Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]

 Read this article in English

Isa sa mga panukalang minamadaling isabatas ngayon sa kongreso ang Special Purpose Assets Vehicle (SPAV) na naglalayong pag-ibayuhin ang pribatisasyon ng mga pampublikong pang-ekonomyang ari-arian at ang denasyunalisasyon ng ekonomya ng bansa. Layon din nitong ikutan ang probisyon sa konstitusyon na nagbabawal sa mga dayuhang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas.

Kapag naisabatas na ang SPAV, bubuo ang gubyerno ng isang kumpanyang bibili at mangangasiwa ng mga di produktibong ari-arian ng mga bangko (tinatawag na non-performing assets) na inilit mula sa mga indibidwal o korporasyon na hindi nakapagbayad ng utang. Sa pamamagitan ng batas na ito, pahihintulutan ang mga dayuhan na bilhin ang mga nasabing ari-arian, kabilang ang real estate o mga lupain, sa higit na murang halaga. Bibigyan din ang mga dayuhang mamumuhunan ng iba't iba pang insentibo, kabilang na ang paglilibre sa pagbayad ng iba't ibang buwis.

Kapag natuloy, ang SPAV ay magiging isa sa pinakagarapal na mga instrumento sa pagbabaon ng Pilipinas sa mas malalim na hukay ng neokolonyalismo.

Ang paghahapag ng panukalang batas na ito ay isang desperadong hakbangin ng naghaharing rehimen sa harap ng seryosong kasalatan sa pondo para sa pagpapatakbo ng pambansang gubyerno at mga proyektong pampasiklab at umano'y pampasikad ng ekonomya. Nasa napakalubhang antas na ang kakulangan ng pondo ng pambansang gubyerno matapos ang pagbagsak ng kabuuang produksyon; paghihigpit ng dayuhang pautang sa nakaraang mga taon; pagtumal ng pasok ng dolyar mula sa mga OCW; at pagkasaid ng mga pang-ekonomyang pag-aari ng estado bunga ng malawakang pagsusubasta ng mga ito mula pa noong 1992.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.