|
Ilang sipi mula sa sinumpaang salaysay ni Manuel Reyes Bogtong ng Presidential Security Unit (March 14, 1989)
"Noong Hulyo 2, 1971 binigyan ako ni Gen. Fabian C. Ver ng mission order na kumuha ng dinamita sa Samar. Bumalik ako sa Maynila makaraan ang apat na araw. Sa pagpasok ko sa aming upisina, narinig ko sina General Ver, Lt. Porfirio Ramos, Sgt. Andres Lacdan, Sgt. Alberto Sulit, T/Sgt. Pedro Gutierrez alias "Pete" at Atong Suarez na nag-uusap tungkol sa planong pagbomba sa miting de abanse ng Liberal Party sa Plaza Miranda.
"Isa ito sa maraming ulit na pinag-usapan ang naturang operasyon. Nabuo ito noong Agosto 17 matapos ipaliwanag ni General Ver ang lahat. Ayon sa plano ni General Ver, sina Lacdan at Sulit ang magbabato ng mga granada pagkaakyat ni Ninoy sa entablado.
"Susuportahan sila nina Porfirio Ramos, Pedro Gutierrez at Atong Suarez.
"Nasa PSU billiard hall ako nang marinig ko sa radyo na naipukol na ang mga granada sa Plaza Miranda.
"Isang oras matapos ang pagbabato ng granada, nakita kong sina Andres Lacdan, Alberto Sulit, Porfirio Ramos, Pedro Gutierrez at Atong Suarez ay personal na nag-ulat kay General Ver. Sinabi nila sa kanya na matagumpay ang misyon."
Iba pang datos mula sa salaysay ni Bogtong:
- Isang Maj. Rolando Pattugalan (heneral na noong 1989) ang nagbigay sa kanila ng pondo para sa operasyon.
- Matapos ang pagbomba sa Plaza Miranda, nagtriple ang laki ng pondong pang-intelligence ng kanilang yunit.
- Tumagal siya sa PSU mula 1968 hanggang 1972. Nang nagbibitiw siya mula sa PSU noong huling bahagi ng 1972, binantaan siya ni General Ver na papatayin siya kapag isiniwalat niya ang mga ginagawa nila sa PSU.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 31 Hulyo 2001 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|