Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Deklarasyon ng tigil-putukan

 Read this article in English

Komite Sentral
Partido Komunista ng Pilipinas
Disyembre 21, 2004

Nagdedeklara ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ng unilateral na tigil-putukan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ang epektibidad ng deklarasyong ito ay mula 12:00 ng hatinggabi ng Disyembre 23, 2004 hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Enero 2, 2005.

Ang deklarasyong ito ay isinasagawa bilang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa tradisyunal na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, at upang bigyang-daan ang selebrasyon ng mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa ika-36 na anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Lahat ng yunit ng BHB ay mananatiling armado at alerto at handang lumaban at bumigo sa anumang pag-atake at panliligalig ng mga regular at paramilitar na pwersa ng AFP at PNP.

Inilalabas ng PKP ang deklarasyon sa kabila ng patuloy na mga paglabag ng rehimeng Arroyo sa mga nakaraang kasunduan. Kabilang dito ang mga pinakahuling kasunduan sa Oslo, na nagresulta sa suspensyon ng usapang pangkapayapaan. Tinalikuran ng GRP ang komitment nito na gumawa ng kongkretong pagsisikap para tutulan at ituwid ang malisyosong pagsasama sa PKP, BHB at sa Chief Political Consultant ng NDF Peace Panel na si Kasamang Jose Ma. Sison sa listahan ng US ng diumanong mga �terorista.� Tuluy-tuloy din ang paglabag ng GRP at mga armadong pwersa nito sa mga probisyon ng CARHRIHL at karapatang-tao ng mamamayan.

Inilalabas ng PKP ang deklarasyon kasabay ng pagkundena sa sunud-sunod na malulupit na pag-atake ng mga pasistang pwersa ng reaksyunaryong estado sa di-armadong mamamayang mapayapang nagpuprotesta o naggigiit ng kanilang mga demokratikong karapatan. Pangunahin dito ang pagmasaker sa mga welgista ng Hacienda Luisita. Nitong nakaraan, pinaslang ng militar si Marcelino Beltran, tagapangulo ng Alyansa ng Magbubukid sa Tarlak (AMT) at isa sa mga tuluy-tuloy na lumahok sa welga sa Hacienda Luisita at testigo sa masaker laban sa mga salaring upisyal at tauhan ng AFP at PNP at mga upisyal ng Hacienda Luisita. Noon mismong Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao, pinagbababaril ng militar ang isang rali sa Daet, Camarines Sur na nagpoprotesta sa lumalalang paglabag sa karapatang-tao. Ang mga pasistang kalupitang ito ay nagbibigay-diin sa mahigpit na pangangailangan ng matatag at mas malakas pang pagtutol at paglaban ng sambayanan.

Inilalabas ang deklarasyong ito kasabay ng pananawagan ng PKP sa mamamayan na paigtingin ang kanilang mga paglaban sa harap ng pananalasa ng krisis sa kabuhayan bunga ng bulok at atrasadong naghaharing sistemang panlipunan at walang habas na panghuhuthot ng lokal at dayuhang malalaking kapitalista, malalaking panginoong maylupa at malalaking burukrata. Tuluy-tuloy na tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo at mga saligang pangangailangan, habang pinipigilan naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Nagpapataw ang rehimeng Arroyo ng mga karagdagang pabigat na buwis habang papalala ang korapsyon ng matataas na upisyal ng burukrasya at militar.

Inilalabas ang deklarasyong kasabay ng pagtuligsa ng PKP sa pagdadalawang-mukha ng rehimeng Arroyo sa pagdedeklara ng tigil-putukan ngayong kapaskuhan habang tuluy-tuloy ang mga kampanya at operasyong militar ng AFP at PNP laban sa mga larangang gerilya ng BHB sa iba�t ibang dako ng kapuluan. Kadalasan, sa maraming lugar, sa panahon mismo ng �ceasefire� ng AFP at PNP ay lalo nilang pinatitindi ang mga pagsalakay sa ngalan ng �operasyong pampulisya.� Kaya lalong kailangang pahigpitin ng lahat ng yunit ng BHB ang pagmamatyag at humanda silang matatag na biguin ang anumang patraydor na pagsalakay na maaaring gawin ng AFP at PNP.

Sa okasyong ito, binibigyan namin ng partikular na pansin ang mga mamamayan sa kahabaan ng Sierra Madre mula sa Bicol hanggang sa Southern Tagalog, Central Luzon at Northern Luzon na labis na sinalanta ng kalamidad dulot ng malawakang pangwawasak ng kagubatan na kagagawan pangunahin ng malalaking komersyal na magtotroso at eksporter ng troso kakutsaba ang mga imperyalista at malalaking burukrata kapitalista. Alinsunod sa utos ng PKP, isinasagawa ng BHB ang lahat ng makakayang tulong sa mga nasalanta.

Read in English

 


 Back to topNext article

21 Disyembre 2004
Edisyong Pilipino


Deklarasyon ng tigil-putukan
Doble-karang pakana
Editoryal:
Labanan ang walang habas na pananalanta sa kagubatan at kapaligiran

Ang DENR at ang pagtotroso
Ang kasaysayan ng pagwasak sa kagubatan ng Pilipinas
Mga pakikibaka laban sa pagtotroso
Ang rebolusyonaryong kilusan laban sa pagtotroso
Trahedya sa Aurora
Kilusang masa laban sa pagtotroso sa Aurora
Mining Act of 1995:
Salot sa mamamayang Pilipino

Matatagumpay na opensiba ng BHB
Sunud-sunod na opensiba sa Central Luzon

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.