![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
MATAGUMPAY ang magkasabay na kampanya laban sa usura at para sa pagpapataas ng presyo ng produkto ng magsasaka sa Isabela at Cagayan. Mahigit isandaang baryo sa dalawang bayan sa Isabela ang nakinabang sa pagpapababa ng interes sa pautang. Sa Echague, Isabela, napababa ang interes sa inuutang na binhing palay mula 35% tungong 25% kada anihan. Nakamit ito sa pakikipagdayalogo ng mga magsasaka sa mga komersyante sa sentrong bayan noong Mayo 16 at 20. Hindi agad napapayag ang mga komersyante sa iginigiit ng mga magsasaka. Sa unang dayalogo, nagmatigas ang mga komersyante na hanggang 5% lamang ang maaaring ibaba ng kanilang patubo. Umabot sa 500 magsasaka ang lumahok sa unang pagkilos. Libu-libong polyeto ang kanilang naipamahagi at maraming istrimer ang isinabit nila sa mga tabing kalye at mga community center ng sampung baryo. Naglunsad rin sila ng mga pulong masa.
Sa bayan naman ng Jones sa parehong prubinsya, nakamit ang 50% pagbaba ng interes sa pakikipagdayalogo rin ng mga magsasaka sa mga komersyante noong Mayo 26. Mula sa dating 8% buwan-buwan, 4% na lamang ang patubo ngayon ng mga usurero. Bukod rito, pinayagan na rin ng mga usurero ang mga magsasakang nangungutang sa kanila na magbenta ng produkto sa ibang komersyante. Dalawampu't isang baryo naman sa mga bayan ng Baggao at Gattaran, Cagayan ang makikinabang sa matagumpay na pakikibaka para sa pagpapataas ng presyo ng mais at pagpapababa rin ng interes sa pautang. Napataas ang presyo ng mais mula P6.00 tungong P6.60 kada kilo. Napababa naman ang interes sa pautang mula 5-10% tungong 3% kada buwan. Apat na komersyante sa Baggao ang tinarget ng kampanyang nagsimula pa noong Marso. Tatlo sa kanila ang tumugon sa kahilingan ng mga magsasaka matapos ang kumprontasyon noong Mayo 6. Bilang parusa, binoykot ng mga magsasaka si Boy Lim, ang komersyanteng hindi pumayag sa kanilang iginigiit. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|