![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Aabot sa 33 sundalo ng Philippine Army ang napatay sa dalawang magkahiwalay na taktikal na opensiba ng mga Pulang mandirigma sa Compostela Valley at Isabela nitong Enero at Pebrero. Nasugatan naman ang 43 tropa ng gubyerno. Kabaligtaran ito ng mga ulat na ipinaabot ng reaksyunaryong militar sa midya. Sa Compostela Valley. Tahasang kasinungalingan ang sinasabi ni Maj. Gen. Samuel Bagasin, hepe ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, na 14 na kasapi ng BHB ang napatay ng kanyang mga tauhan sa isang labanan sa Mt. Diwalwal sa Compostela Valley noong Pebrero 5. Inilantad ito ni Kasamang Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng Merardo Arce Command (MAC) ng BHB sa Southern Mindanao. Ayon sa MAC, binabaligtad ng militar ang tunay na pangyayari upang pagtakpan ang mga kabiguang natamo nito sa mga labanan. Walang napatay o nasugatan man lamang sa mga Pulang mandirigma sa labanang naganap sa araw na iyon, ayon sa MAC. Katunayan, limang tropa ng Philippine Army ang napatay sa labanang iyon sa Mt. Diwalwal. Bandang alas-9 ng umaga noong araw na iyon, tinambangan ng mga mandirigma ng Ruperto Tuyac Command (RTC) ang 48-kataong platun ng 36th IB sa Sityo Pulang Lupa, Barangay Ngan, Mt. Diwalwal. Mahigit 40 sundalo rin ang nasugatan. Nakasamsam ang mga Pulang mandirigma ![]() Bago ang ambus, isang tim ng RTC ang naglunsad ng isang aksyong militar at isang sundalo ng 36th IB ang napatay. Sinabi ng MAC na ang 36th IB at lahat ng mga nakadeploy na yunit noon at ngayon ay pawang nagsisilbing protektor ng interes ng mga dayuhang nagmimina sa Mt. Diwalwal. Bunga ng mga atake ng BHB, kinansela ni Arroyo noong Pebrero 10 ang nakatakdang pagdalaw niya sa komunidad ng mga minero sa Mt. Diwalwal. Kasabay nito, pinaatras ang pwersa ng 36th IB sa erya at pinalitan ng ibang yunit. Sa Isabela. Aabot sa 27 ang napatay na mga tropa ng Charlie Company ng 45th IB nang tambangan sila ng mga Pulang mandirigma noong Enero 24 sa Sityo Kayangading, Dicamay Uno, Jones, Isabela. Taliwas ito sa pahayag ni Brig. Gen. Napoleon Malana, hepe ng 502nd IBde, na tatlo hanggang sampung kasapi ng BHB ang napatay samantalang walang pinsalang natamo ang reaksyunaryong militar. Ayon sa ulat ni Victor Servidores, tagapagsalita ng Fortunato Camus Command (FCC) ng BHB-Northeastern Luzon, mula kalagitnaan ng Enero ay naglulunsad na ng malawakang operasyong militar ang 45th IB sa mga bayan ng Jones, Echague at San Guillermo. Natukoy nila ang presensya ng isang platun ng Benito Tesorio Command ng BHB na naglulunsad ng kampanyang masa laban sa malawakang pagtotroso sa Forest Region ng Isabela. Noong umaga ng Enero 24, isang platun ng Philippine Army ang humiwalay sa dalawa pang platun na nanghahalughog ng mga bahay sa Barangay Dicamay Uno. Dahil sa maagap at tuluy-tuloy na pagpasa ng impormasyon ng mga taumbaryo tungkol sa kilos ng kaaway, madaling nakapaghanda at nakapagpusisyong ambus ang mga Pulang mandirigma. Bandang alas-7 ng umaga, nakita nila sa pamamagitan ng teleskopyo ang platun ng militar na papalapit sa kanilang pinipwestuhang magubat na lugar. Ilampung minuto pa at nagsimula ang labanan. Sa unang bugso ng mga putok, agad na napatay ang 12 sundalo. Tumagal nang isa�t kalahating oras ang labanan. Sumaklolo ang dalawa pang platun na nagpaulan ng mga bala ng riple at mortar sa pusisyon ng BHB. Dumating din ang dalawang eroplanong OV-10, isang helikopter na MG-520, isang helikopter na Huey at dalawang armored personnel carrier. Ngunit huli na ang mga ito dahil nakaatras na ang mga Pulang mandirigma nang walang kaswalti. Sa kabilang banda, iniulat ng militar na marami silang napatay na mga gerilya. Gayunpaman, hindi nila naitago sa mamamayan ang 27 bangkay ng mga sundalo na hinakot ng mga helikopter, bukod pa sa mga sugatan. Mga karahasang militar. Sa galit ng militar sa natamo nilang kabiguan sa kamay ng BHB, nagtanim sila ng mga self-detonating land mine sa palibot ng lugar na pinaglabanan. Dinahas at pinagbantaan ng mga militar ang ilang residente ng Barangay San Isidro, Jones dahil nagtatago umano ang mga ito ng ilang babaeng mandirigma ng BHB. Pwersahan ding ginamit na giya ng militar ang isang bata para sa kanilang operasyon, ayon sa FCC. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|