![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sinita at dinisarmahan ng Benito Tesorio Front (BTF) ng Bagong Hukbong Bayan-Cagayan Valley ang komboy pangkampanya nina Congressman Giorgidi "Gigi" Aggabao at iba pang pulitiko sa Barangay Nilumiso, Echague, Isabela bandang 12:30 ng hapon noong Pebrero 23. Kinumpiska ng BHB ang 12 armas ng mga pulitiko. Nangangampanya nang walang permiso mula sa kinauukulang kumand ng BHB sina Aggabao ng ika-4 na distrito ng Isabela, Mayor Virgilio Padilla ng San Agustin, Mayor Leoncio Kiat ng Echague at mga kandidato para sa pagka-konsehal sa munisipyo. Galing sila sa isang pulong masa na ipinatawag ng mga pulitiko sa barangay center. Isang malaking yunit ng BHB ang nagtayo ng roadblock at pumigil sa kanilang komboy, malapit sa sentro ng Barangay Nilumiso. Bago ito, napag-alaman na ng BTF ang plano nina Aggabao na pumasok at mangampanya. Pinagsabihan na ang mga ito na kailangan muna nilang kumonsulta sa kumand ng BHB sa lugar. Di ito pinansin ng mga pulitiko at nagsama pa sila ng mga goons na may dalang malalakas na armas. Nakumpiska ang apat na M16, dalawang karbin, apat na .45, isang 9 mm, isang mini-Uzi machine pistol, isang .22 at sarisaring mga bala, magasin at ammo belt. Ibinalik ang isang .45 pistola nang pinayagang umalis ang komboy. Nagpakilalang pulis ang may-ari nito at nagmakaawang ibalik sa kanya ang pistola dahil kung hindi ay mapipilitan siyang bayaran ito mula sa kanyang sweldo. Hinawakan ngunit ibinalik din ng BHB ang mga cellphone ng grupo. Nagsagawa ang BHB ang magkakahiwalay na konsultasyon at paliwanagan sa mga pulitiko habang nagkaroon din ng bukod na pakikipagtalakayan sa mahigit 30 istap at badigard na kasama sa komboy.
![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|