![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nireyd at winasak ng mga gerilya ng Mt. Amandewin Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Leyte ang drilling facilities (kagamitan sa malalimang paghuhukay) ng Philippine National Oil Co. (PNOC) sa Ormoc City nitong Marso 26. Matagumpay na nailunsad ang operasyong militar na walang putok. Tiniyak ng mga Pulang mandirigma ang kaligtasan ng lahat ng mga sibilyang empleyado ng PNOC, maging ng mga security guard.
Pinarusahan ang PNOC dahil sa di nito pagkilala sa awtoridad ng rebolusyonaryong gubyernong bayan, di pagtupad sa mga patakaran nito sa pagbubuwis at dahil sa pag-agaw nito sa lupa ng mamamayan nang walang anumang programa para tiyaking hindi mapipinsala ng kanilang drilling project ang mamamayan at kapaligiran. Nakasamsam ang BHB ng isang M16, dalawang shotgun at 17 granada ng M203, bukod pa sa mga bala ng M16. Walong tropa ng PNP-Regional Mobile Group na kabilang sa tropang tumugis sa BHB ang napatay nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma. Samantala, ayon sa pinakahuling mga ulat mula sa Efren Martires Command ng BHB sa Eastern Visayas, 13 sundalo ng 34th IB at isang pulis ang napatay sa sabayang reyd sa detatsment ng PNP at ambus sa mga tropa ng Philippine Army noong Marso 17 sa San Jose de Buan, Samar. Nauna nang iniulat sa AB na tatlong elemento ng PNP ang nasugatan sa taktikal na opensibang ito. Inilinaw ng Efren Martires Command na ang Alpha Company ng 34th IB ang pangunahing target ng opensiba dahil sa brutal nitong rekord sa paglabag sa mga karapatang-tao ng mamamayan ng Samar. Kabilang ang sumusunod sa mga tinukoy na pagkakasala ng kaaway na yunit:
Iniulat din ng Efren Martires Command ang pangingibabaw ng mga Pulang mandirigma sa dalawang depensibang aksyon sa Leyte at Eastern Samar. Sa lalawigan ng Leyte, siyam na elemento ng 19th IB ang napatay nang maagaw ng BHB ang inisyatiba mula sa mga sundalong sumalakay sa isang kampo ng BHB sa Barangay Wague, bayan ng Leyte noong Marso 2. Isang Pulang mandirigma ang namatay sa labanan. Ligtas namang nakaatras ang iba pang gerilya ng BHB. Sa Dolores, Eastern Samar, nalamangan din ng 15 Pulang mandirigma ng Lupito Mingote Command ang mga umaatakeng tropa ng Bravo Company ng 14th IB noong Pebrero 18. Limang sundalo ang napatay�dalawa sa pakikipaglaban sa BHB at tatlo nang magkasagupaan mismo ang mga nalitong tropa. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|