![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Mahaba at mayaman ang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan ng Samar laban sa pagsasamantala at pang-aapi. Ibayo pang sumusulong ang kanilang paglaban sa patnubay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP). Tangan ang mga aral, patuloy nilang bibiguin ang anumang kontra-mamamayang pakana ng reaksyunaryong rehimen. ARC, hindi nakapanlinlangMatapos mahubaran ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Law, inimbento ng rehimeng Ramos noong 1995 ang Agrarian Reform Communities (ARC). Kalahating milyong ektarya na ng lupang agrikultural sa buong bansa ang nasasaklaw ng ARC. Sa Kanlurang Samar, idineklarang pampublikong lupain ang ilang ektaryang lupang sakahan sa apat na bayan upang maitayo ang mga ARC. Ipinrograma rito ang produksyon ng mga tanim na pang-eksport sa halip na palay at mais. Inilaan din ang ilang bahagi ng lupa para sa mga pasilidad sa turismo. Kakutsaba ng gubyerno sa pagtatayo ng ARC sa Silangang Kabisayaan ang malalaking kapitalistang dayuhan at lokal. Litaw ang kontra-rebolusyonaryong layunin ng ARC: ipinamudmod ng gubyerno ang lupa sa iilang piling magsasaka, mga nagsisukong "rebelde", at mga retiradong sundalo at elemento ng Citizens' Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) upang linlangin ang mamamayan at ilihis sila sa landas ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa. Masahol pa, sapilitang pinalilikas ang karamihan ng mga magbubukid mula sa sariling lupa upang bigyang-daan ang mga dayuhang mamumuhunan. Hindi nalinlang ang taumbaryo. Malinaw sa kanila na buung-buong ibinabasura ng rehimen ang usapin sa repormang agraryo. Patuloy na lumalawak ang pagtutol ng mamamayan sa ARC. Suportado ng mga panrehiyon at pambansang samahan ng mga magbubukid, maging ng mga relihiyoso, lokal na burukrasyang sibil at iba pang sektor, nagkakaisang nilalabanan ng mga magsasakang Samare�o ang huwad na "proyektong pangkaunlaran" na ito. "Last 2 minutes", bigoHindi ang ARC ang unang kontra-magsasakang pakana ng estadong binigo ng militanteng paglaban ng mamamayan ng Samar. Nauna rito ang "Last 2 minutes" ng Armed Forces of the Philippines. Nilayon ng "Last 2 minutes" noong 1994 na "burahin sa mapa ng Samar" ang rebolusyonaryong kilusan. Pinakilos ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang pulisya, CAFGU, mga vigilante at lokal na burukrasya sa gawaing kombat at paniktik. Itinayo ang maraming kampo at walang tigil na nanligalig at naghari ang kapangyarihang militar sa mga baryo. Tyempong inuumpisahan ng Partido ng Silangang Kabisayaan ang Kilusang Pagwawasto noong 1993. Mula sa halos isang dekada ng disoryentasyon, nagpapanibagong-lakas na ang kilusang masa nang ilunsad ang "Last 2 Minutes." Sa kabila ng kauusbong pa lamang ng pagwawasto, maagap na nanindigan ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan laban sa mga pakana ng kaaway. Matatag na hinarap ng mga taumbaryo ang kampanya ng reaksyunaryong hukbo. Binantayan nila ang kilos ng kaaway at tinutulan ang tumitinding militarisasyon ng kanilang mga komunidad. Paglao'y hindi na basta-basta nakapagtayo ng mga detatsment ang AFP. Di iilan ang napatalsik sa pamamagitan ng militanteng paglaban ng mamamayan. Walang kinahinatnan ang "Last 2 minutes." Hindi nito nasagkaan ang pagpapanibagong-lakas ng rebolusyonaryong kilusan sa Samar. Pinanday ng pakikibakaAng pagpupunyagi ng mamamayan ng Samar laban sa panlilinlang at pandarahas ng estado ay bunga ng halos tatlong dekada nang karanasan sa pakikibaka. Nagsimulang kumilos ang Hukbo sa Kanlurang Samar noong dekada '70 sa mga komunidad ng mga dapon (mga setler). Pinukaw, inorganisa at pinakilos ng rebolusyonaryong pwersa ang mga setler. Napanday ang kanilang organisadong lakas at sumulong ang antipyudal at antipasistang pakikibaka. Sa lugar ng mga dapon naitatag ang kauna-unanahang larangang gerilya sa Silangang Kabisayaan noong 1974. Panimula na ring nailatag ang Pulang kapangyarihang pampulitika sa ilang bayan ng Samar. Malawakang napalahok sa rebolusyon ang mga magbubukid dahil pangunahing hinarap ng Partido at Hukbo ang suliranin sa lupa. Matagumpay na inilunsad ang minimum na programa ng rebolusyong agraryo. Batay dito, pinaigting ang pakikidigmang gerilya. Subalit naudlot ang pagsulong bunga ng disoryentasyon. Lahatang-panig na humina ang rebolusyonaryong gawain. Nabitiwan ang rebolusyong agraryo at nalustay ang mga inaning tagumpay. Padayon!Sa pagsulong ng IDKP, muling bumangon ang rebolusyonaryong kilusan sa Samar. Iwinasto ang mga natukoy na kamalian at paglihis laluna sa kondukta ng gawaing masa. Mabisang nagamit ng Partido sa Samar ang paraang "abanikong buklad-tiklop" sa gawaing rekoberirekonstruksyon. Namaksimisa ang paghahati sa mga pangkat sa pagpapalalim ng panlipunang pagsisiyasat, masusing pagbalik-aral sa kasaysayan ng lugar, paglahok sa gawaing produksyon at iba pang mahahalagang gawain sa panahong nakadispers (buklad) ang yunit. Tuwing nagtitipon (tiklop) naman, napag-aaralan ng yunit ang mga nakalap na datos; nagtatasa, nagpupunahan at nagpaplano para sa mga gawain sa hinaharap. Bunga nito, muling lumalapad at lumalalim ang baseng masa sa Samar. Muling isinusulong ang minimum na programa ng rebolusyong agraryo. Patuloy na lumalawak ang nakikilusang erya ng Hukbo. Hindi balakid sa pagpapalawak ang militarisasyon. Maging ang mga lugar na kinatatayuan ng mga kampo ng kaaway ay saklaw ng gawaing ekspansyon. Patuloy pa ring nangangarap ang kaaway na burahin ang rebolusyonaryong kilusan sa Samar. Subalit patuloy silang bibiguin ng mamamayang nagpupunyagi sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|