Imperyalistang pagtotroso at pagmimina, lalabanan
Maghanda sa paglulunsad ng fetad! Ito ang panawagan ng Cordillera Peoples� Democratic Front (CPDF) sa mamamayan ng rehiyon upang labanan ang mga mangangamkam na imperyalistang kumpanya sa pagmimina. Ayon kay Simon �Ka Filiw� Naogsan, tagapagsalita ng CPDF, ang fetad o armadong pagkilos ng mga pambansang minorya sa Cordillera laban sa mga kaaway ng tribo ay magsisilbing ambag ng mamamayan ng rehiyon sa pambansang kampanya laban sa pandarambong ng mga imperyalista sa likas na yaman ng bansa.
Kailangang pagbigkisin ang mga pangat o mga pinuno ng tribo at lahat ng mamamayan para ipagtanggol ang lupang ninuno, ani Ka Filiw. Tungo rito, maaaring buuin ang mga armadong mandirigma ng tribo bilang mga yunit depensa sa komunidad.
Sa kanyang pahayag, binaybay ni Ka Filiw ang mapait na karanasan ng mga prubinsya ng Benguet at Abra sa pandarambong at pangwawasak na ginawa ng Benguet Corporation, Lepanto Mines at Philex Mines na hanggang ngayo�y patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan dito.
Gahiganteng tubo ang hinuthot ng mga kumpanyang ito habang ang mamamayan ay nawalan ng lupang masasaka at hanapbuhay at ngayo�y nagkakasakit dulot ng lasong itinapon ng mga minahan. Kahit ang ipinangangalandakang kakarampot na buwis na mapupunta sa mga lokal na pamahalaan mula 1992 ay di pa naibibigay.
Marapat lamang na singilin si Gloria Macapagal-Arroyo at ang mga hukom ng Korte Suprema sa maramihang pagpapapasok ng mapandambong na mga imperyalistang kumpanya sa pagmimina, dagdag pa ni Ka Filiw.
Samantala, kinundena ng NDF-Southern Mindanao Region (NDF-SMR) ang rehimeng Arroyo sa pagpapahintulot nito sa patuloy na malawakang pagtotroso sa Mindanao at pag-alis ng total log ban sa kabundukan ng Caraga sa silangang Mindanao. Ayon kay Ka Rubi del Mundo, tagapagsalita ng NDF-SMR, pinayagan na naman ng rehimeng Arroyo ang malalaking kumpanya ng logging gaya ng PICOP at Alcantara & Sons na mandambong ng natitirang kagubatan sa isla. Pawang panlilinlang, aniya, ang pag-aasta ng rehimen na ititigil na ang pagtotroso dahil sa nangyaring sakuna sa Quezon nitong nakaraang Disyembre.
Dagdag ni Ka Rubi, ipinapakita nitong mas pinapaboran pa ni Arroyo ang pagwasak sa kagubatan upang pagbigyan ang pagkakamal ng limpak-limpak na tubo ng mga burges-kumprador na kumpanya imbes na pangalagaan ang nalalabing patrimonya at ang interes ng mas malawak na mamamayan.
Sa kabilang banda, ani Ka Rubi, pinamamahalaan ng demokratikong gubyernong bayan ang isang aktibong programa ng proteksyon at pagbuhay sa kalikasan para sa kapakinabangan ng mamamayan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|