Mga pagbati sa ika-35 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas
Ipinaabot ng iba�t ibang mga partido komunista mula sa iba�t ibang sulok ng mundo ang kanilang mainit na pagbati sa Partido Komunista ng Pilipinas sa okasyon ng ika-35 anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2003. Magkakaiba man ang ginamit nilang lenggwahe, ipinabatid ng lahat ng mga mensaheng ito ang kanilang proletaryong rebolusyonaryong pakikiisa sa PKP at pagpupugay sa matagumpay na pamumuno nito sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino.
Ang mga nagpaabot ng mensahe sa PKP ay kabilang sa malawak na pandaigdigang lambat ng mga kapatid sa uri at kasama sa pakikibaka ng mga komunista at mamamayang Pilipino. Sila ay nakikiisa, sumusuporta at matamang sumusubaybay sa mga pagsulong at tagumpay ng pambansa-demokratikong rebolusyonaryong kilusan na may sosyalistang perspektiba sa Pilipinas.
Nagmula man sa mga bansang kapitalista o mga bansang malakolonyal at malapyudal, ang mga partido at organisasyong ito ay pawang bumabagtas sa rebolusyonaryong daan upang gapiin ang imperyalismo at reaksyon, palayain ang proletaryado at mamamayan at kamtin ang kalayaan, demokrasya at sosyalismo sa kani-kanilang bansa at sa daigdig.
Sa kanilang mga mensahe, ipinaabot nila ang pagkilala at pagpapahalaga sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na pinamumunuan ng Partido. Ito'y nagsisilbi sa kanila bilang inspirasyon at ilaw sa rebolusyonaryong pakikibaka sa kani-kanilang bansa. Kinilala nila ang tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ng Partido sa Pilipinas at ang mga ibinunga nitong pagsulong sa pagbubuo ng Partido at sa rebolusyonaryong pagkilos. Hinangaan nila ang pagpupunyagi at pananaig ng Partido at rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas sa harap ng matinding panggigipit na ginagawa ng imperyalismo at reaksyon sa ngalan ng anti-terorismo.
Ang mga karanasan at pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan ay ipinababatid nila sa mamamayan ng kinalalagyan at kinikilusan nilang mga bansa. Sa pakikipag-ugnayan sa PKP, ibinabahagi rin nila ang kanilang mga karanasan sa iba't ibang larangan ng pakikibaka upang magsilbi ring inspirasyon sa mamamayang Pilipino. Katulad ng PKP, sinisikap nilang pamunuan ang proletaryado at mamamayan sa kani-kanilang bansa sa landas ng makauring tunggalian sa pamamagitan ng iba't ibang anyo at pamamaraan ng puspusang pakikibaka.
Malawak ang pakikipag-ugnayan ng Partido Komunista ng Pilipinas sa mga kapwa komunista at rebolusyonaryong partido at organisasyon sa iba't ibang panig ng daigdig. Ipinakikita nito na sa lahat ng dako ng mundo ay humuhulagpos ang mamamayang api at pinagsasamantalahan mula sa gapos ng imperyalismo at reaksyon, at nakikibaka para sa kalayaan, demokrasya at sosyalismo tungo sa komunismo. Pare-parehong kumikilala ang mga ito na ang daigdig ay nasa bisperas ngayon ng muling pagragasa ng kilusang anti-imperyalista at sosyalista sa pamumuno ng mga partido komunista.
Kabilang sa mga nagpadala ng mensahe ang sumusunod:
Partido de la Liberaci�n (PL) de Argentina • Partido Comunista Revolucionario de la Argentina • Kommunistische Aktion-Marxistisch-Leninistisch (Austria) • Socialist Party of Bangladesh • Workers Party of Bangladesh • Workers' Party of Belgium • Communist Party of Great Britain • New Communist Party of Britain • Communist Party of Brazil-Red Fraction • Communist Party of Brazil (PCdoB) • Workers' Communist Party of Denmark (APK) • Workers' Communist Party of France • Marxist-Leninist Party of Germany - MLPD • Workers' League for the Restoration of the Communist Party of Germany • Communist Party Of India (Marxist-Leninist) New Democracy • Communist Party Of India (Marxist-Leninist) Liberation • Communist Party Of India (Marxist-Leninist) People's War • International Leninist Current (ILC) • Organisation of Iranian People Fadaii Guerrillas • The Irish Republican Socialist Party • Partito Comunista Maoista (Italy) • Communist Party of Japan (Left) • Japan Communist League (JCL) • Anti-Imperialist Revolutionary Forum (Nepal) • Communist Party of Nepal (UML) • GML/Rode Morgen (Netherlands) • New Communist Party of the Netherlands • Anti-Capitalist Alliance (New Zealand) • Workers' Party of New Zealand • Communist Party Marxist Leninist (Revolutionaries) • Communist Party of Turkey • Partido Comunista Revolucionario del Uruguay at iba pa....
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|