Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas

 Read this article in English

Patuloy ang pagtindi ng mga paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas bunga ng walang habas na militarisasyon sa kanayunan.

Sa Eastern Samar, tatlong inosenteng sibilyan ang pinatay ng mga nag-ooperasyong pasistang sundalo nitong Hunyo at Hulyo.

Pinakakarumal-dumal na kaso ang pagsalbeyds kay Rogelio Nuncio, 32, isang magsasakang taga-Barangay Tangbo, Maslog. Natagpuan ang kanyang naagnas nang bangkay sa loob mismo ng kapilya ng barangay noong Hulyo 2 nang magsibalikan ang mga magsasakang nagbakwit nang maglunsad ng operasyong militar sa kanilang lugar ang Charlie Company ng 14th IB. May tama ng bala sa kanyang sentido si Nuncio at may taga sa ulo. Inukit din ang kanyang mata.

Pinatay si Nuncio dahil lamang sa may kapatid siyang kilalang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Pagkaraan ng dalawang araw, walang awa ring pinatay ng mga elemento ng parehong yunit si Bernardo Amado, isang magsasakang taga-Sityo Baynag, Barangay Can-ilay, Can-avid. Si Amado, na may kapansanan sa pag-iisip, ay basta na lamang pinaratangang myembro ng BHB nang hindi siya makasagot sa mga tanong ng mga sundalo.

Noon namang Hunyo 12, sinalbeyds ng isang sundalo ng 14th IB na nagngangalang "Garcira" at dalawang elemento ng CAFGU si Freddie Rebato, isang magsasakang taga-Barangay Tugas, Maslog. Natagpuan si Rebato na nakadipa at mahigpit na nakatali ang dalawang kamay sa isang punong kahoy, basag ang bungo at tadtad ng sugat ang katawan.

Sa Samar, dinukot at iligal na idinitine ng mga sundalo ng 34th IB at 7th Scout Rangers Coy ang walo katao mula sa Barangay Sto. Ni�o, Motiong nitong Hulyo. Ang mga biktima ay kinabibilangan ng isang pamilyang magsasaka at ang kapitan, isang konsehal at dalawang tanod ng naturang barangay na nagpunta sa kampong militar para hanapin ang nawawalang pamilya.

Nagtatrabaho sa kanilang sakahan ang buong pamilya ni Artemio Lazarra, 39, nang dumating ang may 20 sundalong nag-ooperasyon noong Hulyo 4. Tinutukan ng baril at pilit nilang isinama si Lazarra at ang mga anak niyang sina Josephine, 13; Jocelyn, 12; at Jonathan, 9. Isang Lieutenant Pensona at Sergeant De Guzman ang nakilalang kasama ng yunit na iyon.

Kinabukasan, bandang alas-2 ng hapon, hinanap ni Barangay Capt. Leonardo Gabane at tatlo pa niyang kasamahan ang pamilyang Lazarra, subalit idinitine rin sila ng militar

Limang araw na hinawakan ng AFP ang mga biktima nang walang kasong isinasampa sa kanila. Pinakawalan lamang sila nang isinumbong ang insidente sa Katungod (tsapter ng Karapatan sa Eastern Visayas) at sa provincial chapter ng Bayan Muna.

Bago ito, dinukot din ng 34th IB noong Hunyo 27 si Liberato Racab, isang magsasakang taga-Sityo Tar-as, Barangay San Miguel, Jiabong. Hanggang ngayon ay hindi pa siya natatagpuan.

Sa Leyte, tatlong minutong pinagpuputukan ng masinggan at M14 ng mga tropa ng 19th IB sa pamumuno ni 1Lt. Onofre Nelmida ang 13 magsasakang papunta sana sa kanilang pahingahan sa Dinanawan, Ormoc City noong Marso 27.

Dinakip at pinilit maggiya sa operasyon ang pito sa kanila�sina Marcelo Custodio, 20; Orteliano Dador, 55; Reynaldo Dador, 33; Christopher Muya, 22; Macario Tumampo, 22; Crispin Tumampo, 25; at Mario Cabacoy. Pinagbubugbog sina Cabacoy at Dador. Nakatakbo naman ang anim na iba pa.

Sa araw ding iyon, dinakip at pinilit ding maggiya ng naturang yunit militar ang tatlo pang magsasaka�sina Jonie Polenio, Avelino Evan at ang kanyang asawa.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalala ang pagkakahiwalay ng rehimeng Arroyo sa mamamayan

Tagumpay ng mamamayan ang pagpapalaya kay Angelo dela Cruz
Pagbuwag sa rali, binatikos
Mga kaso laban kay Palparan, ipupursige
Lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas
Mga ulat koresponsal:
Matagumpay na depensa ng BHB sa Northern Samar: Apat, di nagapi ng apatnapu

Mga ulat koresponsal:
Laban sa matinding militarisasyon sa Quezon

Mga ulat koresponsal:
Muling sumisibol ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay

Maikling bidyo
Sa Ibayong Dagat:
Lumalakas ang pagtutol sa patakarang panlabas ng US: Sunud-sunod na dagok

Iligal ang security barrier ng Israel
Balita:
Abusadong mga tropa, pinalalayas sa Negros

Balita:
Pagbabayad-pinsala sa mga biktima ng batas militar, binalewala ng rehimeng Arroyo

Balita:
US, binatikos sa kumperensya ukol sa AIDS

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.