|
Col. Sebastian, pusakal na pasista at war criminal, pinarusahan ng BHB
Isinakatuparan ng Ulpiano Anareta Jr. Command ng BHB ang parusang kamatayan sa war criminal na si Ret. Col. Eduardo Sebastian, 61, nitong Enero 12 sa Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City.
Pinarusahan si Sebastian dahil sa kanyang mabibigat na krimen at mga paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan. Kabilang siya sa kilalang mga mamamatay-tao ng diktadurang Marcos. Bilang pinuno ng AFP Southern Luzon Military Intelligence Group (MIG), pangunahin siyang responsable sa maramihang pang-aaresto, panonortyur, pananalbeyds at pagdukot sa malaking bilang ng mga aktibista sa ilalim ng batas militar noong dekada 1970 hanggang dekada 1980.
Si Sebastian ay personal na responsable sa pag-aresto, pagtortyur at halinhinang paggahasa kay Adora Faye de Vera noong 1976-1977. Ginawang sex slave ni Sebastian si de Vera sa loob ng ilang buwan bago ito nakalaya noong 1977.
Sangkot din si Sebastian sa pagkawala nina Rizalina Ilagan, Cristina Catalla at Erwin dela Torre mula Hulyo hanggang Agosto 1977. Gayundin, responsable si Sebastian sa pagkawala nina Modesto "Bong" Sison, Leticia Pascual Ladlad, Jessica Sales at Reynaldo Cruz.
Ayon kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang pagparusa kay Sebastian ay bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pasistang diktadurang Marcos.
Si Sebastian ay naging upisyal ng dating Philippine Constabulary-Integrated National Police na nakatalaga sa intelligence unit ng Southern Luzon Command sa ilalim ni Gen. Alejandro Galido. Naging provincial director siya ng pulisya ng Oriental Mindoro noong 1995-1996 at ng Quezon noong 1996-1997 bago siya nagretiro.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Enero 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|