Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang magsasaka sa Ilocos Region, lumalawak

 Read this article in English

Dumarami at lumalawak ang mga tagumpay ng mga magsasaka sa Ilocos Region. Ayon sa ulat koresponsal mula sa rehiyon, maraming tagumpay sa pakikibakang pangkabuhayan at pampulitika ang nakamit ng mga magsasaka bunga ng inilunsad nilang mga kampanya. Bukod sa naibalita na sa Ang Bayan, nakamit ng mga magsasaka sa Ilocos noong huling kwarto ng 2002 ang sumusunod pang mga karagdagang tagumpay:

Bawas sa resiko ng tabako. Naipagtagumpay ng mga magsasaka na maibaba sa 3.75% (o tatlo sa kada 80 kilo) na lamang ang ibabawas ng mga trading center (TC) sa timbang ng tabakong binibili ng mga ito. Dati'y 10% (o tatlo sa kada 30 kilo) ang ibinabawas ng mga TC dahil sa resiko (kinukwentang bawas sa timbang habang natutuyo pa ang tabako), bigat ng sako, kawayang pantuhog at iba pa.

Pagbuwag sa sortido. Naipagtagumpay din ng mga magsasaka ang matagal na nilang ikinakampanyang pagtatanggal ng sistemang sortido o ang pagklasipika sa kalidad ng tabako. Malaki dati ang lugi ng mga magsasaka sa sistemang sortido dahil sa arbitraryo at madayang pagbababa ng mga TC sa grado ng tabakong binibili nila sa mga magsasaka.

Pagpapataas sa presyo ng kape. Sa ilang baryo sa isang tipak ng tatlong munisipyo ng Ilocos Sur, ang presyo ng kape na anim na taon nang nakapako sa P45 kada salop ay matagumpay na naitaas ng mga magsasaka tungong P60 hanggang P65 bawat salop. Kape ang pangunahing pananim ng mga magsasaka sa lugar. Naglunsad ng sama-samang pagkilos ang mga magsasaka para igiit ang kanilang kahilingan sa nag-iisang komersyanteng nagmomonopolyo sa pagbili ng kape roon.

Paglaban sa pandaraya sa CLT. Sa Cabugao, Ilocos Sur, magiit ang paglaban ng mga magsasaka upang bawiin ang lupang inaagaw sa kanila. Natuklasan nilang ibinebenta pala ng panginoong maylupa ang 32 ektaryang lupa na 15 taon na nilang hinuhulugan. Pinapipirma sila ng PNREDC, ang kumpanyang nais bumili sa lupa, sa dokumentong nagsasaad na ito na ang may-ari ng lupa. Hindi napapayag ng kumpanya ang mga magsasaka at sa halip ay ispontanyong sumiklab ang kanilang paglaban. Natutunan ng mga magsasaka na kailangan ang organisadong paggigiit at sa proseso tumaas ang militansya ng kanilang hanay at lumakas ang kanilang paglaban. Sumabay din sa pagkilos ang mga magsasaka sa mga kalapit na baryo. Sa ngayon ay sinasaka pa nila ang lupa habang patuloy na nakikipaglaban para lubusang maibalik sa kanila ang mga lupain.

Mga tagumpay sa pulitika. Ang mga kongkretong benepisyo sa kabuhayan na naipagtagumpay sa pamamagitan ng mga kampanyang magsasaka sa Ilocos ay nagsilbing positibong kundisyon sa paglulunsad ng malalaking mobilisasyon at sa pagkakamit ng mas marami at malalaki pang tagumpay sa pulitika. Natuto silang humarap sa mga kumprador kapitalista, ahensya ng gubyerno at iba pa.

Sa kanilang paggigiit, nagkamit ang mga magsasaka ng mga kongkretong benepisyo gaya ng kalsada, tulay at irigasyon. Sa mga interyor na baryo, nagawa nilang makapagpatupad ng mga programang pangkalusugan. Pinahigpit din nila ang pakikipag-ugnayan sa iba pang aping uri at humatak ng suporta mula sa mga panggitnang pwersa. Kasama ng mga ito, naglunsad rin sila ng mas malalawak at iba pang anyo ng pagkilos kaugnay ng iba't ibang isyung pampulitika at panlipunan -� kawalan ng tunay na repormang agraryo, pagyurak ng "Balikatan" sa pambansang soberanya, militarisasyon sa kanayunan, pagpapatalsik sa rehimeng Macapagal-Arroyo, warlordismo, pagkasira ng kalikasan at iba pa.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal: Para sa pagsuporta nito sa pang-uupat ng gera sa Iraq
Pagbayarin ang rehimeng Macapagal-Arroyo!

Malawak ang pandaigdigang pagtutol sa pananalakay sa Iraq
Mga tampok na kilos protesta
Mga kilos-protesta sa Pilipinas laban sa bantang gera ng US sa Iraq, lumalawak
Ang kriminal at kontra-rebolusyonaryong si Romulo Kintanar, pinarusahan
Macapagal-Arroyo, hayagan nang pumabor sa cha-cha
Pandaraya sa mga estadistikang pang-ekonomya, nabunyag
Ang krisis na ikinukubli ng pandirigma ni Bush
Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Cagayan at Isabela:
Kampanya sa pagpapataas ng presyo ng mais, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Lupang inagaw, binawi ng mga magsasaka sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanyang magsasaka sa Ilocos Region, lumalawak
Mga Ulat Koresponsal:
Paano binawi ni Mang Ador ang kanyang lupa

Dekada '70: Pelikulang may panlipunang kabuluhan
Balita
Bilang pagtutuwid
Mensahe sa mga manggagawa ng PLDT

Pagtutuwid
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.