Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
SAKSI ANG DAIGDIG SA PAGSAMBULAT NG MGA PAKIKIBAKA NG mamamayan na naglalayong humulagpos mula sa papatinding kahirapan, kagutuman, kaguluhan at kawalang-katarungan, pagkawasak ng kalikasan at mga mapanalantang digma, pawang nagkakait ng kinabukasan sa kabataan ng daigdig. Tuluytuloy na sumusulong ang milyun-milyong mamamayan sa larangan ng armado at di armadong pakikibaka�mula sa mga larangang gerilya ng Pilipinas, Peru at Colombia hanggang sa mga lansangan ng US, Melbourne, Prague, Paris at London�upang ipaglaban ang interes ng mamamayang binubusabos at pinagsasamantalahan ng imperyalismo.
| Tungo sa layuning magkaisa at magtulungan ang iba�t ibang mga nakikibakang mamamayan, puspusan ngayong inihahanda ang pagtatatag ng International League of People�s Struggles (ILPS o Pandaigdigang Liga ng mga Pakikibaka ng Mamamayan) sa Mayo 2001. Ang ILPS ay magsisilbi pangunahin bilang porum upang magpalitan ng karanasan at magkatulungan ang iba�t ibang nakikibakang mamamayan.
FIRST INTERNATIONAL ASSEMBLY. Kasalukuyang puspusang pinaghahandaan ng International Initiative Committee (IIC) ang First International Assembly (FIA), ang kauna-unahang pagtitipong bubuo sa ILPS. Idaraos ito sa Mayo 2001 sa The Netherlands. Pinamumunuan ang IIC ni Jose Ma. Sison, tagapangulong tagapagtatag ng PKP at pinuno ng Center for Social Studies, at kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Germany, Pilipinas, Mexico, Britain, Turkey at iba�t ibang pandaigdigang institusyon.
Ang FIA ay may temang �Mga Mithiin ng Mamamayan para sa Pandaigdigang Pagkakaisa sa ika-21 Siglo�. Dito paguusapan at pagtitibayin ang mga deklarasyong binalangkas ng IIC. Pagtitibayin ng FIA ang mga layunin ng ILPS at magbabalangkas ng mga resolusyong magtatakda ng mga gawain ng liga.
Panimulang pinaghahandaan ng IIC ang FIA sa pamamagitan ng masugid na pag-ipon ng mga komentaryo hinggil, at suporta para sa asembliya, pagsasaayos ng mga detalye nito kabilang ang pagpapatala sa mga lalahok, pagbalangkas ng mga mungkahing patakaran at paghapag ng mga mungkahi sa paghahanda.
MUNGKAHING KATANGIAN. Ayon sa mga tagapaghanda nito, ang ILPS ay para sa mga nasa mauunlad at atrasadong mga bansa at maging sa mga kumakaharap sa anumang trahedyang pangkalikasan, nilasong tubig o pagkain, o sa lahat ng dumaranas ng tumitinding pagsasamantala, pagkawasak sa o kawalan ng mga trabaho, kawalan ng ayuda o anumang paglabag sa mga karapatang-tao, at marami pang ibang krisis.
Batay sa mga deklarasyong binalangkas ng IIC, ang ILPS ay magkakaroon ng katangiang malawak, pangmasa at nagsasarili mula sa iba pang partidong pulitikal, pamahalaan o relihiyon. Palalaganapin, itataguyod at pauunlarin nito ang anti-imperyalista at demokratikong pakikibaka ng mga manggagawa at aping mamamayan ng daigdig upang labanan ang pang-ideolohiya, pampulitika, pangmilitar, pang-ekonomya at pangkulturang paghahari at mga atake ng imperyalismo at mga reaksyunaryo na siyang sanhi ng samutsaring paghihirap ng sangkatauhan. Ilalantad rin nito at lalabanan ang di-makataong mga patakaran at hakbangin ng mga kumpanyang multinasyunal, ng kanilang mga gubyerno at mga pandaigdigang ahensya gaya ng International Monetary Fund, World Bank at World Trade Organization at mga alyansang militar.
Ayon sa nakabalangkas na deklarasyon, kikilos ang ILPS upang makamit ang pagkakaisa, pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga manggagawa, mga unyon at organisasyon ng kababaihan, kabataan, mga magsasaka, mga guro, mga manggagawang pangkalusugan, mga mamamahayag, manunulat, dalubhasa, teknolohista, abugado at iba pang mga propesyunal, at mga popular na kilusan, kampanya at makatarungang pundasyong magtataguyod sa mabubuo�t mapipinalisang mga mithiin ng liga.
LUMALAWAK, LUMALAGO. Noong Oktubre, mahigit 90 organisasyon na ang nagpahayag ng intensyong lumahok sa unang asembliya. Bago matapos ang Nobyembre, ibayo pang lumawak ang bilang sa 217 organisasyon mula sa humigit-kumulang 50 bansa. Ayon sa IIC, sinasalamin nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng mga organisasyong lumahok o sumuporta sa mga paghahanda ng IIC mula umpisa. Dagdag pa ng IIC, matapos ang ikalimang pagpupulong nito noong Oktubre ay lalo pa itong naging deteminadong �pag-ibayuhin ang mga pagsisikap upang lalong madagdagan ang bilang ng mga lumalahok at sumusuportang organisasyon.�
Mga paksa sa mungkahing mga workshop ng Unang Asembleya: - Pambansa at panlipunang paglaya mula sa imperyalismo at lahat ng reaksyon;
- Mga karapatang-tao sa larangang sibil, pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura;
- Mithiin ng kapayapaan laban sa mga mapanalakay na digma at laban sa mga armas na nukleyar at panghenosidyo;
- Karapatan ng mga manggagawa, pagbawas sa oras ng paggawa at buong sahod laban sa malawakang disempleyo at bumabagsak na antas ng sahod
- Karapatan ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda laban sa pyudal at malapyudal na pagsasamantala�t pang-aapi;
- Karapatan ng kababaihan laban sa diskriminasyon sa kasarian at karapatan ng mga bata laban sa child labor at iba pang mga anyo ng pagsasamantala;
- Karapatan ng mga katutubo at mga nasyunalidad laban sa sobinismo at rasismo;
- Karapatan ng mga guro at kabataan;
- Pagtatanggol sa kalikasan laban sa pandarambong at polusyon; at
- Karapatan at kagalingan ng mga nagsilikas at mga migranteng manggagawa.
|