|
|
Sa bawat panahong sukdulan na ang pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri, hindi mapigilan ang pagsambulat ng mga likhang sining at panitikang naglalarawan sa paglaban ng mamamayan. Pinatunayan ito sa pag-agos ng mga awitin, tula, bidyo at salaysay ng mga nakasaksi sa ilog ng dugong dumaloy at nakiramay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita. Ang Pakikiramay... ay inilathala ng Congress of Teachers for Nationalism and Democracy-Alliance of Concerned Teachers at Amado V. Hernandez Resource Center. Pinamatnugutan ito ni Joi Barrios at naglalaman ng mga tula ng 25 sa pinakabantog na mga makatang Pilipino. Maagap na lumabas ang koleksyon ng mga tula sa libretong pinamagatang Pakikiramay: Alay ng mga makata sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Inilathala ito bilang bahagi ng pagkundena sa pagpaslang sa mga magbubukid sa asyenda noong Nobyembre 2004 at pakikiisa ng mga manunula sa buhay at pakikibaka ng masang anakpawis. Nahahati sa mga kategorya ang mga tula. Nasa bungad ng koleksyon ang �Serenata� ni Fidel Rillo at �Sa Hacienda Luisita� ni Romulo P. Baquiran, Jr. na naglarawan sa katwiran ng pakikipaglaban ng mga magbubukid para sa kanilang karapatan sa lupa. Nasa seksyong Mga tula ng paglalamay ang �Paglalamay� ni Rio Alma at �Agunyas sa Hacienda Luisita� ni Bienvenido Lumbera: �Walang benditang tumigmak sa amoy-lupang bihis/ Ng mga welgistang humingi ng dagdag/ Sa 9.50 lingguhang kita./ Dugong pumulandit sa dagsa ng bala,/ Laway na tumalsik nang hatawin ng truncheon,/ Plemang idinahak ng panginoong maylupa.� Itinampok sa Mga tula ng tunggalian ang �Kantang Kasamak� sa Pilipino at Kapampangan ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr., �Celebrasyon sa Masaker sa Hacienda Luisita� ni Mila D. Aguilar, �Maanyag Kaupay an Gabi Dinhe Ha Nayon (Maganda ang Gabi Dito sa Nayon)� sa Waray ni Duke Bagulaya, �Luisita, Luisita!� ni Lilia Quindoza-Santiago, �Luha� ni Rolando B. Tolentino at iba pang naglahad ng magkasalungat na interes ng mga asendero at masang magsasaka.Kinutya ang mga makapangyarihan sa Mga tula ng pamumusong [�Sagrada Pamilya� ni Reuel Molina Aguila, �Matam-is Nga Yuhum Kag Harakhak (Matamis na Ngiti at Halakhak)� sa Kinaray-a ni John Iremil Teodoro at �Para kay Cory, Tanda ng Masaker sa Hacienda Luisita� ni Mila D. Aguilar: �Para ka namang si Bush/ Na sa ngalan ng Ama�y/ Nambobomba ng kapwa....� Isinalarawan ng Mga tula sa suliraning agraryo ang dantaon nang tanikalang gumagapos sa mga magbubukid. Mula sa �Dugo sa Isinumpang Paraiso� ni Domingo G. Landicho, �Magsasaka: Tayo�y kay laong/ Iginaos ng lupain/ Ng panginoong maylupa/ Na bathala�t batas natin/ Di ba�t tayo�y nagpunla/ Tayo rin ang nagtanim/ Ano�t nitong magapak na�y/ Asendero ang nagpiging?� Nagtatapos ang koleksyon sa Mga tula ng pagsusuri at pagsulong. Nasa bahaging ito ang �After Luisita on Aussie TV� ni Jose Wendell Capili, �Diskurso ng Estado� ni Joi Barrios, �Ibain Ko (Ikinahihiya Ko)� sa Iloko ni Herminio S. Beltran Jr., �Ang Magbubukid, Muli� ni Danton Remoto at iba pa. Kinukumpleto ng disenyo ng pabalat [Cesar Hernando at Jesse Allegre] ang Pakikiramay�. Sa harap, ang mga magbubukid ay nasa likod ng tubuhang kahalintulad ng mga rehas ng selda ang pagkaguhit. Sa likod naman ay wala na ang mistulang selda, nagpapahiwatig ng paglaya ng mga magsasaka. Hindi lamang mahusay na inilarawan sa Pakikiramay� ang pakikibaka sa Hacienda Luisita, itinampok nito ang makatarungang pakikibaka di lamang ng mga magbubukid kundi ng buong sambayanan.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|