![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Isinaisantabi ng Malakanyang noong Hulyo 14 ang utos ng isang US federal court sa Honolulu, Hawaii na ilipat ang $40 milyon sa $684 milyong bahagi ng nakaw na yaman ng mga Marcos, tungo sa bank account na binuksan para sa mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang-tao sa ilalim ng diktadurang Marcos. Ang $40 milyon ay bahagi ng danyos na nakalaan para sa halos 10,000 biktima na nanalo noong 1995 sa kasong isinampa nila sa US laban sa mga Marcos. Matatandaan na isa sa mga dahilan ng pagkadismaya ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ikatlong round ng pakikipag-usap nito sa GRP noong Hunyo ang kawalang-aksyon ni Arroyo kaugnay ng pangako niyang ayusin ang danyos na naipagwagi ng mga biktima. Ang pagsuway ng rehimeng Arroyo sa utos ng korte sa US ay may kaugnayan din sa pakikipag-areglo ngayon ni Macapagal-Arroyo sa mga Marcos. Naghahagilap din si Arroyo ng pondo na gagamitin para punuan ang walang tigil sa pagtaas na depisit sa badyet ng gubyerno at pondohan ang kanyang hungkag na 10-puntong programa, mga gastos-militar at iba pa. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|