Rehimeng Arroyo, nagmamatigas sa kaso ng mga POW
Walang humpay na mga operasyong militar ang pinakawalan ng AFP sa Tinambac, Camarines Sur at mga karatig-bayan kamakailan bilang tugon sa panawagan ng BHB na simulan ang pakikipagnegosasyon at itigil ang mga operasyong militar para bigyang-daan ang pagpapalaya kina 1Lt. Ronaldo Fedelino at Pfc. Ronel Leme�o ng 42nd IB. Ang dalawa ay kapwa nabihag ng BHB sa isang taktikal na opensiba noong Marso 1 sa Tinambac.
Magpahanggang ngayon, nagwawalambahala ang rehimeng Arroyo sa kalagayan ng dalawang sundalo. Tumatanggi itong makipag-usap sa peace panel ng NDFP upang simulan ang proseso ng kanilang pagpapalaya. Lubos na nitong ipinaubaya sa AFP ang pagbabalangkas ng patakaran hinggil sa mga bihag.
![](../../angbayan/images/040321/pow.gif) | Sa kabila ng pagtatambak ng isang batalyong tropa sa lugar, bigo pa rin ang AFP na matagpuan ang kinalalagyan ng dalawang sundalo. Mga di-armadong sibilyan ang binabalingan ngayon ng AFP.
Anim nang sibilyan ang dinukot mula Marso 2, kabilang ang mga Bayan Muna coordinator na sina Isiderio de los Santos at Jaime Rodriguez. Hanggang ngayon ay hindi pa inililitaw si de los Santos habang ang limang iba pa ay patuloy na nakakulong sa himpilan ng 42nd IB sa Ba-rangay Mabalodbalod, Goa. Isang 14 anyos na babae mula sa Del Carmen, Lagonoy ang pinaghihipuan din ng mga sundalo noong Marso 3. Noong araw ding iyon, ninakaw at kinatay ng mga sundalo ang tatlong pabo na pagmamay-ari ni Rodolfo Caganda, konsehal ng Barangay Del Carmen. Marami ring sibilyan ang binugbog, kabilang si Gilbert Quilingan, Anakpawis coordinator ng Barangay Antipolo, Tinambac at iba pang mamamayan ng Barangay Lamon, Goa at Barangay Pina-mihagan, Lagonoy.
Samantala, sa Negros, pina-kawalan na noong Marso 15 si Eduardo Raya, isang elemento ng CAFGU na dinakip ng BHB nang salakayin nito ang detatsment ng 44th CAFGU Coy sa Barangay Mahalang, Himamaylan noong Pebrero 15. Bagamat na-patunayan ng hukumang bayan na nagkasala siya sa pagpapakubkob sa isang yunit ng BHB noong 2002 sa Himamaylan, pinalaya siya sa mga batayang makatao. Binigyang-babala na lamang si Raya at inatasang bayaran ng danyos-perwisyos ang mga napinsala niya.
Inintrega siya ng BHB kay Bishop Vicente Navarra ng Diocese of Bacolod City.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|