![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Hinalaw mula sa pahayag* ni Armando Liwanag, Tagapangulo Komite Sentral Partido Komunista ng Pilipinas Disyembre 26, 1999 Sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa gabay ng teoryang Marxista-Leninista-Maoista, binabati natin ang ika-21 siglo at ang bagong milenyo nang may kapasyahang paigtingin ang demokratikong rebolusyon ng bayan sa pamumuno ng proletaryado. Determinado tayong lubusin ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya na nagsimula mahigit na isang siglo na ang nakararaan. Buong kabayanihang nakipaglaban at nagtagumpay ang ating mga rebolusyonaryong ninuno laban sa kolonyalismong Kastila na naghari sa bansa nang mahigit tatlong siglo. Nagpatuloy sila sa paglaban sa agresyon ng imperyalismong US. Sa pagtataguyod ng rebolusyonaryong pamana, patuloy nating lalabanan ang imperyalismong US at ang mga papet nito kahit na abutin tayo ng isa pang siglo. Sa sukatan ng kasaysayan, isang maikling panahon lamang ang isinusulong natin ngayong bagong demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Subalit handa tayong magpursige rito gaano pa man katagal upang makamit ang lubos na tagumpay. Tiwala tayo na sa loob ng unang mga dekada ng ika-21 siglo, maitatayo natin ang demokratikong republikang bayan at makatutuloy tayo sa sosyalistang rebolusyon. Bahagi ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo ang ating rebolusyonaryong pakikibaka. Nakikinabang tayo sa istorikong karanasan at kasalukuyang pakikibaka ng proletaryado at aping mamamayan ng daigdig. At nagpapasya tayong patuloy na mag-ambag ng lahat ng makakaya natin sa muling pagdaluyong at pagsulong ng pagdaluyong at pagsulong ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon. Sa dekadang lilipas, ikinalugod ng mga imperyalista at mga reaksyunaryo ang pagbagsak ng mga rebisyunistang rehimen at maling inilarawan itong katapusan na ng sosyalistang adhikain. Subalit taun-taon, ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at ng bagong kaguluhang pandaigdig ay ibayong lumalala. Walang ibang paraan upang makahulagpos ang mamamayan kundi sa pamamagitan ng armadong rebolusyon. Talaga ngang ang rebisyunistang pagkakanulo sa sosyalismo ay nagpahintulot sa mga imperyalista at lahat ng reaksyunaryo na patindihin ang pangaapi at pagsasamantala sa mamamayan sa ilalim ng islogan ng �malayang pamilihan�. Subalit kasabay nito, nagbubunga ng rebolusyonaryong paglaban ang pagdurusa ng mamamayan. Nakasisiguro tayo na mas malalaking tagumpay ang makakamit ng proletaryado at aping mamamayan sa darating na siglo kaysa sa siglong lilipas na. �. �Tulad ng itinuro nina Marx at Engels, ang kontradiksyon sa pagitan ng panlipunang katangian ng mga pwersa sa produksyon at ng pribadong katangian ng pag-angkin sa ilalim ng kapitalismo ay hindi kailanman mapagkakasundo. Itinuro pa rin sa atin ni Lenin na ang ganitong kontradiksyon ay tumatalas at ibayong nagiging marahas sa panahon ng imperyalismo. Kaya, ang lilipas na siglo ay kinatangian ng malalalang krisis pangekonomya at mga digmaan at siyang naging pinakamarahas sa kasaysayan ng sangkatauhan. � Habang nalalapit na ang paglipas ng ika-20 siglo, nakalatag na ang kundisyon para sa mga dakilang labanan sa pangkasaysayang tunggalian sa pagitan ng proletaryado at monopolyong burgesya. Ang kasalukuyang malalang krisis at malaking kaguluhan sa pandaigdigang sistemang kapitalista ay simula ng mga dakilang pag-aalsa at panlipunang rebolusyon sa ika-21 siglo. �. Sa diwa ng proletaryong internasyunalismo at malawakang anti-imperyalistang pakikipagkapatiran, pinamumunuan at isinusulong ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rebolusyong Pilipino. Dapat magkaisa ang mga manggagawa at aping mamamayan upang ibagsak ang imperyalismo at lahat ng reaksyon at kamtin ang pambansa at panlipunang paglaya. Pinatunayan ng kasaysayan na ang sosyalismo ay maaaring sunud-sunod na itatag at itayo sa iba�t ibang bansa. Subalit upang makamtan ang pinakalayuning komunismo, kailangan munang gapiin ng rebolusyonaryong proletaryado at mamamayan ang imperyalismo sa pandaigdigang saklaw. Bago ang pandaigdigang tagumpay na ito, kailangan ding bakahin ng naghaharing proletaryado at mamamayan sa mga sosyalistang bansa ang rebisyunismo, hadlangan ang muling panunumbalik ng kapitalismo at ibayong konsolidahin ang sosyalismo. Nagpapatuloy ang panahon ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon. Nangangailangan ng isang buong pangkasaysayang panahon upang isagawa ang pandaigdigang paggapi sa imperyalismo at, sa gayon, ang pandaigdigang tagumpay ng sosyalismo. Lahat ng tunay na komunista, mula isang salinlahi hanggang sa susunod pa ay handang maglunsad ng rebolusyonaryong pakikibaka kahit anong haba ng panahon upang makamit ang tagumpay ng sosyalismo sa iba�t ibang bansa hanggang makamtan ang pinakalayuning komunismo. Tiyak na sa mga unang dekada ng susunod na siglo, magkakaroon ng paglalagablab ng mga digmang bayan at malawak na kilusang antiimperyalista sa pandaigdigang saklaw na hindi pa nakikita sa nakaraan. Tiyak ang muling pagsulong ng mga sosyalista at anti-imperyalistang kilusan. Magkakaroon ng malalaking labanan sa pangkasaysayang tunggalian sa pagitan ng proletaryado at mamamayan ng daigdig sa isang panig at imperyalismo at reaksyon sa kabila. Upang bigyang-diin, inuulit natin na magkakaroon ng di hamak na mas malalaking rebolusyonaryong tagumpay sa ika-21 siglo kaysa sa siglong lilipas. Optimistiko ang lahat ng tunay na komunista na sa muling pagtatatag ng proletaryado at mamamayan ng mga lipunang sosyalista sa susunod na siglo, mailalapat nila nang husto ang mga aral na kanilang natutuhan mula sa aktwal na pagpapanumbalik ng mga rebisyunista sa kapitalismo at mula sa mga subok nang turo ni Kasamang Mao hinggil sa pangangailangan ng serye ng mga rebolusyon sa kultura sa ilalim ng diktadura ng proletaryado upang bakahin ang rebisyunismo, hadlangan ang panunumbalik ng kapitalismo at patatagin ang sosyalismo hanggang sa ang pandaigdigang pagkagapi sa imperyalismo ay tumungo sa katuparan ng komunismo. * Ito ay bahagi ng pahayag na tumatalakay sa patuloy na lumalalang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at bumabaybay ng mga tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan at nagsasaad ng mga tungkulin kaugnay sa ibayo pang pagsulong ng rebolusyon. Ilalabas ng Ang Bayan ang buong pahayag bilang isang espesyal na isyu nito para sa Disyembre26. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|