![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dumadagundong ang isang bagong rebolusyonaryong programang panradyo sa Kabikulan
Nahahati sa ilang bahagi ang programa ng Dagundong. Pinakatampok sa mga ito ang Tudlang Talakayan, na tumatalakay at sumusuri sa pinakamaiinit na mga isyu sa rehiyon, sa bansa at sa ibayong dagat. Sa unang brodkas ng Tudlang Talakayan, tinalakay ang todogerang inilulunsad ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ang armadong interbensyon ng US sa Pilipinas at ang pagdedeklarang "terorista" ang PKP-BHB-NDF. Sinasalitan ng rebolusyonaryo at progresibong mga awitin ang masiglang talakayan upang maging mas kaiga-igaya ang programa. May bahagi ring pinamagatang Dalugi kan Rebolusyon (Punla ng Rebolusyon) na naglalaman ng mga rebolusyonaryong likhang sining at pampanitikan. Sa bahaging Sulo ng Pakikibaka, ibinalita ang pinakamaiinit na pangyayari sa iba't ibang larangan at prubinsya sa rehiyon. Mainam din ang bahaging Sulo-Syensya, na naglalaman ng "syentipikong pagsusuri tungkol sa ating kalikasan at sa mga bagong kaalaman at teknolohiya na may kabuluhan sa buhay at paglaban ng kalakhang masang magsasaka". Ang mga impormasyong tinatalakay sa bahaging ito ay nakapagpapayaman sa kaalaman ng mga kasama at masa. Ikinalulugod ng mga kasama at masa ang bahaging pinamagatang Agi-agi sa Buhay asin Pakikibaka ni Daday (Kwento ng Buhay at Pakikibaka ni Daday), isang dula tungkol sa isang sampung taong gulang na bata. Sa unang brodkas, isinadula ang kabiguan ng isang special intelligence team ng kaaway na pagpanggapan si Daday na sila'y isang yunit ng BHB. Bukod sa likas na bisa ng dula sa pagpopropaganda, nagawa rin itong kasiya-siya sa pamamagitan ng mga eksenang katatawanan. Ayon sa istap na gumawa ng brodkas, simple lamang ang proseso ng produksyon ng Dagundong ng Bikol. Iilang kagamitan lamang na madaling makuha ang kinailangan nila. Ginamit nila ang mga computer program na Cool Edit Pro para sa pag-eedit ng brodkas, Band in a Box para sa sound effects at Wave-MP3 Converter para isalin ang produkto sa pormat na MP3. Gumamit din sila ng saligang mga kagamitang pang-audio tulad ng bi-directional microphone, recorder at iba pa. Bukod sa istap na nakatutok sa gawaing propaganda ng rehiyon, maraming mga kasama ang nagtutulung-tulong sa paglikha ng iba't ibang bahagi ng Dagundong. Ang Dagundong ng Bikol ay mahusay na pagtugon sa panawagan ng Partido na ibayong paghusayin at pasaklawin ang gawaing propaganda at edukasyon. Pagtalima ito sa mahigpit na pangangailangang palaganapin ang mahahalagang impormasyon at pagsusuri sa mga isyu at ang rebolusyonaryong kultura. Bukod sa mga pahayagan at iba pang mga babasahin, mga video cassette at CD at iba pang instrumento sa propaganda at edukasyon, ang pagtutuluy-tuloy ng brodkas ay lalong magtataas sa antas ng kamulatan at militansya ng masa at mga kasama at ibayong makatutulong sa pagsusulong ng rebolusyon. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|