong pwersa at ng dinusta at nagngangalit na mamamayan. Mula�t sapul, iginigiit ng mga rebolusyonaryo at demokratikong pwersa, mga nagtataguyod ng karapatang-tao, ng mga biktima mismo at ng buong bayan ang pangangailangang pagwawasto sa walang habas na paglabag ng reaksyunaryong gubyerno sa kanilang soberanya, kalayaan at mga demokratikong karapatan. Isinusulong ng Partido at ng pinamumunuan nitong hukbong bayan at kilusan ang rebolusyonaryong pakikibaka upang maibagsak ang papet, pasista at reaksyunaryong estado at sistema at kapalit ay maitayo ang isang independyente, demokratiko at rebolusyonaryong estado at sistema. Para makatulong sa pagpapapabilis at pagpapadali ng proseso, sinisikap din ng mga rebolusyonaryong pwersa ang pakikipag-usapang pangkapayapaan sa reaksyunaryong gubyerno upang hamunin na harapin at lutasin ang mga sanhi ng labanan at tumulong sa pagkakamit ng kapayapaan. Kaakibat sa proseso ng usapan, iginigiit ng mga rebolusyonaryong pwersa sa reaksyunaryong gubyerno na kagyatang maibsan ang paghihirap ng mamamayan. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga hakbanging tulad ng pagtigil sa mga operasyong militar ng gubyerno, pagsugpo sa mga paglabag sa mga karapatang-tao, pagpaparusa sa mga pangunahing pasista at may malalaking kasalanan sa bayan, pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal at pagbibigay ng bayad-pinsala sa mga biktima ng karahasang militar. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|