![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Katulad ng mga nakaraang taon, ang tanging nakasasalba ngayon sa ekonomya ng Pilipinas ay ang mga dolyar na ipinapasok ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bayan o overseas Filipino workers (OFW). Sa unang tatlong kwarto ng 2002, umabot sa $5.37 bilyon (P280 bilyon) ang ipinasok ng mga OFW, mas mataas nang 21.2% kumpara sa nakaraang taon. Ito ay sa kabila ng pagbagal ng mga remitans sa mga buwan ng Hunyo, Agosto at Setyembre dulot ng pagbaba ng mga sahod sa Saudi Arabia, Taiwan at Korea. Nagawa ng mga dayuhang gubyerno na ibaba ang sahod sa kabila ng pagtutol ng mga OFW dahil nakipagsabwatan dito ang Department of Labor and Employment. Para sa buong 2002, inaasahan ng rehimen na aabot sa $7.5 bilyon (P390 bilyon) ang mapipiga mula sa mga OFW. Gayunpaman, patuloy ang paglaki ng bilang ng mga Pilipinong lumalabas sa bansa dulot ng mapang-aliping sahod at kawalan ng mga oportunidad sa loob ng bansa. Paparami sa kanila ay mga nars, caregiver(tagapag-alaga ng mga bata, matatanda o maysakit), guro, eksperto sa kompyuter, teknisyan at iba pang propesyunal at mga manggagawa sa serbisyo, na hinihigop sa Europe, America at Asia. Mula Enero hanggang Agosto pa lamang, umabot na sa 612,358 Pilipino ang nangibang bayan, mas mataas nang 4% kumpara sa nakaraang taon. Ang mga remitans ng mga OFW ay bumubuo ng 54% ng kabuuang kita mula sa labas ng bansa. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit tumaas hanggang $751 milyon ang sarplas sa balance of payments (balanse ng salaping pumasok at lumabas sa bansa) kahit pa napakaliit ng iniusad ng kalakalan sa produkto (9.8%) at bumagsak pa nang 40.9% ang kalakalan sa serbisyo.
Susi ang remitans ng mga OFW sa pagpapalaki ng gross national product (GNP). Dahil dito, halos taun-taon ay nakapagtatala ng paglago ang ekonomya kahit pa sa aktwal ay kumitid ang mga sektor ng industriya at agrikultura sa loob ng bansa. Mahigit 33% o P83 bilyon sa ipinapasok ng mga OFW ay napupunta sa kaban ng gubyerno. Bumubuo ito ng 6.2% ng GNP. ![]()
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|