![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Habang desperadong dinudungisan ang integridad ng rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitan ng buktot na propaganda, di mapagtakpan ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang sarili nitong kalupitan. Patuloy na tumitindi ang pasismo ng berdugong reaksyunaryong hukbo sa paparaming mamamayan sa iba't ibang dako ng bansa. Nitong buwan lamang, nakatanggap ang Ang Bayan ng mga ulat mula sa Cagayan Valley at Timog Katagalugan hinggil sa mga pang-aabuso, pandarahas at paghahasik ng lagim ng mga tropa ng AFP.
Nitong umaga ng Abril 8, pinatay ng mga tropa ng 16th IB sa pamumuno ng isang Lieutenant Dimapinto ang municipal coordinator ng Bayan Muna at konsehal ng barangay na si Expedito "Ispid" Albarillo, 48. Pinatay siya sa Sityo Ibuye, Barangay Calsapa, San Teodoro, Oriental Mindoro. Bago ito, pinaratangan si Albarillo na myembro ng Bagong Hukbong Bayan. Si Albarillo ay kinaladkad mula sa kanyang bahay, binaril at binasag ang bungo. Dinukot ng mga sundalo ang isa niyang mata. Pinatay din ng mga pasista ang asawa niyang si Manuela Albarillo, 45, na myembro ng Bayan Muna at lider ng Samahan ng Kababaihan sa San Teodoro. Sa Isabela, dinukot at pinatay si Warlito Nagasao, 46, provincial coordinator ng Bayan Muna ng mga pinaghihinalaang tropa ng 45th IB. Kaaalis lamang niya sa kanyang bahay sa Barangay Villa Campo Laud, Echague noong madaling araw ng Marso 20. Natagpuan siyang patay sa Sityo Payong, bayan ng Alfonso Lista, Ifugao pagkaraan ng ilang oras. Napag-alaman lamang ng kanyang pamilya ang kanyang pagkamatay nang dalhin sa kanila ang bangkay noong Marso 26.
Sa Santiago, Quirino sa Isabela, ginagamit nina Eduardo "Danding" Cojuangco at Benjamin Dy Jr. ang 45th IB sa pang-aagaw ng lupa mula sa mga magsasaka para sa proyekto nilang pagtatanim ng kamoteng kahoy sa rehiyon. Mula Enero hanggang Pebrero, binantaan at tinakot ng 45th IB at mga ahente ng Military Intelligence Group ang mga lider at kasapi ng Santiago Farmers Association at iba pang tumututol sa proyekto. Dagdag dito, iligal na nanghalughog ng bahay ang mga tropa sa San Juan, Quezon, Isabela at nagbase sa kabahayan sa Sityo Namnama, Barangay Santos ng naturang bayan sa kabila ng pagtutol ng mga tagaroon.
Sinalbeyds noong Pebrero 12 ng mga tropa ng 45th IB ang dalawang nadakip na Pulang mandirigma na sina Frankie "Ka Arnold" Gelacio at Salvador "Ka Marvin" Arbezo. Ang dalawa ay kabilang sa lima-kataong tim ng BHB na nakubkob noong araw na iyon sa Dolores, Quirino, Isabela. Samantala, nilapastangan ang mga bangkay ng tatlong kasamahan nina Ka Arnold at Ka Marvin na namatay sa labanan. Binastos at ninakawan ng mga tropa ang bangkay ni Janet "Ka Angel" Taguba. Binalian ng balikat ang bangkay ni Danilo "Ka Jonard" Galan at tinadtad ng bala ang mukha ni Rafael "Ka Mar" de Leon. Pinaulanan din ng bala ng mga sundalo ang mga bahay nina Dominador Corpuz at Marcelo Villanueva na pinahihingahan ng mga Pulang mandirigma. Dulot nito, nawasak ang mga ari-arian sa bahay. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|