![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ginanap ang Millennium Summit ng United Nations (UN) noong Setyembre 2000 sa gitna ng tumitinding galit at protesta ng mamamayan sa buong daigdig laban sa imperyalistang "globalisasyon". Sa iba't ibang bahagi ng mundo, mula Seattle hanggang Prague, patuloy na bumubuhos sa mga lansangan ang mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan at iba pang inaaping mamamayan upang mariing tuligsain ang mga patakarang neoliberal at ang papel na ginagampanan ng World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF) at World Trade Organization (WTO). Karaniwang ginagamit ang UN � ang diumano'y representante ng pandaigdigang komunidad � upang bigyan ng makatao at mapagkawanggawang mukha ang mga imperyalistang dikta at pananalasa habang ang mas matigas na adyenda ay idinadaan sa lubos na kontroladong mga ahensya gaya ng WB-IMF-WTO kundiman sa pamamagitan ng tahasang unilateral na mga agresyong militar.
Sa ginanap na Millennium Summit, inadyenda ng UN ang "pagpawi sa kahirapan at mga digmaan" sa mundo dahil "insulto" umano ito sa sangkatauhan. Dahil di mapagtakpan ang malawak na di pagkakapantay-pantay ng mga bansa at mamamayan, bilang tagapagtanggol ng imperyalismo, pinagtakpan ng UN ang katotohanang ang ugat ng lahat ng ito ay ang pandarambong at pang-aapi ng mga imperyalista kasabwat ang mga naghaharing uri sa mga neokolonya. Gayundin, inabswelto ng UN ang imperyalismo sa mga krimen nito laban sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagdeklara na ang puno't dulo ng digmaan ay kahirapan at hindi ang walang patumanggang agresyon at pandirigma ng mga imperyalista at ng kanilang mga lokal alipures sa lumalabang mamamayan. Inaamin ng mga imperyalistang kumokontrol sa UN na namamayani ang "bagong kaguluhan sa daigdig" sa halip na "bagong kaayusan" na ipinamarali pagkatapos ng "Cold War". Hindi na rin pinasusubalian ng kanilang mga bayarang ekonomista't "eksperto" ang paglala ng krisis at paghihikahos sa halip ng pamamayani ng paglago at kasaganaang ipinangako ng "globalisasyon". Ayon sa mga pag-aaral ng UN at ng WB, 2.8 bilyong mamamayan (halos kalahati sa populasyon ng daigdig) ang nasa hangganan ng kahirapan at ang dagdag na higit isang bilyon ay namumuhay sa absolutong kahirapan. Ngunit ang pagtalikod sa dating mga proklamasyon ng tagumpay ay hindi simpleng pagkilala sa nagdudumilat na katotohanang pinalala nito ang dati nang kaawa-awang kalagayan ng napakalaking bilang ng mamamayan sa mundo. Tulak din ng kunwa'y kritikal na pananaw sa "globalisasyon" ang hangad para magkonsolida, muling magpalakas, bawiin ang inisyatiba at muling ibwelo ang neoliberalismo at mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon. Matapos ang mahabang retorika, todo-todong ipinagtanggol sa UN, pamamagitan ng kalihim nitong Kofi Annan, ang pangunahing imperyalistang patakaran sa pangangatwirang
Kakoro ng World Bank at IMF, isinisisi ng UN ang laganap na kahirapan sa kawalan o kakulangan ng pangekonomyang paglago ng mga bansa at di pagkakapantaypantay sa mga pagbabago sa teknolohiya at trabaho, diskriminasyon sa kababaihan at labis-labis na regulasyon sa kalakalan. Habang sinasabing maaaring pinalalala ng "globalisasyon" ang nasabing mga suliranin, mariing itinatanggi ng UN na ang mga ito ay direktang epekto ng neoliberalismo. Kung kaya't sadyang kahungkagan ang matayog na target na bawasan ang bilang ng maralitang mamamayan at iba pang "makataong" programa ng ahensya.
Sa gitna ng malawak na kaguluhan sa mundo, itinulak ng mga imperyalista, partikular ng US, ang ibayong pagpapalakas sa pwersang "tagapamayapa" ng UN upang ikubli sa likod ng "makataong" interbensyon ang kanilang lantarang panghihimasok sa mga rehiyong nakataya ang kanilang interes. Ininstitusyunalisa ng ahensya ang kalakaran ng "pagsuspinde" sa soberanya ng isang bansa habang ito ay may panloob na armadong tunggalian at binigyang-katwiran ang papatindi at papalawak na agresyong militar laban sa mga bansang tumututol sa kanilang mga patakaran. Itinakda rin ng UN ang sariling mga ahensya at ang IMF, WB, WTO at iba pang imperyalistang institusyon bilang mga tagapatupad ng "bagong" programa laban sa kahirapan at digmaan. Pinalalabo ang katotohanang ang mga ahensyang ito ay importanteng mga instrumento ng imperyalistang pandarambong. Pinagtatakpan nito ang pinsala at pambubusabos na idinulot ng kanilang mga programa, laluna ng IMF at World Bank. Sa pag-aming mayroong kinakailangang pagbabago sa istruktura at kalakaran ng mga ito, pinalalabas ng UN na bukas sila sa hinaing ng mamamayan at sa gayon ay muling magiging katanggap-tanggap ang kanilang mga patakaran at programa. Ngunit kahit napipilitan itong amining may namamayaning kaguluhan sa mundo, patuloy na minamaliit ng UN at mga imperyalista ang lumalawak na protesta laban sa patakarang "globalisasyon" na sa ngayon ay mabilis na tumutungo sa laganap na paglaban ng mamamayan sa pandaigdigang sistema ng kapitalismo at mga krisis nito. Gayunpaman, hindi na nila mapagtatakpan ang pinsalang dulot sa mamamayan ng kanilang "pang-ekonomyang modelo" ng neoliberal na kaunlaran. Mismong mga institusyon nila ang tinamaan na ng internal na kaguluhan at umiikot na ang ulo ng kanilang mga eksperto sa paghahanap ng "bagong modelo". Ipinapakita ng "bagong kaguluhan sa daigdig" ang lalim ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Nararapat lamang na samantalahin ito ng proletaryado sa buong mundo upang isulong ang interes ng kanilang uri at ng lahat ng inaaping mamamayan tungo sa ganap na pagpapabagsak ng imperyalismo. ![]()
| |||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|