Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga aral ng pakikibaka sa Hacienda Looc

 Read this article in English

Nitong Hulyo 1, tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang kasong isinampa ng may 10,000 magsasaka laban sa Fil Estate Inc. at Manila Southcoast Development Corporation, mga mangangamkam na debeloper ng 8,650-ektaryang Hacienda Looc. Subalit bunga ng kanilang kamulatan at lakas sa pagkakaisa na pinanday ng limang taong pakikibaka, hindi natinag ng desisyon ng Korte ang determinasyon ng mga magbubukid na tuluy-tuloy na kumilos para sa tunay na reporma sa lupa.

Pagbubuklod ng lakas. Sa umpisa'y naging kalat-kalat ang paglaban ng mga magbubukid nang bawiin noong 1995 ng reaksyunaryong estado ang mga titulo nila sa lupa upang bigyang daan ang balak ng mga debeloper na magtirik sa Hacienda Looc ng dambuhalang panturistang libangan. Subalit paglao'y nagbuklod ang mga magbubukid. Sa pamamagitan ng militanteng samahang kanilang itinatag, mabisa nilang inilantad at tinutulan ang sabwatan ng mga debeloper at gubyerno para kamkamin ang kanilang lupa. Mariin din nilang tinutulan ang lansakang pasistang pandarahas laban sa kanila.

Nabuklod ang pagkakaisa ng mga magbubukid sa pamamagitan ng paglalantad sa anti-magsasakang proyekto ng Fil-Estate at MSDC. Naitaas ang kanilang militansya at napatatag ang kanilang kapasyahang lumaban sa pagsapol nila sa mga saligang suliranin sa lupa at sa mga ugat ng paghihirap ng buong sambayanan.

Pagharap sa mga pakana ng mga debeloper. Tinangka ng mga debeloper na wasakin ang pagkakaisa ng mga magbubukid at pigilan ang kanilang paglaban. Nagbukambibig din sila ng "reporma" at bumuo ng huwad na organisasyong magsasakang pinamunuan ng ahenteng kapitan ng barangay na si Max Limeta. Ginamit ni Limeta ang pananakot at dahas, gayundin ang salapi, upang pilitin ang mga magsasaka na isuko ang kanilang lupa at paninindigan. Sadyang mayroong mga magsasaka na dahil sa matinding kahirapan ay nalinlang, nahatak, natakot o nabayaran ng mga debeloper, bagay na naging suliranin ng samahang magsasaka.

Subalit dahil ibayong pahirap ang hatid ng pagtatangka ng mga kapitalista na itulak ang pagpapalit-gamit ng lupa, mayorya sa mga apektadong magbubukid, laluna yaong mga nasa pinakabatayang saray, ang lalong naudyok na lumaban. Sagot dito, walang pagod silang naglunsad ng iba't ibang anyo ng aksyong masa upang labanan ang proyekto at itambol ang tunay na reporma sa lupa. Kasabay nito, iginiit ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupa sa pamamagitan ng mas masugid pang pagtatanim at pagpapayaman dito.

Pagtatakwil sa repormismo. Binigo rin ng samahang magbubukid ang tangka ng kampo ng rebisyunistang taksil na si Frank Pascual na iligaw ang militanteng pakikibakang magsasaka.

Nagpanggap na mga rebolusyonaryo sina Pascual. Habang nagbubulag-bulagan sa walang pakundangang pandarahas ng estado laban sa mga magsasaka ay ipinangalandakan nila ang "mapayapang solusyon" sa suliranin sa lupa. Binaluktot nila ang likas na katangian ng estado na itaguyod ang naghaharing-uri, at itinuro ang baluktot na prinsipyong maaaring lubusang makamtan ang mga adhikain ng masang magsasaka sa balangkas ng reaksyunaryong sistema (demonstrasyon, petisyon, eleksyon, negosasyon at iba pa).

Tinangka nina Pascual na isabak ang mga magbubukid sa sunud-sunod na aksyong masa habang isinasaisantabi ang lahatang-panig na pagpapalakas ng organisasyong masa. Nilibak nila ang tunay na reporma sa lupa at ang mga aktibistang masa at rebolusyonaryong nagtataguyod rito.

Nabigo ang kampo nina Pascual sapagkat nagpunyagi ang mga magbubukid sa pagpapayabong ng kilusang masa. Masikhay na hinarap ng mga magsasaka ang pagpapatatag ng militanteng samahan sa balangkas ng paglaban sa pyudalismo. Patuloy nilang pinanday ang kanilang pampulitikang kamulatan at umanib sila sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

Mga taktikal na tagumpay ng kilusang masa. Sa kanilang pagpupunyagi, nagkamit ng mga taktikal na tagumpay ang kilusang magsasaka sa Hacienda Looc. Dahil sa mga aksyong masa, pansamantalang napigil ang mapangwasak na mga operasyon ng mga debeloper doon. Nalugi ang mga tusong kapitalistang nasa likod ng proyekto. Kasabay nito, umunlad ang kilusang masa sa lugar.

Taktikal na tagumpay din ng samahang magbubukid ang paglalantad sa pagpapalusot ng mga negosyante sa proyekto nang walang environmental clearance. Apat na beses na nasampahan ng kaso ang mga kumpanyang responsable sa pagguho ng mga lupain, pagkawasak ng mga taniman at pagpuputik ng tubig sa asyenda.

Bukod rito, ilang armadong bantay ng asyenda ang nakumbinsing magbitiw at tumulong sa samahang magsasaka. Dahil din sa mga aksyong masa, napilitan ang mga ahensya ng gubyerno na harapin ang mga protesta ng mga magbubukid. Umani rin ng pambansa at internasyunal na suporta ang pakikibaka sa Hacienda Looc.

Isulong ang rebolusyong agraryo. Ang mga magbubukid ng Hacienda Looc ay kabilang sa milyunmilyong magsasaka na matatag na nagsusulong ng paglaban sa bentahan at pagpapalit-gamit sa lupa at iba pang mga pakikibakang nagtataguyod ng kanilang interes at karapatan. Patuloy nilang isinasagawa ito sa balangkas ng komprehensibong programa ng pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpawi ng usura at pagpapataas ng produksyon ng mga magsasaka. Sa proseso, tuluy-tuloy nilang pinapanday ang kanilang pampulitikang kamulatan at kapangyarihan habang hakbang-hakbang na winawasak ang pyudal na kapangyarihan ng mga panginoong maylupa sa kanayunan.

Tuluy-tuloy na lumilinaw sa mga nakikibakang magsasaka na ang naghaharing sistema ang puno�t dulo ng kahirapan nila. Nasasapol na nila na hanggang umiiral ito�y maaasahan ang ibayo pang pagmamaniobra ng magkakasabwat na reaksyunaryo at kontra-rebolusyonaryo upang panaigin ang kanilang interes.

Dahil dito, tuloy ang laban para sa ganap na pagbabago ng lipunan. Patuloy ang ating tungkuling palawakin at palalimin ang pagkakaisa ng mga magbubukid at ng buong sambayanan para sa rebolusyon. Marami pang Hacienda Looc ang susulpot at magiging larangan ng matitinding pakikibaka.

 


Previous articleBack to topNext article

Hulyo 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang pagsidhi ng mga pasistang atake ay tanda ng lalong pagkabulok ng rehimeng US-Estrada

Panukalang "emergency powers" ni Estrada:
Salamin ng lumulubhang krisis sa paghahari ng rehimen

Tumitinding pasismo sa Metro Manila
Pasismo laban sa mga manggagawa ng LRT
Malisyoso ang SOMO ng Hulyo 22
502th Brigade Salot!
Pagdukot at iligal na pagbimbin kina Nomer Kuan at Romeo Sanchez
Programang pabahay ng rehimeng US-Estrada:
Panlilinlang at pandarahas sa mga maralita sa Metro Manila

Katarungan para sa mga biktima ng Payatas!
San Roque Multipurpose Dam Project:
Dambuhalang pahirap sa mamamayan

Mga aral ng pakikibaka sa Hacienda Looc
Ang iskwad-pangkultura ng Timog Katagalugan:
Tagapamandila ng rebolusyonaryong sining

Sa panahon ng "walang kaparis na kasaganaan" sa US:
Kaapihan at pagkadusta ng mga manggagawa at mamamayang Amerikano

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.