![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa ilalim ng gubyerno ng utusan niyang si Estrada, paisa-isang binabawi ni Danding Cojuangco ang bilyun-bilyong pisong ninakaw niyang yaman. Niluluto ngayon ang kasunduan hinggil sa pondong coco levy upang tuluyang mapasakamay ito ni Cojuangco. Ang pondong coco levy ay naipon mula sa buwis na pwersahang kinolekta ng diktadurang Marcos sa mga magniniyog mula 1972 hanggang 1983. Tinatayang umaabot na sa P100 bilyon ang halaga nito sa kasalukuyan. Pinangangasiwaan ito ng United Coconut Planters Bank, na pag-aari ni Danding. Upang "mapagsilbihan ang kapakanan ng mga magsasaka", nilalaman ng kasunduan ang sumusunod: "Ipagkakaloob" ni Cojuangco sa mga magniniyog ang kanyang 27% sapi (P40 bilyon) sa San Miguel Corporation (SMC), mapasakanya lamang muli ang 20% sapi (P30 bilyon) sa naturang kumpanya. Ang kabuuang 47% sapi ni Danding sa SMC ay sinekwester ng gubyerno noong 1986 batay sa mga katibayang nagpapatunay na ang pondong coco levy ang ipinambili sa mga naturang sapi. Kapag natupad ang "kasunduan," P30 bilyon ang ibubulsa ni Danding kasabay ng pagpapatibay ng kanyang mayoryang kontrol sa SMC. Samantala, ang P40 bilyon ay ipamumudmod diumano sa may 3.6 milyong magniniyog. Subalit tiyak na gagawa ng paraan ang tusong asendero-kumprador upang makopo pa rin ang P40 bilyon. Ang bukambibig ni Erap at Danding na "para sa mga magsasaka" ang "kompromisong kasunduan" ay ginagamit lamang upang pagtakpan ang sa aktwal ay pagbawi ng pusakal na kroni sa mga nakaw niyang yaman. Katunayan, walang papel ang mga magniniyog sa pagbubuo ng kasunduang niluluto ng Malakanyang at ni Danding. Papaano man pagbali-baligtarin, ang mga maliliit na magniniyog ang may karapatan sa pondong coco levy. Ang pagkait sa kanila nito ay tiyak na magpapasiklab ng malawakang galit at paglaban. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|