Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

CPLA isinanib na sa AFP

 Read this article in English

Pormal nang isinanib ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang Cordillera People's Liberation Army (CPLA) sa AFP. Pinagtibay ito ni Macapagal-Arroyo mismo sa isang seremonya sa Tinglayan, Kalinga noong Setyembre 1. Ipinagdiwang nila ito na tila ba isang napakalaki at napakainam na pangyayari.

Nagsimula ang CPLA sa mga dating pwersa ng BHB na nalinlang ni Conrado Balweg sa kanyang linyang anti-patag. Tumiwalag sila sa Partido at BHB noong Abril 1986, dala-dala ang maraming armas ng BHB. Ayon sa baluktot na linya ng traydor na si Conrado Balweg, ang lahat ng mga taga-patag at hindi pambansang minorya ay kaaway ng mga Igorot sa Kordilyera. Mula noon, halos lahat na ng mga pinagsimulang pwersang galing sa BHB ang nawala sa CPLA at napalitan na ng goons. Ang iilang natitirang dating pwersa ng BHB, na pawang may mga katangiang lumpen, ay naging hepe ng mga pangkat ng goons.

Dati na ring naglilingkod ang CPLA bilang paramilitar na bisig ng AFP at PNP, bilang mga Civilian Armed Auxiliaries ng mga CAFGU. Ang Cordillera Indigenous Peace Keeping Unit (CIPKU) ng mga paksyon nina Mailed Molina at James Sawatang sa CPLA ay ibang bansag lamang sa mga CAFGU sa Bucloc, Abra at Tinglayan, Kalinga. Ang Cordillera Peoples Militia (CPM) naman ng paksyon ni Modesto Sagudang sa CPLA ay ibang bansag lamang sa paramilitar na mga vigilante sa Tubo, Luba at Langiden, Abra. Kadalasang isinasama ang mga ito ng AFP at PNP sa paglulunsad ng mga operasyong militar laban sa BHB at baseng masa nito, pagbibigay proteksyon sa mga operasyon ng mga sindikato sa iligal na pagtotroso, pagtatanim ng marijuana, pagbibiyahe ng droga, pangingikil sa mga negosyante at mamamayan, panghaharas at pananakot sa mga sibilyan at iba pang mga kriminal at lumpen na aktibidad.

Naglulunsad rin sila ng mga operasyon laban sa BHB at baseng masa nito at mga kriminal na operasyon, tulad ng iligal na pagtotroso. Nagsisilbi rin ang mga ito bilang mersenaryong mamamatay-tao at private army ng mga reaksyunaryong pulitiko at malalaking kumpanya sa pagmimina. Kaakibat ng kanilang mga kriminal na aktibidad at gawaing lumpen, lumilikha at nagpapalala sila ng mga hidwaan sa pagitan ng mga tribo. Marami rito'y humantong sa mga digmang tribo, tulad ng mga pumutok na digma sa pagitan ng tribong Betwagan at tribong Butbut at sa pagitan ng tribong Saclit at tribong Butbut.

Hindi na kataka-takang pormal na silang isinanib ng guberyno sa mersenaryong hukbo nito. Kung tutuusin, walang nagbago sa katangian nila bilang goons. Lamang, iilan sa kanila ang makukuha bilang sundalo at makatatanggap ng mas malaking sweldo. Ang karamihan sa kanila ay mananatili bilang CAFGU na patuloy na kinakaltasan ng mga lider nila at matataas na upisyal ng AFP ng kanilang maliit na sweldo o kaya mananatiling tau-tauhan ng kanilang mga lider at walang-hanggang aasa na mareregularisa pa rin sa AFP.

Dulot ng pormal na integrasyon ng CPLA sa AFP at paggamit nila rito bilang lisensya, lalong maaasahan ang paggawa ng higit pang mga kabuktutan ng CPLA. Ibayo lamang silang malalantad, magiging kasuklam-suklam at mahihiwalay sa malawak na masa ng Kordilyera.

MGA KRIMEN NG CPLA

Sa Kalinga:

  • Si Conrado Balweg, ang pinarusahang pinuno ng CPLA, ang siya mismong umamin na sila ang dumukot at pumatay kay Daniel Ngaya-an (tagapangulo ng Cordillera Bodong Association, rehiyunal na lider ng CPA at panglakayen, o lider ng tribo, ng Lubuagan) sa Barangay Tanglag, Lubuagan, Kalinga noong Oktubre 1987. Ipinatupad ito ng Cagaluan Gate yunit ng CPLA.
  • Pinatay ng isang yunit ng CPLA na nakabase sa Balbalan at pinamumunuan ni Dimas "Willy" Tibag ang dalawang lider ng Barangay Salegseg na sina Santos Gonayon, 61 (Enero 24, 1988, sa Sityo Tawang, Salegseg) at Quirino "Lasi" Ambasing, 50 (Setyembre 28, 1988, sa Sityo Tawang, Salegseg) at isang lider ng Barangay Gawaan na si Martin "Lumidaw" Agnas, 50 (Agosto 30, 1990, sa Sityo Dusoc, Gawaan). Ang mga biktima ay mga respetadong panglakayen.
  • Isa pang yunit ng CPLA sa Balbalan, kasabwat ang ilang lokal na elemento ng PNP at CAFGU, ang pumaslang noong Hulyo 21, 1989 kay Antonio Laguinday, isang barangay health worker sa Barangay Balantoy, Balbalan.
  • Isang yunit ng CPLA na naglulunsad ng patrol operation sa Barangay Dupag, Tabuk ang nagmasaker ng mga inosenteng bata sa Sityo Sabangan, Dupag, Tabuk noong Mayo 26, 1989. Sina Betty Layugan, 2; Mitchi Lagansi, 3; at Simian Molina,14 ang pinatay nila, habang malubhang sinugatan ang apat pang katao, kabilang ang isang may karamdamang sikolohikal.

Sa Abra:

  • Ang CPLA rin ang dumukot at pumatay kay Romy Gardo (organisador sa kabataan ng CPA sa Abra) sa Barangay Tiempo, Tubo, Abra noong Disyembre 28, 1987.
  • Pinatay ng CPLA sa pamamagitan ng firing squad ang dalawang magsasaka na sina Jonathan Bisnan at Tito Babasa sa Bucay, Abra.
  • Pinaslang din ng CPLA si Benito Dang-aw ng Tubtuba, Tubo, Abra noong 1987.

Sa Mountain Province:

  • Tinortyur at pinatay sa Barangay Bekigan, Sadanga, Mountain Province noong 1988 si Pagpag Afarag ng Barangay Can-eo, Bontoc.

 


Previous articleBack to topNext article

Setyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Kundenahin at labanan ang teroristang gerang pananalakay ng imperyalismong US

Mga teroristang krimen ng US at mga pasistang papet nito
Bulnerabilidad ng imperialistang ekonomya, tumambad sa pag-atake sa US
Estratehikong imperyalistang interes sa Afghanistan
Pagsangkalan sa gerang agresyon ng US:
Tumitinding reaksyon sa Pilipinas at ibayong dagat

Mga Ulat Koresponsal:
Kumperensya sa gawing Iloko: Mahalagang breyktru sa pagkakaisa sa pagsusulat at pagsasalin sa Iloko

Mga Ulat Koresponsal:
Masigla, mabilisan at epektibong pagkilos ng masa sa sonang gerilya

Mga Ulat Koresponsal:
Ang pagkilos ng Force Recon Battalion ng Philippine Marines

RHB: kriminal at kontra-rebolusyonaryo
CPLA isinanib na sa AFP
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.