![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kasabay ng papatinding krisis sa ekonomya, ibayong lumulubog sa kumunoy ng kahirapan ang mga manggagawa. Sa kabila nito, patuloy na ipinatutupad ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang mga patakarang nang-aapi at nagpapahirap sa mga manggagawa. Alinsunod sa imperyalistang "globalisasyon", patuloy ang pagtataguyod sa liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Taliwas sa mahigpit na kahilingan ng mga manggagawa, ipinagpapatuloy lamang ni Macapagal-Arroyo ang anti-manggagawang programa ng pinatalsik na si Estrada. Nananatiling P250 ang minimum na arawang sahod. Kulang na kulang ito kung ihahambing sa P418 (P501 sa Metro Manila) kinakailangan sa bawat araw ng anim-kataong pamilya upang makapamuhay nang disente. Lalong nagpaliit sa kakarampot na ngang sahod ng mga manggagawa ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga karaniwang bilihin. Tuluy-tuloy at malawakan ang tanggalan sa trabaho sa mga manggagawa tulad ng sa San Miguel Corp. at Toyota. Sa Gitnang Luzon, mahigit 10,000 manggagawa ang tinanggal sa trabaho mula Enero hanggang Marso ng taong ito. Triple ang laki nito sa mga nasisante sa parehong panahon at lugar noong nakaraang taon. Walang tigil ang pandarahas sa piketlayn, tulad ng sa Cosmos, Mina�s Transit at Yokohama Tires Philippines, Inc. Patuloy ang pag-atake sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon at malayang maglahad ng mga hinaing. Sa inilunsad na People�s Dialogue with the NDFP noong Abril, inihapag ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng Kilusang Mayo Uno, ang kanilang mga kahilingan. Dinaluhan din ito ng iba pang sektor at mga kinatawan ng gubyernong Macapagal-Arroyo. Iminungkahi ng mga manggagawa sa NDFP na gawing adyenda sa usapang pangkapayapaan ang sumusunod na kahilingang ipinaglalaban nila:
Malaking papel ang ginampanan ng mga manggagawa sa pagpapatalsik sa anti-manggagawang si Estrada. Nasa unahan sila ng paglaban bago pa man tuluyang malantad ang katiwalian ni Estrada. Noong Enero, dumagsa sa EDSA ang malaking bilang ng mga manggagawa upang makiisa sa iba pang sektor laban sa tiwaling pangulo at kanyang mga kasapakat. Bumuhos ang mga manggagawa at iba pang sektor sa iba�t ibang lunsod sa bansa tulad ng Bacolod, Iloilo, Cebu, Naga, Baguio at iba pa upang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kasabay ng pagpapahayag ng mga kahilingan, kinundena nila ang pagpupumilit ng kampo ni Estrada na makabalik sa poder. Inilunsad noong Abril 12 ang "Kalbaryo ng Mamamayan sa Panahon ni Gloria" caravan na nilahukan ng mga manggagawa at ibang maralitang sektor. Hinamon nila ang bagong rehimen na lutasin ang mga batayang problema at kilalanin ang mga demokratikong karapatan ng mga api�t naghihirap na mamamayan. Patuloy ang pagsulong ng mga pang-ekonomya at pampulitikang pakikibaka ng mga manggagawa. Mahigpit nilang iginigiit ang kani lang kagyat at pangmatagalang kahilingan. Sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa harap ng papalalim na krisis. Habang tumitindi ang pagsasamantala sa kanila ng mga kapitalista at ng rehimen, lalong tumatatag ang kapasyahan ng mga manggagawa na ipaglaban ang kanilang kapakanan at mga karapatan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|